Saturday 7 July 2012

Pamatay ang Pogi

Nag-file ako ng leave for 3 days para asikasuhin ang mga ibang papeles sa Embassy sa Jeddah.
Kinagabihan nag-empake na ako, dahil 10 hrs ang biyahe. Di ko na kelangan ng hotel dahil meron na akong matutuluyan don.
Ang aking batchm8, same company din kame pero ibang branch lang ang Jeddah. At meron namang accomodation kaya dun muna ako maghahasik ng lagim. loko lng.

Di na ako takot bumiyahe kahit pers taym ko pumunta ng Jeddah, basta may pera ka at may bunganga di ka mawawala kung san ka pupunta.

Pagbaba ko ng bus, nakita ko na ang sinsabing Jeddah, "Ahh Jeddah na pala to? Kala ko Quiapo lang"
Maya mya may kumakalabit sakin, isang Indiano "San ka pare?"
Sagot ko " Dito sa Jeddah nakatayo!" (tanungin ba naman ako kung san daw ako?)
Loko lang, driver na Indiano yun, HInatid naman ako sa Embassy.
After 1 day natapos ang proseso kaya gora na sa aking friend, katrabaho, etsetera.
Gusto niyo ba makita yung kaibigan ko?
Eto oh:




Guwapo yan, as in gwapo, maputi at malaki nga lang ang tiyan hehe. Straight po yan ha?
Crush ko dati nung unang nakita ko sa agency namin sa pinas, pero ngayon di na, basta kwento ko na lang soon about samin (ano daw?) yung pagsasamahan namin bilang magkatrabaho, dumi isip mo?

Tara lets sa totoong kwento, pabalik na ako sa branch ko sakay uli ng bus.
Pero bago ako bumalik, tutal and2 na ako, e di lakwatsa na tayo.
Gala muna ako to the max mag-isa, wala man lang akong pic sa JEddah honestly kasi wala naman magpipicture sakin, kng magpapapicture ako baka itakbo pa ang cp ko.

Eto na parekoy ang kwento bakit ang taytel ng blog na ito eh "Pamatay ang Pogi".
Habang nakatayo, nag-aabang kung ala nang dadaang sasakyan, may na-sight akong sobrang guwapong kabayan.
Oo, as in guwapo, di sya kaputian pero gwapo talga (paulit-ulit?).
Nakapwesto sya sa kabilang daan at papatawid sa lugar ko.
Nang wala nang sasakyan ay tumatawid na ako halos magkasabay kame.
Naka-shade ako kaya di nya mapapansin na minamasdan ko sya.
Nung nasa kalagitanaan na ako ng kalsada,
HOMAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYGASSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!.
Tumingin din sakin ang wafung fafa. Siguro inlove na sa gandang lalake ko.
Habang nakatingin sakin, nakaturo ang kamay nya sa malayo.



(di po sya yan ha? guni-guni lang yan)

Di ko naman pinansin. Mayamaya nabingi ako sa lakas ng busina ng sasakyan.
Parang nawala ang espirito ng katawang lupa ko sa businang iyon.
Pag-lingon ko halos sagasaan na akong ng hayop na SUV na yon.
Dun ko napansin kaya pala nakatingin saking at tinuturo nya ang parating na sasakyan.

Hayyyyyyyyy nang dahil sa pogi muntik ko pang ikamatay ang pagtingin sa mukha nya.
Paglingon ko ala na si fafa, ang bilis nawala.
Agad akong pumasok sa convinience store at kumuha ng pepsi, isang litro inubos ko sa nangyari at baka yun na ang huling inom hahaha.

At ito ang isa pang nakakaloko sa biyahe ko. Yung damit kong polo shirt baligtad pala, dun ko lang napansin nung nasa loob na ako ng bus. Oha pa-cute pa akong naglalakad, baligtad pala damit ko.

15 comments:

  1. haha. kaloka. nakarelate ako sa disgrasya dahil sa fafa. :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. wag mong sabihin muntik ka ring mamatay dahil sa fogi hahaha, let me guess, nahulog ka siguro sa man-hole habang nakatitig sa fafa? hehe loko lang parekoy.

      Delete
  2. pahamak na mag pogi! sarap pag kukurutin ang mga singit! hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas ok pa nga ang patayin ka nya sa sarap, kesa bundulin k habang nakatingin sakanya haha

      Delete
    2. bago ako dito. katuwa ang blog mo. :D

      Delete
    3. keep reading parekoy. :) mwahh

      Delete
  3. Hahaha. Madami talagang pogi dito sa Jeddah. Kung saan-saan sulok may makikita ka. Kaso mga suplado. Parang ako, gwapo pero suplado. Haha. Joke lang. Ang totoo, gwapo pero mabait ako. Pasyal ka ulit dito. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. di po na po aq makakapunta uli jan, maybe pag exit na ako jan ako sasakay.

      Delete
    2. Ay ganun? Bakit? Bakit mag-eexit ka? Ayaw mo na dito sa Saudi? Apply ka dito sa Jeddah. Mag-eenjoy ka. Hehe. XD

      Delete
    3. yap, gusto ko ibang bansa naman bsta open country.

      Delete
  4. And by the way, that guy in the picture? Friend ko yan sa Pinas sa totoong buhay. Gusto mo pa ng pictures nya? Hehe. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. w/c one? the guy in blue or in blurred?

      Delete
    2. The guy in blue. XD

      Delete
    3. haha no need, and baka iniisip mo sya ang taong tinutukoy ko sa blog, nakalagay sa baba ng pic na " Di po sya yan, guni-guni lang yan" I am jaz using his pic.

      Delete
  5. I know. Sinasabi ko lang din na picture ng friend ko yang nagamit mo. Hehe. XD

    ReplyDelete