Saturday 15 September 2012

Ang Magnanakaw

Halaw uli itong totoong kwento nung high School pa lang ako.

Nawawala ang nakababata kong kapatid na lalake.
Kaya pinahanap ni Nanay sa nakatatandang kuya kong si Jeff.

Dapit hapon na kasi noon kaya nagalala na si Nanay sa kapatid ko kung bakit wala pa sa bahay.
Noong kasi pagpatak ng alas singko ng hapon dapat kompleto na kame sa loob ng bahay.
Pag may isang wala, agad hinahanap ni nanay lalo na samin mga lalake na puro loko-loko.
Kaya minsan palo ang abot kay Tatay.

Isang oras ng nilibot ni Kuya ang lugar namin para hanapin ang kapatid kong lalake.
Lahat ng kaibigan, kalaro nya napuntahan nya na, pati mga lugar kung saan sya pede makita.
Pati sila Nanay at Tatay nakihanap na rin.

Pag nagkataon na makita sya ni Tatay malamang palo ang abot ng kapatid ko.
Alas sais na ng gabi wala pa rin silang nakikita.
Noong panahong iyon, nasa tabi lang ako ng mga matatandang tagaroon na nagkukwentuhan.
Yun ang isang hilig ko ang makinig sa mga kwento ng mga matatanda samin.

Lalo na kung kababalaghan ang pinaguusapan nila, tuwang tuwa ako, pero paguwi na sa bahay kumakaripas ako ng takbo.
Habang nakaupo at nakikinig sa kwentuhan,
dumating ang kuya ko, hingal na hingal.
May binulong sya kay Tito Roger, na parang naalarma sila.
Di ko alam kung ano sinabi ni Kuya kay Tito at dali dali silang naguwian.
Curious naman ako, kaya nagtanong ako sa isang kasama ko, kay Kuya Eric.

Sabi ni kuya may nakita daw si kuya Jeff na magnanakaw sa may canteen doon sa eswkelahan namin habang hinahanap nya ang kapatid ko.
Katabi lang kasi namin ang school. Bumalik sila Tito Roger bitbit ang Samuray, yung iba, nagdala ng malaking bato bilang armas sa magnanakaw.
Yung iba naman dos por dos at Arnis,
Ako naman dala dala ang isang natatanging hawak ko.
Ang pagiging USISERO, hahaha.

Mga anim kame sumugod noon, kasma si Kuya Jeff, dalawang tito ko, at iba pa.
Agad namin tinungo ang canteen nila Tita Maye sa loob ng eskwelahan.
Pero nagplano sila, na palibutin ang canteen habang dahan-dahang lalapit dito.
Para kameng mga tigre noon na nagha-hunting ng pagkain.
Dahan-dahan ang yapak. habang palapit ng palapit.

Madilim na noon kasi mga 6-7pm na, wala pang ilaw.
Positive may nasilaan kameng tao na nakadapa na parang may dinudukot sa ilalim ng canteen.
Biglang nagsalita si Tito Roger at sumigaw.

"Hoyyyyy anong ginagawa mo jan??"

Tahimik lang ang tao at mukhang nagulantang samin. Di namin masyadong maaninag ang mukha.
Di pa rin bumangon ang lalake kaya inilawan ni Kuya Eric ng flash light.
Sobrang nagulat kame sa nakita namin. As in pers taym ko makakita ng ganoon noon.

HOMAYYYYGASSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Hindi pala sila magnanakaw hahahahahaha.
Ang mama may kasamang gerlalu na hubot hubad. Caught in the Act ang mga itey.
Gumagawa pala sila ng milagro sa gilid ng canteen ni Tita Maye.





Ang buong akala ni Kuya magnanakaw sila at parang may hinuhugot as ilalim ng canteen haha.
Yung dalawang magpartner di pamilyar samin. Kaya pinagsabihan na lang ni Tito na sa susnod wag gumawa ng milagro doon kung di ipapabarangay nya.

Haysssss sa isip isip ko noon bakit di na lang namin pinanood ang gingawa nila haha.
Umuwi kame ng tawa ng tawa sa nangyari.

Pagdating namin sa bahay andun na rin yung kapatid ko na kanina pa hinahanap.
Di pala sya umalis, nakatulog sya sa aming bubong, may pahingaan kasi kame doon.


The End.

No comments:

Post a Comment