Tuesday, 19 June 2012

Tay I did it!!

Dahil araw ng ama ngayon, ishe-share ko lang ang karanasan ko kay Tatay.
Kanina habang nagbabasa ng article sa Yahoo na what-dad-taught-me ay naisip ko kung ano nga ang aral na naibahagi ni Tatay sakin.

Aktuwali marami din, pero iisa lang ang tandang-tanda ko at nais ibahagi sa inyo.
Dahil mahaba akong magkuwento, naiisip ko na idrawing na lang ito sa Paint para magetz agad.


First year high school pa lang ako noon kung di ako nagkakamali ng lumuwas si Tatay at nagbakasyon pansamantala sa Maynila.

Dahil ako ang natirang matanda sa aming magkakapatid (yung mga ate't kuya ko nasa Maynila), ako ang tumayong Ama sa amin.
Kabilin-bilinan ni Tatay wag ko daw sila pabayaan (Oha parang nagpapaalam na).

Sa bahay ang aming CR ay malayo sa aming tahanan, sasakay ka pa ng Jeep at tricycle, loko lang mga 50 meters away lang ang layo.
Oo, ganun talaga dati sa probinsya, naka-hiwalay ang mga kasilyas / dumihan. Unlike ngayon na pagpasok mo ng bahay bubungad agad ang CR.

Oha talaga hanggan second floor ang balur namin. FYI: nung bagyong ondoy karamihan sa kapitbahay naming binaha sa 2nd floor namin pinatuloy.

Makalipas ang ilang linngo dumating ang unos / bagyo. Madalas kasi ang bagyo sa lugar namin, Mga 20 - 30 typhoon in a year lang naman sa bayan ng Isabela.

Binagyo kame, nabuwal ang mga puno, nilipad ang aming bubong at nasira ang aming Kasilyas / CR.

Nanlumo kame sa nangyari, di namin alam kung anong gagawin lalo na't wala si Tatay sa bahay.
Buti na lang tu da reskyu ang ibang kapitbahay at inayos ang nabuwal na puno at bubong namin, maliban na lang sa CR na nagiba.

Ilang araw ng nagiba ang CR namin na gawa lang sa Yero at kahoy.
Nakik- cr na lang kame sa kapitbahay.

Nang maisip ko tong ayusin dahil may mga gamit naman si Tatay sa pagkakarpintero.

 Sinimulan kong lagariin ang mga kahoy at kumuha ng panibagong materyales sa bodega namin.
Hindi ako nagpatulong sa mga nakababatang kapatid ko. And finally natapos ko ng dalawang araw.


Di ko sukat akalain sa aking edad noon na kaya kong ibalik sa dati ang mawarak naming CR. Parang ang laking achievement iyon sakin.

Makalipas ang isang buwang pagbabakasyon ni Tatay sa Maynila ay nakauwi na ito.


Doon kinuwento ni Nanay ang sinapit namin nung wala sya.


Agad naman tinignan ni Tatay ang aming bahay, pananim at kapaligiran. Mababakas mo sa mukha nya ang pagkadismaya.
Kinuwento ni Nanay ang pagtayo ko muli ng aming CR at tinungo ito ni Tatay.
Habang nasa kusina nasipat ko si Tatay na nakatayo sa ginawa kong CR at sinipat ito. Nilibot nya ito at marahil ay nagtataka kung pano ko to nagawa mag-isa.

Mula noon nagkaroon ako ng tiwala sa sarili na walang imposible. Hindi ko kelangang maging dependent para gawin ang isang bagay.

Doon ko rin naranasan na mahirap pala ang maging ama.

Ano ba ang naituro ni Tatay sakin habang wala sya noon. Siguro naman alam mo na.
Pag di mo pa alam, isa kang slow hehe. Basahin mo uli.


No comments:

Post a Comment