Thursday 5 April 2012

Piktiyur Op Da Dey (Angel)

Pakalat-kalat sa fesbuk.

Babala: Ang litratong inyong makikita ay hindi kanais-nais.

Mas maganda po itong pag-masdan habang naghahapunan lol.

Ay dunno ef pradak of adobe fotoshap.

Pero kung hindi, dis lil kid is very very yeah. Oo ang suwerte niya.



Naniniwala kasi ako na may anghel talagang nagbabantay sa mga bata.

Kelangan mo ng proof?

Oh eto ewan ko lang kung maniniwala kayo sa ikukwento ko.

Marami kameng magkakapatid, 10 lang naman.

#1. Naalala ko dati ang isang bagong silang kong kapatid.

Pagbangon ko ng umaga nakita kong nahulog sya sa kama, PERO nasalo sya ng moskitero / mosquito net.

Inches na lang ang pagitan ng kapatid ko sa semento kung hindi dahil sa mosquito net, baka nabagok na ito sa sahig.

O ayan nag-effort pa akong magdrawing sa paint para makarelate kayo sa sinsabi ko.



#2. Wala kame lahat sa bahay, kasama ko si nanay sa labas ng bahay. Noong panahong iyon may kapatid na namang ako nakahele sa duyan na yari sa kawayan parang nasa picture lang. Yung sisteret kong isa ang nagbabantay at naghehele.

Pagbalik namin wala na si ate, ayun naglaro ng chinese garter. Gulat na lang kame ni nanay sa nakita namin.

Yung kapatid kong nasa duyan naputol ang tali at sa sahig na lang ito, inefernez tuloy-tuloy ang tulog ni baby.

At si ate nagkaroon ng reward kay nanay. Eto nag effort na naman akong idrawing itey.


# 3 Gaya ng nasabi ko marami kameng magkakapatid, masipag kasi ang parental guidance kong gumawa ng bata.

Last but not the least, isang kapatid ko na naman ang nakaduyan sa kumot. Oo parang nasa picture uli.

Habang dinuduyan ni sisteret kumalas ang duyan sa kinatatalian nito. Pero sinalo uli ng Anghel. Eksaktong pagkahulog ng baby nasalo ni sisteret, yung panganay kong ate.

O ayan super effort akong nagdrawing uli. Sobrang sariwa pa kasi lahat sa alala ko ang mga ito.



Kaya mula noon sobrang naniniwala akong may anghel.

Mahirap isipin ang aking ikinuwneto parang gawa-gawa lang di ba? Kasi puro mga kapatid kong nasalo ng Anghel.


Pero ako na nagsasabi sa inyo, TOTOO lahat yan, PROMISE mamatay ka man (loko lang).

Ibat ibang mga kapatid ko, Yung #1 si Junior, #2 Jo**n at #3 si Bunso.

Happy Hollyweek.

2 comments:

  1. totoo naman ang mga angels we. kailangan lang natin maniwala

    ReplyDelete
  2. oo naman kaya nga ang swerte nila Phil Younghusband at Derek Ramsay, kasi may mga Angel na sila hahaha...loko lang...

    ReplyDelete