Wednesday 4 April 2012

WANTED: SHOPLIFTER

Kringggggggggggggg.........Kringgggggggggggggggggg............Kringggggggggggggg.

DB: Hello!
Egoy: Pre gala tayo?
DB: Wala akong pera eh?
Egoy: Window shopping lang naman eh, tapos kain na lang tayo sa tig-30 pesos.
DB: Window shopping? Aanhin mo naman ang window? Nabasag ba bintana niyo?
Egoy: Hinde yung windows ng computer ko ang nasira kaya Window shopping tayo.




(Sabay halakhak)

DB: Sige san at anong oras?
Egoy: Trinoma pre, kahit alas singko ng hapon. Susunduin na lang kita jan, bubusinahan na lang kita.
DB: Ow may kotse kana?
Egoy: Hindi pre busina lang, Yung emergency hand horn lang.
DB: Gago ka talaga. Sige na maliligo pa ako.

Nagkita kame sa lugar at eksaktong oras.
Pa-ikot ikot kung saan saan. Punta dito, punta doon.
Pasok dito, Pasok doon.
Kapagod kaya nood muna kame sa center stage pero ala wenta palabas.

Pumasok kame ng Bench boutique. Inferenz marunong mag-hire ang bench, puro guwapings at fashionista ang salesman.
Naalala ko tuloy yung sales promo nilang babae sa Bench SM N. EDSA, ang ganda pero pipi. Tanong ako ng tanong ayaw sumagot.
Tinuturo lang ang ID niya, yun pala pipi sya. Naawa naman ako nabilib sakanya. Hindi ko sya pinahirapan kaya ginantihan ko na lang ng ngiti.
Tingin dito, tingin doon. Spray ng pabangong tester haggang maubos.
Humiwalay si Egoy sakin, nasa-sight kong nagsusukat sya ng pantalon.
Ilang minuto bumalik si Egoy, pero ala naman dala.




Pumunta kame ng  Bench accessories. Woahhhh...tinatakan lang ng bench pero ginto na ang presyo, samantalang  mura lang sa labas.
Si Egoy type ang isang bracelet / wrist band, ewan ko basta burloloy sa kamay.
Halos di niya mabitawan, kaso ang mahal nasa 300 pesos burloloy lang.

Ginutom na ako kaya niyaya kong kumain si Egoy. Pinauna nya muna akong lumabas susunod daw sya. Nauna naman ako ng bahagya sumunod si Egoy lumabas ng biglang....................................
Toooot..toooooooooooooot......toooooooooooot......toooooooooooooot.
Tumunog ang alarm ng pinto ng Bench. Si Egoy, halos mapatingin lahat ng customer.
Tinawag agad si Egoy ni gardo versosa. Lumapit din ako ng hinawakan din ang kamay ko ng isa pang gardo versosa. Homaygassssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss!!!!!

Ano ito? Napapahiya na ako kasi tinginan lahat ng customer pati mga papalicous sales promo.
Dinala kame sa opisina at kinapkapan, unang dumaan sa frisking si Egoy, wala naman nakuha sa kanya. Pero pinag-hubad siya ng pantalon. Homaygassssssssssssssssssssss!!!!!!!!!!!!!!!!





Hong daming brief ni Egoy puro Bench na bago, take note may label pa. Hindi ko akalaing magagawa ni Egoy ito. Pagkatapos ni Egoy pahubarin, ako naman ang rereypin este kinapkap.
Pero ifernez hindi ako pinahubad DAHIL may nakuhang burololoy na bracelet / wristband sa bulsa ko. Homayyyyyygasssssssssssssssssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Pano nangyari yun?! Shit I look to Egoy's eye's....Shit na shit alam ko na nilagay ni Egoy sa Bulsa ko.

Dahil sa policy ng Bench kailangan naming bayran ng x10. Umabot ng 8,000,00 pesosesoses.
Diyos miyo, wala akong datung pati Egoy. Naku makukulong kame neto at kukuhanan ng picture.




Sige ikulong niyo na lang ako kasama ng mga fafa.
Pero di pumayag si Dessert boy makulong. Tinawagan ko sisteret ko.

DB: Hello teh, busy kaba? Punta ka dito sa trinoma Bench. Importante lang..Bilis. Magdala ka ng credit card mo.
Sisteret: Ano? Bakit anong meron?
DB: Kukunin akong model ng Bench Underwear, nadiscover nila ako habang namimili dito.
Sisteret: Bakit kalingan pa ng credit card?
DB: Alam kong wala kang cash kaya Ccard pewde daw. Kailingan mag-down ako ng processing para sa contrata ko.
Sisteret: Ganun ba? O sige punta na ako jan.

Hinintay ko si sisteret, umabot ng kalahating oras...naiinip na kame.gardo versosa
Pinatayo ako ni gardo at kinunan ng picture. Syempre Bench ito kaya naman ganito ako nagpapicture.





Baka sakaling madiskober ako ng may-ari ng Bench. Walang ka-Effort effort dba?.


Lalo na si Egoy. Pati ninakaw na brief minodel.





Napalunok ako habang pinipictorial si Egoy.

Maya-maya. May sumigaw ng pangalan ko.
Hindi ko pinansin dahil napako ang mata ko kay Egoy.
May sumisigaw parin.
Hanggang sa kinalabit na ako sa likod.
Hindi ako lumingon.
Nagpunas ako ng laway kakatitig kay Egoy.
Sinigaw ko ang pangaln ni Egoy.
Hanggang sa sinampal na ako.
Aray ko po!!!!!!!!!!!
Pag tingin ko ang sisteret ko.

DB: Bakit mo ako sinampal?
Sisteret: Sino si Egoy?
DB: Bakit anong meron kay Egoy?
Sisteret: Kanina mo pa binabanggit ang pangalan nya.
DB: Huh?
Sisteret: Binabangungot ka na naman! Bumangon ka na jan, tanghali na!!

Pagbangon ko ang dami kong laway sa unan, at shit na malagket, nilabasan ako sa  brief.
Ano to? wet dream? Hinanap ko si Egoy at mga gardo versosa pero wala sa paligid ko.

Hayyyyyyyyyyyyyyy nananaginip lang pala ako.

Isang masarap na panaginip ito.

Hahahahahahahahha....Naloko ka noh? Kala mo totoo?

Eto lang masasabi ko sa inyo "HAPPY APRIL FOOLS DAY!!!!!!!!!!!!!! "

3 comments:

  1. shit, haha. panalo talaga mga kwento mo dessert boy! :D

    ReplyDelete
  2. hahaha. galing!!! i like you.

    ReplyDelete