Sunday, 11 March 2012

Watery Day

Friday the 13th??????
Hindi? pero bat ang malas ko ngaun!!!!!!!

Pagpatak ng alas onse ng gabi.
Madalas ako na lang ang naiiwan dito sa opis sa aming department.

Ang tarbaho namin bago magbukas at magsara ang establishimento
eh kelangan ang powers namin.

Dahil nga sa nag-iisa ako sa opis, ndi naman ako natatakot.

Kesyo may nagmumulto daw. Wa paki.
Dis dey lang ako nabulabog.

Pasado alas dose na ng gabi.
Maya-maya may naririnig akong maliliit na ingay.

Parang butiki lang ito.
hindi ko naman pinansin.

Maya-parang may bumubuhos.
Naalarma ako....Ano to?

Umuulan sa opisina.
Mega kuha ako ng payong at kapote (loko lang).

Akala ko piyesta ng San Juan at bumubuhos ang tubig.

Parag tinatapunan lang ako ng tubig ng mga nakikisaya sa piyesta sa San Juan,

Kaya naman basang-basa ako parang si Aljur lang pag nababasa.


 (itigil na ang ilusyon, bak tu istori)

May tumutulong tubig galing kisame (alangan na galing sa sahig).
Hindi lang tulo, umaagos pa.

Kala ko mawawala din, pero tuloy-tuloy.
Putakte yung mga dokumento ko pati report nabasa na,

Pati kompiyuter monitor, kibord, at ibang kompiyuter ekwipments.
Wala akong mahingan ng tulong kasi nag-iisa lang ako.

Sa kabilang department pa ako hihingi ng tulong, ang layo.
Pinuntahan ko ang 2nd floor na tapat ng opisina namin.

Homaygassssssssssssss!!!!!!!!!!!! Kaya pala.
Katapat lang namin ang C.R. nila at ang faucet nakalimutang isara.

Galit na galit uli ako. Hindi na maipinta ang mukha ko, parang ganito lang:


Walang katao-tao sa CR. Lahat ng opisina sarado na maliban sa Purchasing at Accounting dept.
Yung accounting sa 2nd floor bukas ang pinto ng bahagya.
Mega sugod si Dessertboy.

Pagbukas ko, shit si Selam, isang Edyptian kumakain ng Roasted Chicken.



Akala mo si Piolo kung makalapa ng manok. Pero hindi sila marunong mag-alok ng pagkain di tulad ng pinoy.

Crush ko si Selam nung baguhan pa lang ako sito, pero ngaun hindi na.
Infernez may itsura ang mga Egyptian, matatangkad sila, pointed nose at maputi. Di naman lahat.



Kahit crush ko dati si Selam, syempre galit-galitan si Dessert boy.

Hindi masyadong marunong mag-english ang mga egyptian.
Kaya naman malakas ang loob ko mag-Inglis.

Heto na.....Gagamitin ko na ang baon kong Henglish mula pinas, kahit frustration kong magtrabaho sa call center.

(FYI, kahit fluent ka sa English di nila gets, di nila naiintidihan yun, pag wrong grammar ka kumausap ng english sa ibang lahi gets nila)
(Sample: Where have you been? di nila alam yun,
Dapat ang tanong mo ganito: Wher go? Sapul, getching nila yan)

Dessert Boy: Who used the faucet?
Selam: Shada pusit?
DB: Faucet, water in CR.
Selam: Mafi malum (di ko alam).
DB: You are alone here, and you dont know who used it?
Selam: E shada inta shup ana hamam? (ay naku nakita mo ba akong nag CR).

Hugas kamay na ang gago, ganyan kasi sila pag sisihan na, kanya-kanyang hugas kamay.
Dahil dumudugo na ilong ko kakapaliwanag. Eh rampa ako paalis.
(hmmmpppp di man lang nag-alok ng manok)

Eksakto pagbaba ko andun si Modir (Amo) isa rin panot na egyptian. Mega sumbong ako.
Aba ang gago walang pakialam porket kalahi nya ang may kasalanan.
Pag pinoy parusa agad.

Walk out si Dessert Boy. Balik opisina ang lolo mo.

Pagbalik ko naka-gogles na ako kasi baha malamang, (loko lang).
Kuha ako ng map at sandamukal na tissue.

Konting tulo na lang ang nadatnan ko sa loob.
Naging janitor ako dat taym.

Matapos akong maging janitor nauhaw si Dessert boy.

Mega punta ako ng tea room para uminon ng warerr (arte).

Dumating ang isang kamalasan.
Pumutok ang water purifier sa tea room habang kumukuha ng tubig.
At tumalsik sa sa pagmumukha ko.

Hanonggggggggggggggggggg kamalasan ito!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Pagbalik ko ng opis nagulat ako. Akala ko balewala lang kay Amo ang nangyari sa opis.
May concern din pala, aba-aba pinatawag niya pala agad si Jil (tubero), maintenance namin na taga Nepal.
Hindi lang pala sa opis may leak umabot sa purchasing opis. Hay hano ito.

Hay kung sinuwerte ka nga naman oh.
Tama nga sabi nila, may swerteng kapalit ang kamalasan.

Ako na ang susunod na tutubuin ni Jil. Sisipsipin niya ang tumutulong laway at katas ko.

No comments:

Post a Comment