Thursday 29 March 2012

Mr. Friendster (I think I'm love)2/2

(Cenxa xado ng leyt ang part 2, dinibdib ko kasi maxado ang pagkabura ng part2 eh, loko lang.)

Mr. Friendster Part 1 (Basahin mo muna ang part 1 para makarelate ka :))


Tinext ko na lumingon sya, para malaman ko kung sya yung mama, whoooooo buti na lang hindi lumingon ang mama.
May tsansa pa sabi ko sa isip ko.
Pinakiramdamam ko rin kung lalapit yung mama sakin, pero hindi naman.

Habang nakaupo at naghihintay sa greenwich, nang may biglang umupong lalaki sa harapan ko.
Hindi ako umimik at natulala talaga ako, nakatingin lang ako sa mga mata nya ng ilang segundo.
Nakatingin lang din sya sakin, walang munang imikan, at ng ngumiti na sya,
Ay alam ko na, sya na yun.

Abot tenga ang ngiti ko sa nakikita ko.
Hindi rin ako makapaniwala na sya yun. Ayoko ko sanang sabihin na yung itsura niya baka kasi sabihin niyo eh masyadong ilusyon.
Oo, isa lamang po syang Tall, Dark and cute.




Hindi sya sobrang gwapo pero cute lang na maapeal.
Maitim siya pero makinis naman. Ang tangos ng ilong at brusko ang dating.
Naiilang ako kasi ang tangkad niya, hanggan balikat niya lang ako.

Nagkakahiyaan nung una, pero ako na ang dumiskarte,
DB: Hello, Ikaw si Mr. FS?
Mr.FS: Oo pre.
DB: Nice to meet you?
Inabot ko kamay ko para makipag-shake hand, pero napahiya ako. Hindi siya nakipag kamay.
Naintindihan ko naman sya baka nga naman nahihiya at isipin ng tao sa paligid eh EB kame.

Tinanong ko uli kong sekyu ba talaga sya. Sabay dukot sa wallet niya at pinakita ang I.D niya.
Sa 7/11 sya nagtatrabaho bilang sekyu. Iba kasi ang impresyon ko sa mga sekyu parang matatangkad lang sila na Shoge.
Hindi naman, yung iba lang kasi yung pinsan ko sekyu din pero may itsura naman ayun nga lang chakaness ang asawa pati ugali chaka din.


(Hodeva ang gwapong sekyu)

Ininsip ko nun habang naguusap kame, sana kame na (ang lande).
Kwentuhan kame ng kwentuhan pero  mahiyain sya ng konti, hindi aktibo.

Hindi namin napansin ang oras. Gaya ng napagusapan namin. Pupunta kame ng Palawan 1 Bar.
Pero mga alas nuwebe pa lang ng gabib noon.

Naisip ko muli ang nangyari bago kame nagkita, na nakita nga ako ng mga katrabaho ko dati sa Farmers at Alimall na nagiinuman sa Padis Point Araneta.

Gusto kong balikan ang bag ko kay Roldan (buddy ko noon sa ALimall), Ayaw niyang sumama, pero kinumbinse ko.
Sumama naman sya, pero dumaan muna kame sa taas na tulay sa Farmers Plaza going to Gaterway.
Tinuro ko yung mga kasamahan ko, sinabi kong hindi naman sila nangangagat.




Lumapit na kame at pinakilala si Mr FS sa mga katrabaho ko.
Umupo muna kame at tumagay, Habang tumatagal, nakikita ko sa mukha ni Mr. FS na OP sya.
Tahimik lang at nilalandi ng babae kong kasama. Nagtext sya sakin na alis na kame kahit magkatabi lang kame, nahihiya siguro kumausap sakin.

Kaya bago pa makawala ang malaking isda nato kailangan ko ng dumiskarteng magpaalam.
Pumayag naman ang mga tropapipz.
Umakyat kame sa gateway at naglibot libot saglit, ng mapadaan kame ng sa tindahan ng cellphone.
 Pumasok kame sa loob, tumingin tingin, tinanong ko kung bibili ba sya ng cellfon.
Sabi niya nagpapabili daw ang tito niya ng cp.
Sabay dukot sa wallet at...homaygassssssss hongdami namang pera neto.
May pinapabiling unit ng nokia ang tito niya, pero mukhang kulang ang pera sa wallet niya.
Sa tito daw niya yung pera sa wallet niya, siguro nasa 14k+, ewan yung ang tanda ko.
Dahil kulang ang pera, tumingin sya sakin, hmmmmmmm mukha daw akong banko (hindi ako source of income noh).

Napagusapan na namin yun dati na walang ganyang titigan pagdating sa pera.
Umalis kame ng Gateway ng walang dalang bagong cellphone ng tito niya.

Habang naglalakad papuntang Palawan 1 Bar, tahimik lang uli sya.
Ngumiti lang minsan pag nakatingin sakin. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan uli makipagusap para naman hindi boring.

Sinabi ko sa kanya na Birthday ko noong araw na yun. Pero deadma ang gago.
Wala man lang imik at hindi man lang ako binati o nagulat man lang.
Parang napahiya naman ako.

Nung nakarating na kame sa bar, ako na ang nagprisintang magbayad ng entrance.
Pero nagpumilit syang hiwalay kame ng bayad.
Sabi ko okay Birthday ko naman eh. Kaya pumayag naman.

Pagpasok namin marami ng tamod este boylets na nakupo, Nahiya naman ako bawat pasok tinitigan kung papasa sa panlasa nila,
Syempre binasa ko ng laway ang labi ko sablay split sa entrance, O ha!




Infernez maraming gawapingz sa loob, kahit medyo madilim ng konti naaninag mo pa rin sila.
Gusto ni Mr. FS sa loob daw kame, sa may videokehan ata yun, basta yung sa may transparent na salamin.
Umayaw ako kasi konti lang tao dun tsaka baka reypin nya ako noh, hindi ako redi.

Pumayag naman sya na sa labas kame para mapanood yung sinasabi niyang parang bikini contest.
Oo, may bikini contest kunwari (stayl ng mga bar).

Habang nakaupo, napasin ko ang ang isang poging lalake nakatingin banda samin ni Mr. FS. Parang sakin ito nakatingin.
Syempre pacute naman ako, kunwari pa-smile smile habang kausap si Mr.FS. Hong tagal makatingin sakin itey.





Maya-maya nilapitan sya ng stand-up commedian at tinanong bakit sya nakatalikod sa stage at nakaharap banda sakin.
Homaygassssssss naloko ako sa sinagot niya.
Kaya pala nakatalikod at nakaharap samin kasi dun sya tumitngin at nanonood sa salamin, sa likod namin. Buwisit akala ko pa naman ang ganda ko na.

Umorder na kame ng isang bucket ng beer tska isang kaha ng yosi na ginto ang presyo.
Hindi daw siya nagyoyosi pero pinilit ko, ayon halatang di nga marunong, hawak pa lang.
Habang tumatagay  nilipat niya ang upuan niya sa tabi ko. (kinikilig akez).
Pag nagkukwentuhan kame minsan pinapatong niya ang kamay niya sa hita ko.
Tinanggal ko, anong tingin niya sakin "Easy to get" (arte, charot lang).





Habang nakapatong kamay niya, pinagsamantalahan ko naman, pinatong ko rin ang kamay ko sa kamay niya (goshhhh ano to)
Ang sarap niyang tignan, Lalo akong natutunaw pag ngumingiti at nakatingin sakin, dimples pa lang pamatay na.
Sabi ko sa sarili ko, kelangan may mangyari samin sa gabing iyon. Pero enjoy-enjoy lang  muna.

Nagsimula na ang bikini contest kuno, Nagrampahan na ang mga lalakeng matipuno ang katawan at nakasuot ng manipis at miikling salawal. Tokot-tokot na to.
Sige kanya-kanyang bet. Nung malapit ng matapos at huling rumampa ang ilang contestant. Hava nagulat ako sa reaksiyon ni Mr. FS, dun sa isang contestant habang rumarampa.





Sinigawan lang naman niya ang contestant na yun. "BAKLA!!!!!"
Pasigaw niyang sabi, sabagay muka naman kasing bakla yun, pero syempre mali.
Natakot akez baka mapa-dobol trobol kame dito sa bar.
Binulungan ko ang gago, "Pre easy lang, lasing kanaba?"
Sabi niya hindi pa naman daw.

Kwentuhan na naman kame uli ni Mr. FS, pero dis taym sobrang init na. Halos maghalikan na kame as in naka-akbay na sakin at goshhhhhhh (arte) ano ito. Pero kinontrol ko sarili ko, nahihiya kasi ako sa ganun, okay lang ang akbay pero kissing scene sa public no way kahit si Gerald Anderson pa yan (wehhhhh). Ayoko ko kasi ng PDA (Philippine Dental Assoc) charot alam mo na yun.





Makulit na si Mr. FS, actibo na ito parang nakawala lang sa hawlang kinasisidlan nito.
"Sige pare, inom pa tayo, humanda ka lang mamaya dahil rereypin kita" aniya,
Sabay halakhak namin dalawa.
Binulungan na rin ako nito na lumabas na kame at magmotel, pero umayaw ang bida sa blog na ito.
Oo, nag-inarte ako. Pero sasabihin ko sainyo ang totoo, pag lasing na kasi ako o nakainom, hindi na ako nalilibugan.
Pero okay lang basta type ko ka-sex ko tumatayo pa naman.
Sabi ko mamaya na, uubusin muna namin ang natitirang bote ng beer, (mukang medyo napahiya ata dahil umayaw ako).

Nag-C.R sya saglit pero hindi lang saglit, ang tagal bumalik mukang naunahan na ako ng ibang nilalang sa loob ng CR.
Gusto ko sanang sundan kaso nahiya naman ako. Ang tagal niya bago bumalik.
Pagbalik niya ako naman ang nagyaya na pahinga na kame sa motmot.
Nagulat ako sya naman ang umayaw at umorder pa uli sya ng isang bucket ng beer pangbanlaw lang daw.
O ha parang naglalaba lang, disappointed ako at napahiya din.

Maya-maya may nagtxt ata sa kanya. At nagpaalam saglit, bibili lang daw sya ng kendi.
Ininsip ko baka di na bumalik. Pero nagtiwala naman ako.
Kalahating oras na pero wala pa rin ito, hinabaan ko pasensya ko, kahit gusto ko nang magpahinga.
Sa awa ng diyos bumalik ang loko. Tinanong ko bakit ang tagal, ang dami niya rason, kaya nagduda na ako na may nakausap syang iba.

Halos suko na ako sa alak kakalaklak, maya-maya tumunog na naman ang celfon nito.
At nagpaalam na namang lalabas pero dis taym gusto ko ng sumama kasi ayoko ko na sa loob at baka di na nga ito babalik.
Pero nagpramis syang babalik, sige hinabaan ko na naman pasensya ko.

Lumilipas na naman ang oras at di pa ito bumalik, naiinis na ako, tinatawagan ko pero ayaw sumagot kahit sa text.
Sa inis ko nilalaklak ko na lang ang natitirang bote ng beer. Nang biglang may umupo at





Guy: Hey dude mukang nag-iisa ka ha?
DB: May kasama ako pre lumabas lang saglit.
Guy: Ah ganun ba sori. Pero okay lang ba tumeybol?
DB: OK lang naman basta hindi ka nangangagat.
Guy: Haha, sumususo pwede pa(sabay ngiti).
(Ngiti naman ako kasi mukang makulit to.)
Guy: Bay da wey Aym Phil Yanghasbound. (sabay abot ng kamay)
DB: Aym Angel?
Guy: Angel Locsin?
DB: Angel Guirado.
(Charutan lang) Nagpalitan kame ng pangalang totoo.

Habang wala pa si Mr. FS, inaliw naman ako ni Phil Younghusband (nag-soccer kame).
Maharot si Phil as in sobrang flirt pero astig kasma ang kulit. Bi din sya, cute at lumolobo ang dibdib.
San ba mapupunta ang usapan namin ni Phil kundi ayaan sa motmot. For the second taym umayaw ako.
ANg gusto ko ka-motmot si Mr.FS na mukhang iniwan na ako. Hindi naman nagpumilit si Phil sakin although nanghinayang din ako,
Nagdalawang isip kasi ako baka babalik si Mr. FS uli, nakakahiya naman wala syang baballikan.

Nagpaalam na si Phil at naiwan naman akong nagiisa.
Tintawagan ko uli si Mr. FS pero ayawa talagang sagutin ang fon niya.
Nagdesisyon akong umuwi na lang.
Paglabas ko ng bar palinga-linga ako sa kalye baka andun lang pero wala akong nakita. Naghintay ako ng saglit sa harap ng bar pero wala pa rin.

Eto na uuwi na talaga ako ng nakasimangot. Habang naglalakad papuntang sakayan, Homaygasssssssss.
Si Mr. FS andun sa kabilang bar na open area lang. May katable ito na macho din at gwapo.
Sinubukan kong imiscol habang nakatingin sa kanila, pero bigo ako, gusto kong puntahan kaso nahiya naman ako.
Walang-wala naman ako sa ka-table niya kumpara sakin.

Dumeretso na lang ako sa sakayan ng taxi.
Pasakay na sana ako ng may sumitsit. Nag-vibrate naman ang wetpaks ko.
Pagtingin ko si Phil lang pala, kumakain ng balot pero may kasma sya.
Niyaya muna ako kumain na balot. Dumampot ako ng isa sabay pukpok sa ulo ng nagtitinda, charot.

Phil (Guy sa Bar): Oh uuwi kana?
DB: Hindi papunta pa lang ako, Oo pre naantok na ako.
Phil: Asan na yung kasama mo?
DB: Wala na, ewan ko kung asan (nagkunwari akong di ko alam). Sino yang kasama?
Phil: Ah si James.
DB: James Younghusband?
Phil: Hindi, Gold James, yung palakihan ng katawan (loko lang).
Nagkamayan naman kame ni James. Hindi sya gwapo pero may dating naman.
Nakailang balot din kameng nakain. Nagpalaam saglit si James samin.



Phil: Wag ka munang umuwi,
DB: ANtok na ako eh, tska pagod.
Phil: Gusto mo pahinga tayo.
(Alam ko na ibig sabihin nito)
DB: Next taym na lang pre. Wala tlga ako sa mood.
Phil: Walang problema.

Tuluyan na akong nagpaalam kay Phil. Nangako ako sa kanya na magkikita pa kame kaya naman nagpalitan kame ng numero.
Sumakay na ako ng taxi.

Driver: Sir san tayo?
DB: Sa loob ng taxi mo!
Driver: Hehe.
DB: Sa Forbes Park (charot) Pasig lang.
Driver: Madalas ba kayo jan sir?
DB: Hindi pers taym ko lang dun. Birthday ko kasi.
Binati naman ako ni mamang driver. At eto ang naalala ko, kinakantahan ko sarili ko ng Happy Birthday sa loob ng taxi....Hodeva kakahiya.

Pasado alas 3 na akong nakarating sa bahay, naabutan ko pa ang mgatropang tambay sa labas na nagiinuman kasama sina Mike at Tisoy (tropang tambay na cute, crush ko pareho), napatagay uli ako at dun tinuloy ang ligaya. Matapos ang inuman nakitulog ako kila Tisoy, gusto ko sana kay Mike kaso masikip lang sa balur nila. Pasimpleng diskarte diba para lang makatabi sila haha. Nahihiya na rin kasi akong kumatok sa bahay namin. Blog ko na lang nxt taym ang tambalan namin ni Tisoy sa kwarto.




Tanghali na ako nagising sa bahay nila tisoy, pagtingin ko sa kama wala na si Tisoy. Wala namang nangyari samin ni Tisoy ng gabing iyon kasi straight sya at ilang beses ko na rin katabi sa pagtulog pati si Mike.

Pagbukas ko ng pintuan nananghalian na ang sisteret ko pati pamangkin. Sabay alok sa na kumain dumretso ako ng banyo at dun pa lang nagsuka. Dumretso ako ng kwarto at nakadungaw sa bintana.





Nawala na ang alak sa katawan ko kaya naman nanariwa ang nangyari kagabi. Isang gabing sobra kong pinagsisihan sa araw ng aking kaarawan. Nagsisi dahil naging selfish ako. Hindi ko man lang nagawang bigyan ng pansin ang aking pamilya para lumigaya sa aking kaarawan. Mas inuna ko pa ang pansariling kaligayahan kesa sa kanila. Bago pa kasi dumating ang aking kaarawan biniro na ako ng ate ko na ipapasara niya ang buong Pasig sa aking kaarawan. Pero nasisip ko na lang na i-trit sila sa labas pero di ko nagawa.

Lumipas ang dalawang araw muling nagparamdam si Mr. FS. Hindi ko sinasagot ang tawag niya.
Nagtext at nangangamusta. Humingi rin ng paumanhin. Nagreply ako naman ako at inokey na lahat.
Bumalik ako sa menu ng cellphone ko, hinanap ang numero niya, pinindot ko ang mga ganitong step:

1. Contacts
2. Mr. FS
3. Option
4. Delete
5. Delete?
6. Yez!!!

Sabay tapon ng Sun simcard sa basurahan.
Nabura ko man sa contacts ng cellphone ko pero nanatili pa rin ang ekspiryens na binigay sakin ni Mr. FS.





Di End.

9 comments:

  1. pakipot ka daw kase madam..lols..biro lang=)

    ReplyDelete
  2. xempre, kunwari pakipot muna kahit sabik na sabik n ako haha, ayun nawala tuloy ang malaking isda. okey lang my kapalit siguro yun bka sinlaki p ng butanding lols.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Desert Boy, Year 2012 lang ba to nangyare? i dont usually read bligs pero ngayon i-pa-follow na kita! kinilig ako sa Story na to! marameng sayang , sana ganito, sana ganyan pero TAMA lang ang ginawa mo! :) kung totoo si Mr. FS sayo he's willing to wait :) pero ang gwapo nya para sa Security Guard ha! ang hot ng body nya in all fairness! pwede syang model :)

      Delete
  3. 2010 yata pre....I swear cute lang nmn si Mr. FS.
    keep reading :)

    ReplyDelete
  4. kakaaliw pala basahin itong blog mo! haha. gusto ko yung may pictures pa e. hahaha.

    ReplyDelete
  5. nice blog brad, hope you'll continue to write stories, lgi na me dumadaan d2 sa blog mo, are you still here in the ME? where?

    ReplyDelete