Friday, 29 June 2012

Buko Juice

Si Carl katarabaho dati dito sa gintang silangan pero nagkahiwalay na kame.
Oo nagkahiwalay na kame ng branch.
Yung cp kong luma na E63 na naiblog ko na dito.
Pag nanood ka kasi ng video don or view ng picture tapos biglang pindot mo yung Home key then nag-key lock sya, pag open mo tatambad yung huling na-view mo. In short di sya automatic nag-hohome.

May naka-store na mga boylet saking cp syempre pang view pag walang magawa pero karamihan straight porn ang laman baka kasi biglang hiramin ang cp ko at maview nila ang mga boylet na nagtatago doon.

Kausap ko ngayon si pareng Carl. Almost 30 mins na kame naguusap at naisip kong buksan ang cp ko habang katabi ko sya.
Pagbukas ko, inenter ko ang password tapos di ko na tinignan ang home tapos nilapag ko sa mesa. Maya-maya napansin ko nakakatitig sa cp ko di ParengCarl.
Di ko naman masyadong pinansin, salita pa rin ako ng salita. Pero nakatingin pa rin tlga sa cp ko.
Na-curious ako, pagtingin ko ng cp ko...........................

Huminto ang mundo ko....................
Biglang nag-slow motion ang paligid....................

HOMAYYYYYYYYYYYYYYYYYGAAAAAAAAAAAAAAAAASSSSSSSSSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

tumambad ang litrato ng asawa ko.




Oo parekoy itong litrato mismo ang nakita nya. Na-save ko lang sa laptop ko.

Bigla akong pinagpawisan ng butil butil, namula at di alam ang gagawin.
Hindi ko alam kung ano sasabinhin ko.

Dinampot ko ang cellphone sabay pindot ng Back key.
Sabay parang walang nagyari lang at kunwari tinuloy-tuloy ko ang kwento.
Hindi naman sya umimik o nagtanong kung bakit may ganung picture sa cp ko.

After 1 hour ng kwentuhan, Pumunta ako ng cr at hinithit and dalawang stick ng marlboro.
Sobrang inis ako sa sarili ko dat taym. Dahil gusto kong itago ang katauhan ko pero talagang nagkakaroon ng hint.
Halos gustong kong i-flush ang cp ko noon sa inidoro.

Pero ngayon close friend ko na sya, nasa ibang branch sya pero lage kameng nagtatawagan at email.
Di kame lantad sa isa't isa pero ang alam ko malapit ang loob namin sa isa't isa.


Monday, 25 June 2012

Crushie # 2 (Cute Nepal Salesman)

Las dey na ng sale ngayon sa katabi naming boutique matapos ang isang buwang sale nila.
Hindi lang yang 1 month sale ang dahilan bakit ako laging dumadalaw at bumibili sa boutique na to.

Isang kilalang boutique d2 sa buong middle east na karamihan sa mga salesman eh may itsura at galing sa ibat'ibang bansa
tulad ng Pinas, Nepal, India, Pakistan, Syria, Egypt, Emiraties at iba pa.

Iba pa rin ang gandang lalake ng mga Pinoy, pero may ibang appeal din naman ang mga ibang lahi.
Ang pinakamalapit na race kasi samin dito is mga Nepal, minsan pagkakamalan mong pinoy

Nabanggit ko na rin dati na madalas akong pinagkakamalang Nepal.

Kamote boy: Pre bilisan mo na jan last day ng sale ngayon baka maubusan tayo.
DB: Sandali lang ipapasa ko lang kay manager to.
Kamote boy: Mamaya ka na magtrabaho!
DB: Sige na nga. Sandali lang pre maglalagay lang ako ng blush-on (charot)

Dahil last day na, naisip ko agad ang aking crushie #2, isang poging salesman.
Alam ko after this sale bihira na ako dumalaw sa boutique nila.

Kailangan may remembrance man lang ako bago matapos ang sale,
Ang makuhanan sya ng paparazzi na gaya ko.

Pagdating ko ng store nila, linga ako ng linga,,,homaygassssssssssssss
Di pwedeng di ko sya makikita sa last day sale.

Almost 1 hour na kame namimili at nawawalan na ako ng ganang mamili dahil di ko pa nasusulyap si crushie.
Maya maya nakakita ako ng sun shade na sale pero di ko alam ang presyo dahil walang tag pero may tag ng sale.

Paglingon ko para magtanong biglang humampas sakin muli ang hangin mula sa dagat at narinig ang muni ng mga ibon mula sa puno.
Nagslow motion ang galaw ko habang papalingon at dahan-dahang bumagsak ang kalbo kong buhok na parang bagong rebond lang.

Natulala ako sa aking nakita, at biglang namula ang aking pisngi.......pisngi sa puwet.
Homayyyyyyyyyyyyyyyyyyyygasssssssssssssssss!!!!

Si Crushie andito na para irescue ang nagdurugong puso ko. (landi lang)

Honestly mga parekoy biglang ako napahinto at napatingin ng ilang segundo sakanya, wa na paki kung mapansin nyang nakakatitig ako sa kanya.

Gaya ng plano ko ilabas si Baby White S (Xperia S),

Lights......camera.......action......................

Click..click......click......one last click.......Ooppppppppppppppppppppppppppssssssssssssssssssssssssssssssssss!!!!!!!!!!!!!!

Ang kinakatakutan ko nangyari na naman. Shitttttttttttttttttttttttttttttttttttttttttt!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
For the second time again, dun ko lang napansin na nagfa-flash ang camera ko.

Kaya pala napatingin ng minsan nung second shot ko..............
Homaygassssssssssssssss.................Di ko alam kung nakita nya ako...kasi kunkunan ko sya habang namimili kunwari ng pantalon, at pasimple tina-tap ko ang screen ng cp para makuhanan sya.

Sa totoo lang pinagpawisan ako ng todong -todo at di mawari ang gagawin, agad akong dumistansya at lumapit sa kasama ko.

DB: Tara sibat na tayo?
Kamote boy: Huh bakit may kalaban? dadalawa pa lang napili ko.
DB: Baka hanapin na ako ni Amo?
Kamote boy: Nagpaalam ka naman ha?
DB: Kahit na walang ng magandang sale (alibi ko sa kahihiyan)








Umalis na kame baon ang kaba na di ko alam kung nakita nyang kinunan ko sya, pero bigla akong napangiti.

Basta ang alam ko, masaya na akong nakita sya uli at nakuhanan.

FYI: Nung first time ko sa boutique napagkamalan ko syang pinoy, ganitey yun
Sa shoe and accessories dept sya.
DB: Pre magkano to? (talagang tagalog ko sinabi habang hawak ang sapatos).
Crushie: Huh?
DB: Presyo nito magkano? (napaisip na ako baka di sya pinoy)
Crushie: Ana mafi filipino sadik (Di ako pinoy pare).
DB: Ah sorry..Inta Nepal? (You are Nepali?)
Crushie: Aywa! (Yes)
DB: Ah okay, can I have your #? charottttt.
Kaya mula noon tumatak na sya sa namumulang puso ko. hahaha

Thursday, 21 June 2012

Crushie #1

Kamote Boy: Bilisan mo na baka maubusan na naman tayo.
DB: Atat ka naman masyado wala ka naman pera. Maraming ilalabas mga yun.
Kamote Boy: Excuse me pede ko pang ipapalit ang dollar ko dito.
DB: Hay bigalng lumakas ang hangin dito.

Usapan namin habang papunta sa kabilang Boutique. Isang buwan na kasi silang naka-sale up to 90 % off.
Oha makapag-sale lang kala mo magsasarado na ang tindahan nila at araw-araw talaga kameng pumupunta.

Palabas na kame ng mula sa trabaho para dumayo sa kabilang tindahan.
Habang naglalakad palabas may kutob akong nadama, parang may humampas sakin malakas na hangin mula sa dagat at parang slow motion ang aking paglalakad.
May isang bagay na tila humila saking mata para masulyap sya.
At paglingon ko nahimatay ako sa aking nakita, charot.

HOMAYGASSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS ABELGASSSSSSSSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!






Ang aking crushie. Hindi sya arabo, ang huling banggit sakin ni Rain isa syang Kano at teacher, ewan ko lang kung toto, alam mo naman si Rain alam kong bet nya din si Fafa.
Customer namin sya dito pero minsanan ko lang makita. Gusto ko man usisain sya sa king mga katrabaho pero ayokong maghinala sila sakin.
Tama na ang nakikita ko syang bumibili samin. Gusto ko sanang kasuapin minsan pero parang di sya masyadong friendly pag nakikita ko sya. Minsan ko na syang tinitigan pero inalis nya agad ang tingin nya sakin.

Parang minsan naiisip ko na isa syang Bi, pero ang guwapo nya talaga.
Ilang beses ko na syang gustong kunan ng fecture pero di ako nagtagumpay, Nauunahan kasi ako ng aking kaba.

Pero nung taym na yun pasimple ko syang kinuna habang naglalakad. Di ako sure kuha ko dahil di ko naman pedeng iview baka makita ni Kamote Boy (kasama ko).
Lumabas na kame at namimili sa kabilang botique pero di tlga mawala-wala sa isip ko si crushie. Kahit maraming sale minadaling kong bumalik sa store baka sakaling makita ko pa sya uli. Pero inikot ko na buong tindahan wala na sya.

Pero di pa ako nagtagumpay, sana makunan ko man lang ng malinaw na fecture ang umbreng ito.
Dun kasi sa isang Boutique may crushie din akong Nepalie dun kaso nalipat na ata ng ibang branch, di ko na kasi nakikita, wafu pa naman.

Tuesday, 19 June 2012

Tay I did it!!

Dahil araw ng ama ngayon, ishe-share ko lang ang karanasan ko kay Tatay.
Kanina habang nagbabasa ng article sa Yahoo na what-dad-taught-me ay naisip ko kung ano nga ang aral na naibahagi ni Tatay sakin.

Aktuwali marami din, pero iisa lang ang tandang-tanda ko at nais ibahagi sa inyo.
Dahil mahaba akong magkuwento, naiisip ko na idrawing na lang ito sa Paint para magetz agad.


First year high school pa lang ako noon kung di ako nagkakamali ng lumuwas si Tatay at nagbakasyon pansamantala sa Maynila.

Dahil ako ang natirang matanda sa aming magkakapatid (yung mga ate't kuya ko nasa Maynila), ako ang tumayong Ama sa amin.
Kabilin-bilinan ni Tatay wag ko daw sila pabayaan (Oha parang nagpapaalam na).

Sa bahay ang aming CR ay malayo sa aming tahanan, sasakay ka pa ng Jeep at tricycle, loko lang mga 50 meters away lang ang layo.
Oo, ganun talaga dati sa probinsya, naka-hiwalay ang mga kasilyas / dumihan. Unlike ngayon na pagpasok mo ng bahay bubungad agad ang CR.

Oha talaga hanggan second floor ang balur namin. FYI: nung bagyong ondoy karamihan sa kapitbahay naming binaha sa 2nd floor namin pinatuloy.

Makalipas ang ilang linngo dumating ang unos / bagyo. Madalas kasi ang bagyo sa lugar namin, Mga 20 - 30 typhoon in a year lang naman sa bayan ng Isabela.

Binagyo kame, nabuwal ang mga puno, nilipad ang aming bubong at nasira ang aming Kasilyas / CR.

Nanlumo kame sa nangyari, di namin alam kung anong gagawin lalo na't wala si Tatay sa bahay.
Buti na lang tu da reskyu ang ibang kapitbahay at inayos ang nabuwal na puno at bubong namin, maliban na lang sa CR na nagiba.

Ilang araw ng nagiba ang CR namin na gawa lang sa Yero at kahoy.
Nakik- cr na lang kame sa kapitbahay.

Nang maisip ko tong ayusin dahil may mga gamit naman si Tatay sa pagkakarpintero.

 Sinimulan kong lagariin ang mga kahoy at kumuha ng panibagong materyales sa bodega namin.
Hindi ako nagpatulong sa mga nakababatang kapatid ko. And finally natapos ko ng dalawang araw.


Di ko sukat akalain sa aking edad noon na kaya kong ibalik sa dati ang mawarak naming CR. Parang ang laking achievement iyon sakin.

Makalipas ang isang buwang pagbabakasyon ni Tatay sa Maynila ay nakauwi na ito.


Doon kinuwento ni Nanay ang sinapit namin nung wala sya.


Agad naman tinignan ni Tatay ang aming bahay, pananim at kapaligiran. Mababakas mo sa mukha nya ang pagkadismaya.
Kinuwento ni Nanay ang pagtayo ko muli ng aming CR at tinungo ito ni Tatay.
Habang nasa kusina nasipat ko si Tatay na nakatayo sa ginawa kong CR at sinipat ito. Nilibot nya ito at marahil ay nagtataka kung pano ko to nagawa mag-isa.

Mula noon nagkaroon ako ng tiwala sa sarili na walang imposible. Hindi ko kelangang maging dependent para gawin ang isang bagay.

Doon ko rin naranasan na mahirap pala ang maging ama.

Ano ba ang naituro ni Tatay sakin habang wala sya noon. Siguro naman alam mo na.
Pag di mo pa alam, isa kang slow hehe. Basahin mo uli.


Sunday, 17 June 2012

Pitktiyur Op Da Dey (Hottest Celebrity Dads)

Dahil Father's Day ngayon puro hot na tatay ang mga fecture natin ngayon.

Bago ang lahat Hafi Father's Day kay Father (alangan kay mother).

Kakabasa ko lang sa sa Yahoo.ph itong mga magagandang lalake na ito.

Aktuwali 25 Hottest Celebrity Dads sila kaso di ko naman type yung iba kaya nagnominate ako ng sarili kong Hottest Dads.

Oh kala niyo sa Porn site, Fesbuk at Blogger lang ako tumatambay huh?

Tumatambay din ako sa Yahoo Philippines, nakikibalita kung dollar na ba ang pera sa pinas.

Kahit di masyadong Interesting ang ibang articles, may mga naliligaw pa rin namang kaaya-ayang basahin tulad nito.

O sya wag nang patagalin pa heto na ang Top 4 Ex Boyfriends ko.

Top 4 Hottest Celebrity Dads pala.


 # 1 Will Smith

Sya lang naman ang nagiisang  Black American na nagpatibok ng puso ko.




# 2 Brad Pitt
Kelangan pa bang itanong yan.





# 3. Tom and Jerry este Tom Cruise pala.
Sarap lapain.





# 4 David Archuleta......??? No. It's David Beckam.
Dahil mas bet ko ang footbal kesa basketball.




O ano nagustuhan mo ba ang mga nominees ko? Kung nagustuhan mo apir tayo.
Sa mga di nagustuhan, go to the kitchen and serve me sandwich nagugutom si Blackie. hehe.

Friday, 15 June 2012

Piktiyur Op Da Dey (Malaki na si Totoy)

Pakalat pakalat sa fesbuk.

Kung dati pinapagatas pa si bunso,

Ngayon si bunso na ang nagpapagatas.

Anong gatas kaya iyon? hahahahaha

Gusto ko si Kalbo na nakaboxer shorts lang.

Oha bruskong brusko ang dating.




Tuesday, 12 June 2012

Gagong Gupit!

DB: Wafo (short in gwapo at tawag sa mga di kagandahang lalake para di maoffend hehe) gupitan mo nga ako bukas?
Wafo: Anong gupit?
DB: Calves!!!
Wafo: Ano yun?
DB: Hay naku, manirahan ka kasi minsan sa syudad para updated ka sa gupit.
Wafo: Ano nga yun?
DB: Calves ang tawag naming mayayaman pag mahirap ka, KALBO ang tawag hahahaha.
Wafo. Gago ka talaga kahit kelan haha.

Pero nagiisip pa rin ako kung pakalbo ako uli.
Para mas eksayting, nagbrowse akez sa internet. Instead na makapili ng ng men hair cut, iba napili ko, puro MEN.
Hayuf ang gagandang lalake naman ng nasa internet, di mo alam kung gusto mo yung gupit nila o sila mismo ang gusto mo haha.

Finally may nakita akong gagong gupit at 60% magugustuhan ko to.
Ito ang tinatawag ng mga Ngongo "Mohawk" o sa mga di ngongo ay "Buhok".
Oo parekoy gusto kong magpa-mohawk dito sa Islamic country na to.
Wala pa akong nakikitang nagpagupit ng mohawk dito at hindi ko naman nakikitang bawal ito at against sa relihiyon ng islam.

Kinabukasan.....
DB: Wafo marunong kang gumupit ng mohawk?
Wafo: Huh? Sigurado ka? Baka di babagay sayo?
DB: Customer is always right!! I can pay you via credit card, cash, gift certificate en wat so eva.
Wafo:Sige umupo ka na baka magilitan ko leeg mo! haha.
Nilabas ko ang Xperia at pinapili sa mga picture.
Narito ang mga choices ko (parang exam lang):






 At talagang sinama ko ang #4 hahahaha. Para pag marumi na opis ko eh yan na ang pang-walis ko.

At ang napili ko ay # 5!!!! Dahil wala ang #5 jan, ibig sabihin wala akong napili, charot.
Gusto ko yung #3 pati si parekoy gusto ko rin (lande).

Pinaandar na ang electric razor...
Ang labas isang wafung-wafong boy in mohawk.

DB: Ano to? Sabi ko Mohawk hindi Manok?
Wafo: Yan ang gusto mo eh.
DB: Biro lang astig sya pre. Salamat.
Eto na ang outcome.





Kitang-kita diba...pagtiyagaan niyo na lang baka makita ang peg natin.
Pagkatapos ng gupit inabutan ko sya ng sobre na naglalaman ng gift certificate mula sa Spa.
Loko lang cash naman ako nagbibigay.

Papasok na ako ng trabaho....
Homayyyyyyyyyyyyyyyyyyygasssssssssssssssssssssss!!!!!!!!!!!!
Parang dumadaan lang ako ng Hollywood red carpet teh!!!!
Lahat ng ibang lahi nagtitinginan sa Gago kong gupit.
Pauso? Wa paki, keribels naman eh.

60% not good according sa ibang lahi.
40% Astig according to my fellow filipino (Binayaran ko kasi sila) haha

After 3 days, nakita ng manager ko ang gupit ko, Oo, bihira kasing kameng magkita noon at nagtatago lang sa opis nya, "What the hell is that?"
Wa akez paki," New look Sir"
Kinabahan ako kala ko papatangal nya. Kinabukasan uli, sahuran na naman. Pagkakuha ko ng sahod nakita ako ng isang WALANG kwentang Arabong HR na wlang ginawa kung di maghanap ng MALI ng mga emplyedao.
Di nya nagustuhan ang gagong gupit ko at gusto nyang ipatanggal, di akez pumayag kaya nagsumbong sa Manager ko.
Di ko naman expect na ipagtatanggol ako ng Manager ko.
Di nakahanap ng kakampi ang mokong na HR kaya lumapit sa Area Manager, mas mataas sa Manager (nautral!).
Puro kame bulyawan sa loob ng opisina.
Bandang huli napagdesisyonan naming tatlo para wala ng away, I need say good bye to my Mohawk.
It hurts pero I have to do it. Ayaw nila daw ng kung ano-anong gupit lalo na kung may parang palong ng manok sa ulo.
Kaya naman pinatanggal ko ang palong ng ulo ko at eto ang kinalabasan:





Oh ano magrereklamo pa ba sila jan dahil pinatanggal ko na ang palong ng ulo ko.
Charot lang mga parekoy. Syempre di keribels ang ganyang gufit.

Nagbrowse uli ako at kelang pumili uli ng boylets este her kat.
Gusto ko na lang ipakalbo uli.
At ito ang mga nominees na gagayahin ni DB:





Ang hirap naman pumili sa mga itey. Bet na bet ko yung 1, 2, at 4 pero ang crushie ko talaga yung #3, si Van Diesel.
Ang lande lang noh?
Nagpa Semikal ako parang kay Derek lang at dahil mohawk nga kelangan may bahid pa rin ng Mohawk ang dating, pasaway lng noh.
At parang si Mark Solling lang.
Oo ganyan na ang buhok ko ngayon ginaya ko kay Mark.



Mark Solling

Hodeva mejo may pagka semi mohawk.

Friday, 8 June 2012

Lab @ Pers Sayt

Pag nakakita tayo ng Wafu, parang feeling natin sila na ang Pers Lab natin.

Habang rumarampa sa selling area.
Guy: Excuse me!?
DB: (lumingon sa guy na parang bagong rebond ang hair). Yes?

Homayyyyygaaaaaaaaasssssssssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ang cute ni kabayan (pinoy ofw).
Naka office attire sya.






Guy: Pinoy kaba?
DB: Hindi, amerikano ako. Oo pre! Bakit, magbebenta kaba ng insurance? loko lang.
Guy: Hehe Kala ko kasi Nepali ka (Nepal), Sir san kayo nagpadala ng pera sa pinas?
DB: Sa kalapati!? Tinatali ko sa paa nya sabay paliliparin sa himpapawid.
Guy: (Napangiti at napa-isip) Hehehe,
DB: Loko lang, Sa Eklabo ako nagpapadala
Guy: Sir sa Chuvaness po ako nagtatrabaho (parang western Union version satin). Kakalipat lang po namin jan lang malapit dito. Baka gusto niyong samin na lang kayo magpadala.
DB: Ah accountant ka? Kelan ka pa naging outdoor salesman? hehehe loko lang. Sige. Tsaka wag ka ng mag-po sakin, kaka-18 ko lng.
Guy: Eto po form para sa card, tsaka 2x2 picture at ID.
DB: Wala ako 2x2 picture. Whole body lang tsaka naka-undies lang. Pede ba yun?
Guy: Hahaha Sir kanina pa kayo nakakapuntos ha? hehe.
DB: Kelangan na ba talaga ngayon?
Guy: Kung busy kayo, next time na lang.
(Umandar ang malikot kong isip)
DB: May priority pa kasi akong gagawin ngayon eh. Sige ganito na lang, kunin ko # mo tapos tawagan kita pag okay na lahat.
(Parara-paraan lng)
Guy: Magandang ideya yan sir. Sige po, eto # ko 05316546857687545324657657654343545646545646546546465454.

Kinuha ko naman ang # nya gamit ng aking Ipad, charot





DB: Sige SOP tayo maya, este follow-up kita sa form.
Guy: Sige. Baka gusto ng mga kasamahan niyo mag-fill-up.
DB: Wag na baka may bumigay sayo at agawin ka pa sakin Sige.

Kinuha ko yung mga form pero pinili ko lng talaga kung sino bibigyan, yung mga straight lang.
YUng mga pa-menta wa paki baka landiin nila ang lalakeng unang nagpatibok ng aking puso sa araw na ito.
May dalawa din kasi akong ka-work na pa-men. Yung isa si Rain nga at yung isa sa ibang department.
Di ko alam kung naamoy nila ako, pero ako sobrang nababahing ako sa kanila.

Back to Guy.
Nung tme na yun balak ko kuhanan ng stolen shot pero mukang di umandar ang plano.
Alam kong magkikita pa kame sa bangko pag magpapadala na ako at kukuha ako ng tiyempo.
Pero sana sa teller sya naasign para makita ko lage sa bintanana, di ko kasi natanong san ang position nya sa bangko.

Saturday, 2 June 2012

Si Dong, ang bago kong Room mate.

Kung naalala niyo si Dong nagtrending na sya sa blog na to (meganon) "Ang lalakeng naka-Boxer Short"
Oo, sya nga. Mula ng nangyari ang blog na yan eh nagkaroon na rin ako ng mejo paghanga lng sa lalakeng yan.
1 week pa lang si Dong sa kwarto namin. Lumipat sya.
Ano ba nagyari bakit sya lumipat? Eto makinig ka!
Nang dahil sa alak na  nagkaroon ng kademonyohan last last week.
FYI: Bawal na bawal ang alak dito pero dahil pinoy walang bawal-bawal. Masarap nga daw ang bawal. Pero pag nahuli kulong o deport ka.
Nagkaroon ng rambulan. Di naman as in rambulan.
Nagkapikunan lang naman sila ng mga karoom mate nya nung tumalab na ang alak sa hunkiness body ng mga itey.




Wag ko nang elaborate dahil di naman yun ang  salarin ng blog na to.
Dahil nga bawal ang mga suntukan na yan d2 sa Saudi, tinago namin ang nagyari sa madlang pipol.
Habang mainit pa ang sitwasyon minabuti ni Rain na patuluyin si Dong sa kwarto dahil may bakante naman.
Oo, si Rain nga ang lalakeng taga-chupa ko dito . Ang lalakeng nagmamasahe at nagpapahina ng katawan ko dati.
Noon yun pero ngayon almost 1 month ng di ko pinapansin ang kamanyakan nya.

Ayun tuluyan ng hinakot ni Dong ang mga gamit nya sa kabilang kwarto at mas pinili nya ako (what??)
Oo, katabi ko na sya sa pagtulog, charot lng teh.
May sarili syang kama. In every room apat na tao ang nakatira, Ako, si Rain, Denz at si Fafa Dong.

Kaibigan ko na rin si Dong at mejo malapit na kame sa isa't isa, at alam ko ng jan nagsisimula ang pagibig....wahhhhh
Lahat kame hiwahiwalay ng pagkain, pero mula ng nagluto ako ng sinigang na bangus at nagayuma ko si Dong ay nagasama na kame sa pagkain. Inggit ka noh, with matching subuan pa haha,,loko lang.

Kahapon lang day off namin. Papasok pa rin sa work, pero half day lang, Si Denz at Rain umaga pumasok.
Naiwan kame ni Dong. Straight naman si Dong pero feel kong malibog din to at di ko naman ineexpect ba magkakaroon kame ng sexual encounter.
Habang nagluluto at naghahanda ng breakfast may isang bagay na kinagulat ko.




Wag kang eksaherada teh! Walang nagyari samin noh?
Habang naghahanda ako at medyo nakayuko ng konti, pumisil si Dong ng sunny side up na itlog na nasa likuran ko at eto na teh!!
Dumikit ang jon-jon ni Dong sa likod........Homaygassssssssssssssssssssssssssssss....WTF!!!!
Nakuryente ako katawang lupa ko mga parekoy. Milyong-milyong voltahe ng kuryente ang pumasok sa katawan ko.

Hindi lang sinagi at ilang segundong dumikit sa likod ko si jon-jon.
Bigla namang nagresponse ang aking jon-jon at naamoy nya ang radar ng isa pang jon-jon.
Biniro ko si jon-jon este si Dong.




DB: Pre hoholdapin mo ba ako? Wala akong pera?
Dong: Ha?
DB: May tumutusok kasi sa likod ko hehe.
Dong: (Sabay tawa at tapik sa balikat ko). Sorry!
(Wag kang magsorry, tagalan mo pa!)
At take note imbes na humiwalay na sya, pabiro pa niyang hinawakan ang magkabilang beywang ko at dinidikit sa likod ko lalo si jon-jon.
Owwwwww Homaygassssss Dong papatayin kita pag tinanggal mo...hehehe.

Stranger

Hirap pumara ng taxi, buti na lang at lageng anjan ang mga colorum taxi.

Hindi naman siguro ako rereypin ng ibang lahi na to.

Galing ako bangko, nagpadala ng pera (natural, anong gagawin ko dun tatambay hehe).

Si erpat may sakit, sabi ko sakanila yung pinadala kong pera ibili nyo alak wag gamot para gumaling agad.

Nakarating na ako sa trabaho.

Habang naglalakad may napansin ako pinoy na nakaupo sa isang sulok ng mall habang abalang nagtetext .at naka headset na Beats.






Nakayuko lang sya at naka-cap. Habang naglalakad nakatingin ako sa kanya. Parang curious ba?

Maya-maya tumango at nakita nya akong nakatingin sa kanya. Nag-ngitian kame, parang bati sa isang kababayan ba?

Kasi naman pag nakakakita ka ng pinoy dito abroad syempre iba pakiramdam mo, parang ganun.

Dun ko napansin na cute pala sya si parekoy.

Dumiretso na ako sa loob ng trabaho ko at nagpahinga ng konti. Habang nakatingin sa computer. Biglang nag-flash back sakin si Parekoy.

Bigla akong napangiti...ewan ko (lande). Hindi ako makakonsentreyt sa trabaho ko kaay lumabas muna ako ng opisina at naglalakad-lakad sa store baka may hiwagang umbre sa labas.

Nung napagod na ako, babalik na sana ako sa trabaho ng maalala ko uli si parekoy.

Sinubukan ko syang balikan kung san ko sya nakita,, Kaso wala na sya. Tumamlay tuloy ang araw ko.

Habang naglalakad uli pabalik ng opisina, napansin ko ang isang customer na parang familiar sakin.

Homaygasssssssssssssssssssssssssssssss Si parekoy, ang lalakeng hiwaga sa araw ko. Namimili sya samin.







Syempre chance ko na para ma-meet sya. Bilang empleyado ng store na to, hmmm ginamit ko ang powers ko.

DB: Uy kabayan!
Stranger: Uy pare, d2 kaba?
DB: Oo pare, kaw yung nakita ko kanina sa upuan ha?
Stranger: San?........Ahhhh dun sa labas. Oo.
DB: San ka nagtatrabaho d2 pre?
Stranger: Jan lang sa Sarah (cosmetic).
DB: Ah Supplier namin kayo ha? Sino hinihintay mo kanina?
Stranger: Wala nagpahinga lang ako. Galing ako technician, pinaayos ko laptop ko.
DB: Ah ganun ba? Anong sira?
Stranger: Pinalagyan ko ng antivirus.
DB: Yun lang dapat nagdownload ka na lang sa internet,
Stranger: Meron ba?
DB: Oo, yung Avast at Avira antivirus free lang yun.
Stranger: Di ko alam eh.

Ang dami namin pinagusapan na akala mo eh close kameng dalawa.
Habang kausap ko si parekoy hindi ko maiwasang tumingin sa mga mata at labi nyang mamula-mula.

DB: Di ka nagyoysi noh? (ooopss di ko napigilan)
Stranger: Hmmmmm pano mo nalaman?
DB: Mapula labi mo eh..(hmmm sarap kainin)
Stranger: Hehe...nagyoyosi naman ako dati paminsan-minsan kaso tinigil ko na matagal na..

Iba ang pakiramdam ko habang kausap si parekoy, parang magaan ang pakiramdam ko sakanya.
Tinour ko si parekoy sa buong store habang masarap ang kwentuhan. Para lang kameng nagdedeyt sa  loob.

Di namin namalayan ang oras at nagpaalam na sya sakin.
Nagkamayan kame at dun ko palang nalaman ang pangalan nya.
Sya si Jake. Very nice to meet him. Hindi kame nagpapalitan ng # baka naman mag-isip sya kung kukunin ko # nya dba?
Kelangan straight tayo sa paningin ni Jake. At gusto ko syang maging kaibigan.

Nangako syang babalik uli sya d2 para mamili. (Pede bang ikaw na lang ang bibilhin ko hehe).
Sana bumalik pa sya uli. Buong araw akong nakangiti mula pagkaalis ni Jake. Isang cute na nilalang ang nagpangiti na naman sakin sa araw na ito.