Sunday 28 April 2013

Damit ng mga Guwapo

Bakit ang dami kong nakiitang nagsusuot nito.
Meron din ako neto at nakakatawa nga nung first time kong sinuot.
Binili ko lang sya sa may Crossing / Shaw.
Mumurahin lang pero magagandahan ka sa style nito.

Dar Francis Salvador

At pag sinusuot ko ang damit kong ganyan, nagiginga ganyan ding ang itsura ng peg ko, mala Darylle :D
Ang dami kong nakitang nagsusuot nito sa FB.
Napansin ko agad kasi nga meron din ako nyan.

Wan taym, sumakay ako ng MRT Shaw, if Im not mistaken nag-apply ako nun,
casual lang suot ko wearing that top (checkered blue/green polo) tapos jeans lang.
Di naman kasi corporate ang inaplyan ko non, sa abroad lang and magpapasa lang naman ng resume
kaya casual ako. Pero pag may employer interview na ako, dun pa lang ako magdadala ng Americana suit.
With matching pink neck tie. LOL



O eto na nga ang scenario, pagsakay ko ng MRT Shaw, syempre ang paboritong pwesto, Dulo (or gitna or dulo ng women area)
Di ba ako woman? hmmm. Nakasakay na ako, sa loob ng lumingon ako, sa left side.
Halos gumuho ang mundo ko ng makita ko ang kakambal ko sa loob ng tren.
Charrr.. kakambal lang na damit. Homaygasssss sobrang kakashy sa mga passengers
Kunwari patay malisya ako, manhid sa katotohanan at pilit nilalabanan ang trial sa buhay....Hanoooo daw???
Pero infernez cute yung guy (lumandeeeee?) pero still kakashy pa rin daba.


Pagdating ng Boni MRT, lumabas akez, hinintay at sumakay uli sa kasunod na tren.
Hodeva hong arte lang ni Dessertboy.

Wednesday 24 April 2013

Sya Pala Yun? (Omar Borkan)

Basahin para makarelate ka >--> http://cutedessertboy.blogspot.com/2013/04/worry-si-dessert-boy.html

What does it take to be considered a National Threat?
The smoldering good looks of Omar Borkan Al Gala, apparently. 

Omar, together with 2 other men from UAE, were expelled from Saudi Arabia during a cultural festival as they were deemed "too handsome" by the religious police and that "the festival commission members feared female visitors could fall for them."

After the incident, Omar Borkan has gained international fame, with women all over the world begging him to come to their country (or home).


O mge utay eto daw yung picture ng poging emirati na dineport dahil sa sobrang guwapo.
Di naman pala kame nagkakalayo eh ? haha

Gusto ko rin makita yung dalawang kasama nya, kikilatisin natin kung karapat dapat ba syang dineport.

























Tuesday 16 April 2013

Worried si Dessert Boy

Kagimbal gimbal po ang aking nabasang article nitong araw lamang.
Agad ko pong inayos ang aking mga papeles dito sa Saudi.
Inayos rin ang mga gamit kung sakali.
Baka kasi bigla akong ma-deport dito.

Bakit?

Kasi eto po ang nasabasa kong article na labis kong pinangamba sa paglalagi ko dito sa Saudi.

Men ejected from Saudi festival, deported for 'being too handsome'

Finally, a news story we can relate to an annual culture festival in the Saudi Arabian capital of Riyadh was interrupted when three men from the United Arab Emirates stand were ejected for being too handsome. "A festival official said the three Emiratis were taken out on the grounds [that] they are too handsome and that the Commission members feared female visitors could fall for them," a news service said, adding that "the festival's management took urgent measures to deport the three to Abu Dhabi."


We have this problem a lot. In fact, a prerequisite of employment at our site is at least one prior arrest for extreme handsomeness or beauty.


Kaya  di na po ako masyadong naglalalabas ng bahay.

Charrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!!!
Ano kaya ang masasabi ng Arabo kong boyfriend na to:









 LOL!!!!




Thursday 11 April 2013

May Pulis, may Pulis sa ilalim ng tulay!!!

Do you know what place is this? Nagawi ka na ba dito?
Very Inconvenient pedestrian lane fom Robinsons Gale to SM Mega.
Mega, sikip, mega usok,  at megan young.
Kakabrowse ko ng pic sa fb biglang nag-flasback ang aking love memory

Every time na dadaan ako dito, hinto muna ako kay manong.
Si manong na suki ako ng yosi at kendi.

Na sa libo-libong pedestrian eh pag nakita nya ako ay nakangiti sya.
Feeling artista lang?????



At dito rin nakita ang pinaka-poging Pulis na nakita ko.

Habang nagyoyosi ako dun sa likod ng acacia tree (sa tabi ni Manong na nagbebenta ng yosi),
Biglang humampas sakin ang malakas na hangin na may amoy aroma.
Nang mapansin ko ang mama sa tabi ko.


Paglingon ko sa kanya, nag-slow motion ang ang mahaba kong buhok.
At biglang napahigop ako ng maraming usok ng yosi.
Shitttttttt isang mamang pulis!!
At di basta bastang pulis. Isang mala-anghel na pulis na handa akong paputukan anumang oras.
Parang ganitey lang ang peg,

 
 Ay sundalo pala yan,

Dapat pulis, parang ganitey lang sya.

JR Valentin
Ayyyy masyado namang gwapo to.
Change picture yung normal lang.
Pagsama-samahin na lang natin.:




Homaygassss abelgassssss, Guys promise sya pa lang ang nakita kong guwapong pulis ever!
As in guwapoooo! Kinokontrol ko sarili baka bigla akong mag-orgasm ng wala sa oras.
Pero di ko maiwasang lumingon at titigan ang mala-anghel nyang mukha.
Kakalingon ko sa kanya bigla rin syang napalingon sakin, nyakkkssss kaka-shy naman,
Baka iniisip nya crush ko syaaaaaaaaaaa..Di no.....di sya nagkakamali.
At dun ako naniwala sa LAB AT PERS SAYT.

Ubos na ang yosi ko pero kailangan kong igrab ang oprtunidad na ipinagkaloob
ng juice este dyos sa araw na yun. Mega bili uli ng Marl Lights para makasama pa sya sa maikling
panahon. Bumalik uli ako sa pwesto ko pero mejo atras nya ng konti para kahit
sulyapan ko sya di nya masyadong mahalata, nagkamali ako.
Napansin nya yatang nakatingin ako sa kanya, lumingon sya uli sakin.

Nagblushed ang chickbone ng puwet ko. Pero nagsalubong ang dalawang kilay nya
nung tumingin sakin. Patayyyyy masyado naman yata akong pansin.

Nang biglang lumapit sya sakin at inabutan nya ako ng panyo nya.
Akmang aabutin ko na sana nang biglang pinunasan nya ang bibig ko.
Sabay bulong sakin "Laway nyo po parang Ma. Cristina falls sa dami!"
Teng-ene, nahiya naman ako. Bigla na naman syang yumuko sa harapan ko,
Sabay taas sa aking pantalon at brief, "Eto oh 500 pambili ng bagong brief at sinturon!"
Sabay ngiti sakin. (charrrrrrrrrrrrrr)


Pero di ko namalayan para akong tangang nakangiti habang nakatingin sa dumadaang Bus.
Homaygasssssssss nagde-day dream na naman akez sa isang umbre.
Di ko na napansin ang guwapong pulis sa sa tabi ko.

Lumingon lingon ako san na sya nagpunta. Nakita ko syang paakyat na sa taas ng ortigas MRT.
Habang umakyat sya, nakatingin ako sa kanyang puwet..
Shiiiiiiiiiiiiiitttttttttttt anong kabaklaan na naman ang inasal ko.

Na-star struck ako kay poging Pulis at na-curious ako san sya pupunta.
Kaya naman sinundan ko sya sa taas ng MRT. Pagtapak ko sa taas.
Andun sya kasama ang ibang mga pulis, dun ko pa lang naisip.
Ay oo nga madalas pa lang may pulis na nakatambay dun sa Taas ng MRT Ortigas kasi
yung kababayan ko dun sya nadestino dati for mintime.

Da-moves ang pinaandar. Mega bili ako ng pagkain kahit di ako gutom sa kabila ng pagiging
stalker ko na yata haha. Ganyan kasi ako, pag nakakita ako ng magandang tanawin sa labas.
Tatlo silang pulis, yung isa parang holdaper ang peg, yung isang masculine na masculine ang
peg at katawan. Pero kabog pa rin si poging pulis.


Pede lang magpapa-aresto na ako sa kanya sa kasong "Mamboboso" lol.
At pag tinanong nya ako bakit ako aarestuhin ganito lang ang sagot ko.
"POGING PULIS, IF FALLING IN LOVE WITH YOU IS A CRIME, THEN I COMMITTED SA SWEETEST CRIME IN WORLD!!!" Tarushhhhhhhhhhhhhhhhh!