Monday 19 March 2012

Mr. Friendster (I think I'm love)1/2

2009 nakilala ko si Mr. Friendster (Jay) sa social networking site na Friendster (obvious ba?).
Dahil malikot ang kamay ko kakapintdot ng mouse eh napunta ako sa FS page ni Mr. Friendster.
Kahit may Fesbuk na noon eh binubuksan ko pa rin ang FS ko.

Halfnaked lang si Mr. FS sa primary pic at halatang nag-gigym.
Infernez may korte na ang katawan ni Mr. FS, dibdib pa lang parang kay Keanna Rieves na (lol).
Moreno sa picture at matangos ang ilong, Pero lahat ng picture niya burado ang mata.
(Sana pinanganak na lang ng walang mata ito haha loko lang)
Edited lang nasa pic, para may masilayan lang kayong tanawin.

Mr: Friendster

Pinost ni Mr. FS ang kanyang # sa shout-out stream nya sa FS.
Sinbukan ko munang i-miscol bago itext. Uyyyy nag-ring naman.
"Hi" txt ko. Wa sya reply. Txt ko uli yung ibang bati naman "Hello" (parehas lang yun ha?)
Hindi pa rin nagreply. Hinayaan ko na pero sinave pa rin # nya.

Habang nasa trabaho nagring na naman ang Sony Xperia ko (nokia N70 lang).
Nagreply ang gago after 1 week kong tinext.
tutut....tutut..tutut...tutut.

Mr. FS: nasl pls
Dessert Boy: Piolo Pascual, Bisexual, 23, ABS-CBN Q.C. (loko lang).
Sinabi ko naman ang hinihingi nya.
Mr. FS: may pic kaba?
DB: meron palitan tayo. (xempre papadala ko yung pinaka hulsam kong fecure)


Kahit nakita ko na pics nya sa FS humingi pa rin ako and nag send naman sya.
Homaygassssssssssssssssssssssss!!!!!! yung fecture!! Nakablind-fold ng fanyo.
(di sya yan).


Wala lang...kasi yung pinadalang niyang fecture burado na naman ang mata haha.
Infernez nagustuhan niya ang pinadala kong pic. Sya medyo ok lang naman yung pic nya kahit tinakpan niya mata niya,
Makikita mong matangos ang ilong niya.

Matapos ang palitang ng txt at picture, nagswap na rin ako ng Sun simcard kasi Sun sya eh uso ang unli call dati.
Every other day nagtatawagan mga 3x a day parang meal lang Breakfast, Lunch and Dinner kame kng makapag-usap, minsan may coffee break pa.Lalakeng-lalake ang boses ni Mr. FS at hindi pilit.

Nung sinabi nyang isa lang syang guard hindi ako naniwala agad tsaka medyo nabago isip ko.
Kasi Parang wala naman sa itsura nya ang security guard. Inisip ko naman baka poser lang to at nagkukunwari.
Pero nagsugal pa rin ako (majong). Pero iniisip ko, kasi sa boses nya parang ang gwapo inosente. (meganon)

Isa daw syang Sekyu sa 7/11 sa bandang Sta. Mesa.
Higit isang buwan din kameng magka-txtm8 at nagtatawagan.
Minsan pag hindi sya tumatawag sa buong araw parang ang lungkot ko.
Parang mis ko na agad ang gago. Para kasi kameng nagliligawan noon sa fon.

Iba sya kausap, sa tagal namin nagtatawagan ni hindi namin napagusapan kung magsesex kame pag nakita.
Ganun kasi ngaun diba sex agad ang hanap.
Lage namin tinatanong ang isa't isa kung kelan kame magkikita kasi matagal na rin kameng nagtatawagan.
Hectic kasi shedule ko dati (taping, movie shoot pa ako), 8am to 8pm kasi sched ko tapos sya 12hrs duty din tapos panggabi pa.

Hanggang dumating ang araw na magmi-meet kame. Pang-umaga na kasi sya at magkikita kame sa day-off niya.
Yung takdang araw magkikita kame ay saktong birthday ko pero di ko sinabi.
Napagkasunduan naming mag-meet sa Farmers Plaza sa Cubao.
At nangakong dadalhin nya ako sa Palawan 1 ata yun.
Sabi nya mag-eenjoy daw ako dun.

Dumating ang araw pero ang weird ng panahon, ewan ko parang di ako komportable, pero masaya na kinakabahan baka kasi mataas ang expectation niya sakin.

(Sa bahay)
Sisteret. Happy b-day!!
Dessert Boy: Tenk yu te.
Sisteret: Wala bang handa?
(Hindi ako sumagot, ngumiti na lang ako.)
 Sisteret: San ang lakad?
(Nag-alibi ako)
DB: Magiinuman lang kame ng mga katrabaho ko te.
Sisteret: Ah, ok, sige ingat ka.

Sa totoo lang sobrang guilty ako dat taym. Kasi parang inuna ko pa ang sarili kong pangangailangan kesa i-trit sila sa b-day ko.
Hindi ko kasi ugali ang mag-celebrate ng b-day sa bahay. Usually nag-iinuman lang kame ng mga tropa/dabarkads o ka-trabaho ko.

Maraming nagyari nung araw na yun.

Bumaba ako ng Alimall tapos lakad papuntang Farmers,
Dumaan sa ako Araneta Col. nang.........PUSANG GALA.

Napalunok ako (ding ang bato) Pano nakita ako ng mga katrabaho ko dati sa Alimall at Farmers na nagiinuman sa Padis Point.
Alam kong aambushin ako ng mga gago. Napatigil ako ng lakad nung nakita ko sila balak ko sanang bumalik kaso nakita na ako ni Mily (katrabaho ko dati)
Wala akong nagawa at napaupo na lang sa mesa at sinimulang tagayan.
Parang ang weird ng mga nagyayari, parang sa pelikula (wehhh?).
Mga 15 minutes lang nagpaalam na ako, pero ayaw ni Roldan (buddy ko noon sa trabaho). Kasi ngayon lang kame nagkita uli after 1 year.
Nagtetxt na si Mr. FS, kanina pa daw sya sa farmers at balak ng umuwi sa tagal ko.
Naku hindi ako papayag na hindi kame mag-meet kahit kakain lang kame saglit.

Nakipag-deal ako kay Roldan at sa ibang kasamahan ko, na babalik ako my imi-meet up lang ako (kunwari barkada ko).
Pinaiwan sakin yung bag ko, para matapos na pinaiwan ko.

Tumakbo ako sa Farmers sa foodcourt. Tinext ko asan na uli sya, gulat ako papauwi na daw sya.
Kinumbinse ko, bumalik naman, SAbi ko putahan niya ako sa greenwich.
Txt uli sya nasa loob na daw sya, pero lingon ako ng lingon ala pa rin.

Greenwich Farmers Plaza  (Dito Mismo)
DB: San kana, nasa greenwich na ako.
Mr FS: Andito na ako, ANo suot mo?
DB: Basta hanapin mo lang yung naka-blue na sweater sa greenwich, Kaw ano suot mo?
Mr; FS: Nakashort ako tska sumbrero.

Palingon-lingon ako hanggang sa matanaw ko ang mama sa may hagdanan sa entrance nakaslacks, puting polo at nakasumbrero, busy rin sa kakatext at pa-linga-linga. Maitim at nasa 40's na ang edad at may dalang mahabang bagay.  Napamura ako, gusto ko nang umatras at tumakbo sa Padis point at maglasing na lang kesa i-meet yung mama. Ilang minuto akong hindi nagresponse sa text nya. Tulala ako.
Diyos ko sya kaya to, sa isip ko.

Sekyu
Charot lang.

Totoo may mama talaga nakas-short tapos busy sa kakatext, feeling ko ako ang ka-katext niya.

Sobra akong kinakabahan na ewan. Pero andun na ako eh, Handa na akong sumugal.
Parang nilakasan ko loob ko at tinext ko pa rin sya.



tubikonti-NUDE ...........

No comments:

Post a Comment