Saturday, 29 December 2012

Ang Christmas ni DessertBoy

Bago ang lahat binabati ko kayo ng Merry Xmas kahit too late na. Pangalawang pasko ko na dito sa Saudi at pangalawang celebrate ko na rin ng bday ko netong December din (Secret!). Nagdiwang pa rin kame ng pasko dito sa Saudi. Sa kabila ng mahigpit na patakaran at batas ng Saudi. Oo parekoy, hindi naman basta basta magdiwang ng kung ano-ano dito.
Nasa kaharian kame ng relihiyong muslim at ang batas nila ang masusunod. Gayunman lahat ng bawal ay masarap ika nga.
Hindi naman aktuwali bawal na bawal. Basta wag ka lang magkalat, sumayaw, magpatugtog, magvideoke, maginuman sa labas.
Mahigpit rin ipinagbabawal ang alak dito pero di kame mapipigilan ng bansang Saudi sa kaunting kaligayahan man lang.
 Basta pinoy maparaan. Nagsalo-salo lang kame sa kaunting handaan. Anjan ang fruit salad na paborito ko sa kahit anong okasyon, pansit, lumpiang shanghai, cake, fried chicken, carbonara pasta, adobong manok, lechong manok, inihaw na tuna at tilapia, sopas at kung ano-ano pa. Hodeva mejo vongga na rin kahit papano, marami kasi kameng pinoy sa work, mga 4 hahaha. joke lng nasa 20 higit kame kaya kelangan maraming handaan.
Siya ang nagluto sa aming handa kaya sobrangggggg sarap.



After kaninan, picture taking todamax, xempre bida lage c Desertboy. After ng pictorial sinimulan na namin tumagay. 4 na bote ng purong alak na parang Gin na nakalagay sa 1.5 litrong lagayan ng tubig. Manmade lang yung alak dahil nga bawal dito diba, meron kameng supplier ika nga. Mahal ang alak 100 riyal isang 1.5 bottle o katumbas 1k PHP.

May mga kasalo din kameng ibang lahi naginuman pero di muslim, mga Nepali. Mga aga Nepal sila pero di bawal uminom sa relihiyon nila.
Yung isang bagong Nepali crush ko.....awtsssss I promissed my self na wag bumigay pag natamaan na haha...controlado ko sarili ko pag umiinom ako at di ako malandi o flirt pag natamaan na. Just makulit lang sa mga katagay at kayang umubos ng dalawang kahang cigar whn I feel vomitting na. Halos di ko na mainom ang alak, pano ba naman kasi may halo na yung alak namin parang ganitey lang.


Tapos yung ibang mga kasama ko sa halos di na mainom natatapon na sa katawan nila.

 

Sa loob lang kame ng kwarto naginuman, may halong kaba din baka masurprise kame at biglang may raid na magaganap diba, kung nagkataon dadamputin kame sa kulungan at deport ang abot. Pero God is good naman at walang dramang naganap.

Isa pa sa crush ko yung isang pinoy na cute, bisaya sya pero sya ang crush ko ngayon kaya super ganado ako magtrabaho.
Siya si Jay. Di sya guwapo parang pwede na rin LOL.

Jay
 Him and his junakis pero edit para di kita junakis nitey. Nakaw ko lang yan sa fesbuk nya w/c managed by his wife. Wala syang maxadong fecture sa fb. Tska di sya sya photgenic.
Minsan pag nagkukuwentuhan kame di ko mapigilan mapatitig sa kanya minsan. Sa ngayon mas gustong kong maging malapit sa kanya at tingin ko epektib naman. Sya si Jeje (di tunay na name) may asawa at anak na. pero magkasing edad lang kame. Di kaya destiny ko na rin? LOL

Di gaanong masaya, di rin malungkot ang pasko namin, parang okay lang, pero syempre mas masaya pa rin ang pasko sa pinas diba?
Dahil nga senglot kame, karamihan samin di nakabangon ng maaga kaya ayun, cut salary ang inabot namin for 3 days. Suspended kame for 3 days pero ewan ko kung tama ang term na yun. Papasok kame ng 3 days pero walang bayad dahil sa di kame pumasok sa duty on time. Hodeva ang lupit ng DA namin. Ganito sa samin dito sa Saudi, di uso ang Disciplinary action, cut salary ang uso.

Sabi pa ng manager namin "Merry Christmas, That is our Christmas for Guys!!" hodeva bumati nga pero nang-asar naman. Sarap  tusukin ng karayom ang puwet.

Mejo nanahimik ang blog ko ng konti dahil busy todamax si Desertboy sa Work....Super Duper mega Busy as in.....Sobrang tambak ako sa trabaho gawa ng inventory. Tapos tinanggalan pa ako ng OT lalong di ko na mahabol ang mga reports ko, wa paki sakin Area Manager ko kahit tambak na ako.. So kanina mega reklamo na ako sa Accounting, kumatok ako sa pintuan ng opis nila, hinawi ko ang bangs ko, at naka pose na mala Janine lang sa Evening gown sabay sagot sa tanong ng Judge.
Question: Why you have too much pending job?
Sumagot si Janine este si Desertboy, ngumiti muna sa manood.: "For me, I have too much pending because of that cause. Thank You" palakpakan ang mga tao sabay bato ng bote sakin haha...okay back to normal life.
Kanina binalik na rin ang OT ko. Sabi ko if you updated report extend my my duty, hodeva nose bleed todamax.

Yan lang muna at belated Merry xmas and Happy New year.

6 comments:

  1. MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR PAREKOY

    ReplyDelete
  2. Belated Happy Birthday at Merry Christmas! Buti nakapag-celebrate pa kayo jan. Happy New Year!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch Hustin. Kahit sang lupalok tayo ng mundo we still celebrating xmas. Happy new year too....PUTUKAN na!!!

      Delete
  3. im your long time reader, pero ngayon lang ako gusto mag comment sa blog mo..meery x-mas

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamuch THecure....merry xmas and happy new year din sayo parekoy.

      Delete