Saturday, 2 June 2012

Stranger

Hirap pumara ng taxi, buti na lang at lageng anjan ang mga colorum taxi.

Hindi naman siguro ako rereypin ng ibang lahi na to.

Galing ako bangko, nagpadala ng pera (natural, anong gagawin ko dun tatambay hehe).

Si erpat may sakit, sabi ko sakanila yung pinadala kong pera ibili nyo alak wag gamot para gumaling agad.

Nakarating na ako sa trabaho.

Habang naglalakad may napansin ako pinoy na nakaupo sa isang sulok ng mall habang abalang nagtetext .at naka headset na Beats.






Nakayuko lang sya at naka-cap. Habang naglalakad nakatingin ako sa kanya. Parang curious ba?

Maya-maya tumango at nakita nya akong nakatingin sa kanya. Nag-ngitian kame, parang bati sa isang kababayan ba?

Kasi naman pag nakakakita ka ng pinoy dito abroad syempre iba pakiramdam mo, parang ganun.

Dun ko napansin na cute pala sya si parekoy.

Dumiretso na ako sa loob ng trabaho ko at nagpahinga ng konti. Habang nakatingin sa computer. Biglang nag-flash back sakin si Parekoy.

Bigla akong napangiti...ewan ko (lande). Hindi ako makakonsentreyt sa trabaho ko kaay lumabas muna ako ng opisina at naglalakad-lakad sa store baka may hiwagang umbre sa labas.

Nung napagod na ako, babalik na sana ako sa trabaho ng maalala ko uli si parekoy.

Sinubukan ko syang balikan kung san ko sya nakita,, Kaso wala na sya. Tumamlay tuloy ang araw ko.

Habang naglalakad uli pabalik ng opisina, napansin ko ang isang customer na parang familiar sakin.

Homaygasssssssssssssssssssssssssssssss Si parekoy, ang lalakeng hiwaga sa araw ko. Namimili sya samin.







Syempre chance ko na para ma-meet sya. Bilang empleyado ng store na to, hmmm ginamit ko ang powers ko.

DB: Uy kabayan!
Stranger: Uy pare, d2 kaba?
DB: Oo pare, kaw yung nakita ko kanina sa upuan ha?
Stranger: San?........Ahhhh dun sa labas. Oo.
DB: San ka nagtatrabaho d2 pre?
Stranger: Jan lang sa Sarah (cosmetic).
DB: Ah Supplier namin kayo ha? Sino hinihintay mo kanina?
Stranger: Wala nagpahinga lang ako. Galing ako technician, pinaayos ko laptop ko.
DB: Ah ganun ba? Anong sira?
Stranger: Pinalagyan ko ng antivirus.
DB: Yun lang dapat nagdownload ka na lang sa internet,
Stranger: Meron ba?
DB: Oo, yung Avast at Avira antivirus free lang yun.
Stranger: Di ko alam eh.

Ang dami namin pinagusapan na akala mo eh close kameng dalawa.
Habang kausap ko si parekoy hindi ko maiwasang tumingin sa mga mata at labi nyang mamula-mula.

DB: Di ka nagyoysi noh? (ooopss di ko napigilan)
Stranger: Hmmmmm pano mo nalaman?
DB: Mapula labi mo eh..(hmmm sarap kainin)
Stranger: Hehe...nagyoyosi naman ako dati paminsan-minsan kaso tinigil ko na matagal na..

Iba ang pakiramdam ko habang kausap si parekoy, parang magaan ang pakiramdam ko sakanya.
Tinour ko si parekoy sa buong store habang masarap ang kwentuhan. Para lang kameng nagdedeyt sa  loob.

Di namin namalayan ang oras at nagpaalam na sya sakin.
Nagkamayan kame at dun ko palang nalaman ang pangalan nya.
Sya si Jake. Very nice to meet him. Hindi kame nagpapalitan ng # baka naman mag-isip sya kung kukunin ko # nya dba?
Kelangan straight tayo sa paningin ni Jake. At gusto ko syang maging kaibigan.

Nangako syang babalik uli sya d2 para mamili. (Pede bang ikaw na lang ang bibilhin ko hehe).
Sana bumalik pa sya uli. Buong araw akong nakangiti mula pagkaalis ni Jake. Isang cute na nilalang ang nagpangiti na naman sakin sa araw na ito.

No comments:

Post a Comment