Tuesday, 10 July 2012

R.I.P Pidol

Karamihan satin ay nalulungkot ngayon sa pagkwala ni Pidol.
Well thatz life, kaya habang buhay kapa gumawa ka ng makabuluhan.
Pidol died but very significant, Inglis yun ha?

Bakit kaya ganun, ang laki mong kawalan pag marami ka ring naibahagi sa mga madlang pipol.
Pero minsan kahit masama ka ring tao, pag patay ka na pinaguusapan pa rin ang mgagandang ugali mo,
"Si Pedro kahit magnanakaw yan, napaka matulungin nya sa pamilya nya." Mga ganyan script ba sa lamayan?
Alam mo yung tipong andun pa rin ang respect kahit namatay kana.

Pero si Pidol, di ka dapat manghinayang sa pagkawala nya, kasi alam mo sa puso at isipan mo,
pag naisip mo sya, maaalala mo ang titulo nya.
Kung baga eh, namatay man sya pero napasaya ka naman niya nung panahong buhay pa sya.

Si Pidol, Babalu, Rene Requiestas, Red Ford White atbp, sila yung mga pumanaw ng komedyanteng magaling magpatawa.
Effortless ika nga, sila di na kailangan tumayo sa entablado at kumuha ng tao para laiitin at gamitin para lang mapatawa ang mga manonood.

Sa totoo lang wala akong matatandaang pelikula nya na paborito ko, dahil ang alam ko sa sarili ko lahat ng pelikula nya ay pinanood ko at alam kong napatawa at napaiyak nya ako.

May you rest in peace comedy king Dolphy. Alam ko magkikita pa rin tayo hanggan sa huli.


No comments:

Post a Comment