Tuesday 9 October 2012

Whats Wrong In My Shopping Cart?

Sale kame up to 60% off.
Last kahapon so kelangan may mabili man lang ako.
Pati ibang stuff na rin.
Naglibot ako sa store kung ano pa ang pedeng mabili.
I remember mapapa-package pala ako.

Total malapit na pasko baka may mabili akong murang laruan pang bata.
Gotcha....dameng sale na Barbie, Stuff toys at kung ano-ano pang laruan.
Napunta ang attensyon ko sa Barbie Dolls.
Shitttttt ang laki ng discount. Tiyak matutuwa ang mga niece ko nito.

Sus di ka makakabili ng murang original na Barbie ha?
Pero ito di sya as in Barbie or under Mattel Corp.
Imitation lang sya pero gayang gaya naman.
Maraming klase pero yan lang ang pede sa bagahe maliliit lang at pede isuksok sa balikbayan box.
Bukod sa Barbie may nabili din akong laruan mga panlalake tulad ng Ben 10.

Its time to pay na. Habang naglalakad ako tulak-tulak ang shopping cart.
Yung mga tao namin. Nakatingin sakin.
Alam ko namang kamukha ko si Mario Maurer (yuckkk)
Yun iba napapangiti at tawa sakin.
Parang ganito kasi itsura ko habang nagtutulak ng Shopping cart.


Mario Maurer on Grocery store


Wait..wait...wait...bakit nga ba? Nakasalubong ko ang supervisor ko.
"Oh shopping tayo ha?" aniya.
"Oo nga Sir eh, sayang ang promotion" batid ko.
"O ganda ng koleksyon mo ha?" sambit nya.
(Napaisip naman ako? Anong kolesyon?)
Pagtingin ko ng shopping cart ko. Leche...halos ma mura ko ang bisor ko pero alam ko namang nagbibiro lang sya.
"Ah sa mga pamangkin ko yan Sir, pamasko ko sa December" sabi ko.
"Oo nga no, makabili nga din sa anak ko?" aniya. (Hmmm sa anak mo o sayo? charrrr)




Bigla kong naisip, oo nga naman, wala akong anak tapos lalake ako sa paningin nila tapos bibili ako ng Barbie Dolls.
I dont care them, para to sa ikatutuwa ng mg pamangkin ko di sa ikatutuwa ng mga taong ito.
Porket straight sila di na sila pedeng bumili neto? Poor ang narrow minded.




O ayan bago ko sila nilagay sa balikbayan box, pinarampa ko muna sila LOL.
Trivia: Naglaro din ako ng Barbie no? Nung wala si Tatay hahaha.
Barbie doll ng bunso namin. Nasa grade school ako that time.
I saw her playing tapos gusto nyang palitan ng damit kaso di nya makabit tapos nagpatulong sakin.
Nung una nagdalawang isip ako, baka bigla ako makita ni erpat at isipin na inagaw ko kay bunso ang Barbie lol.
Tapos nung nahawakan ko sya, shitttttt biglang nakuryente ang kamay ko. Parang pumasok si Barbie sa katawang lupa ko lol.

At ang nakakatuwa tinahian ko pa ng damit ang Barbie ng kapatid ko, Wahhhhhh pero patago.
Kinuha ko ang isang kulay pink na PANTY ng ate ko at yung ang ginawa kong Damit nya.
Tinahi ko at nakagawa ako ng 2 gown...whattttt its soooo gay diba?
Gandang ganda si bunso pagkagawa ko.
The other day napansin ni Ermat yung bagong damit ng barbie ng kapatid ko.
Ayun tumaas kilay ni ermat sakin lol.
At eto pa ang nakakaloko, nakita rin ng sisteret ko at napansin nya yung tela na ginamit.
Ayun nag-aapoy sa galit, yung So-En nyang pink nakita nya na sa wakas, pero Barbie gown na hahahaa.


2 comments:

  1. AKO NAUNA!!! :-)

    Maaga ka rin palang mag Christams Shopping!!! :-)

    Ingat ka palagi! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala, ano lang yan pasalubong lang....padala na lang ako ng pera pang-aguinaldo sa mga chikiting.

      Delete