Tuesday 29 May 2012

Para!!!

Napuyat ako kagabi kakapanood ng Avenger.
Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng time panoorin kahit matagal ko ng dinownload sa Quiapo( pirata pero clear copy).
Hectic kasi schedule halos di na ako makadalo sa mga press conference ko at pictorial, (charot lang).
Late na akong nagising kanina. Pagtingin ko ng oras sa relo ko 7am na samantalang 7:30 aalis ang sundo namin.

15 mins Ligo
5 mins Toothbrush kasama na ang pagaayos sa posonegro (loko lang).
2 min Lipstick
1 min Maskara
1 min Blush on
1 mins Noseliner
2 mins Foundation
3 mins Wearing gown
Total of 30 minute...Hoooooray.
Loko lang....
Paglabas ng gate...hayssssssss maaliwalas ang paligid walang kaingay-ingay, at wala na rin pala ang sundo namin. Haysss naiwanan na naman ako.

Shitttttttttttttttttttttttttttt na malagket sakto naman akong nagbihis ng 30 minutes ha?
Wala akong nagawa, malamang Taxi na naman akez.
So walkout ako patungong hi-way.
Habang naglalakad ako pinagtitinginan ako ng mga Arabo, shittttttttttt mangha naman ang mga Arabong to sa biyuti ko.
Maya-maya sinisipolan na ako, nag-vibrate naman ang wetpas ko.
Nang mapadaan ako sa isang kotse at nanalamin....
Homaygassssssssssssssssssssssssssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Bat wala akong pantalon, naka-brief lang akez.......
Kaya pla ang lagkit ng titig ng mga arabong ito.....hmmmmm
CHAROT lang di naman ako lalabas ng walang pantalon noh? Wala nga lang brieaf hehe.

Megahintay na akez ng Taxi. Shittttt puro private vehicle ang dumadaan, may malaking truck balak ko sanang parahin kaso baka sabit lang ako.
Opppsssss may huminto yessssss.....
Driver: Wen? (Where?)
DB: Rashid Mall.
Driver: 20 Riyal!
DB: What? (diosmiyo kelapit lapit 20 Riyal samantalang 5 Riyal lang)
Snab akez.....Para uli......Hmmm may mga humihintong colorum....snab uli baka mareyp akez.
Hayzzzz umabot na ako 20 mins kakahintay, sobrang late na ako.
May huminto uling colorum na private vehicle. Inisnab ko...pero nasa tapat ko pa rin ko pa rin.
Hanggang sa binuksan nya ang bintana....

Homaygasssssssssssssssssssssssssss!!!!!!!



 
Ang wafu naman ng Arabong to?
Syempre alam nyo naman ang weakness ko.....hmmmmmm kunwari nagiisip kung sasakay pero dahil wafu ang driver gora akez.
Pero wait di kaya ako rereypin ako neto( Baka ibottom nya akez)? Bahala na wafu naman eh pede na rin.
Arabo: Wen inta? (San Ka?)
DB: Motel! Rashid Mall Sadik. (Rashid Mall pare).
Arabo: Taal! (Tara)
DB: Ok.




Shittttttt kinakabahan si Dessert Boy habang nakaupo sa harap, katabi nya.
Tinanong ko magkano. Pero okay lang daw, di daw sya nagpapabayad ng taxi ha?.
FYI: Kahit anong sasakyan pede nilang parahin d2 lalo na kung Arabo ka, kasi  isasakay ka agad pero walang bayad, parang tulong ba sa isat'isa. Wag ka lang pumara ng taxi dahil may talaga yun.
Dahil arabo sya, medyo malakas pa loob ko tumitingin sa mukha nya. Shit ang tangos naman ng ilong na Arabong to.
Kwento kame ng kwento kung ano-ano. Naisip ko bigla, kukuhanan ko ng picture na kame dalawa...
Pero sad to say Lowbat ang Xperia ko. Ang malas ko naman.
Pero okay lang lang at least nakatabi ko....
Nakarating na ako sa trabaho ko at pababa na.
Nag-tenk yu sa Wafung arabo. Naisip kong kunin ang number# pero ala sya ballpen, lowbat kasi Xperia ko.
Pero nagulat naman ako sa sinabi nya, sya na daw kukuha ng # ko...Homaygaassssssss.....Ang ganda ko naman..
Binigay ko naman # ko, 054454548575121546545643674747324325454545454.
Di naman masyadong mahaba  # ko dba?
Pumasok ako sa trabaho ng nakangiti at parang nakalutang sa langit. pero na parachute akez.

No comments:

Post a Comment