Monday 20 August 2012

He's Out Loud

Iilan lang kameng paminta dito sa trabaho ko.
Isa na dito si Rain na madalas kong bino-blog at isa pa, wag na nating banggitin.
Sabi ko sa sarili ko dati sana wala akong makawork na out talaga, kasi natatakot akong mabuko.
Alam mo naman ang gaydar malakas, si Rain mejo mahina.
Ako mukhang malakas kasi madali at mabilis lang ako makakaamoy.

Until last month may bagong salta, Itago na lang nating sa pangalang Jordan.
Sa sales dept sya, nung una ko syang nakita, naamoy ko na agad sya.
Hanggang sa nagtagal, ayun ang gaga ladlad na.
Di sya guwapo, di rin cute as in tama lang.
Kumbaga sa pagkain, di masarap, di rin maalat, tipong malapit ng mapanis haha. loko lang.

At this time I think di pa nya ako naamoy bilang isang kalahi.
Super discreet ako, pamen kung baga, di mo naman ako makitaan ng feminine act although minsan di maiiwasan.
Minemaintain ko ang straight acting, kasi yun talaga. Di ako kumekembot hahaha.
Natural na galaw lang, di pilit. Kasi pag pilit masyadong halata at madali kang maamoy ni Jordan at iba pang federasyon.
Madaming guwapong pinoy dito na maamoy mo, pero kahit gusto mong makipaginteract sa kanila, mas mabuting wag na lang.




Habang tumatagal, lalo akong nilalandi ni Jordan. Mukhang mas malibog pa sakin si Jordan.
Konting dikit lang sayo di mo maramdaman nakahawak na pala kay junjun.
Hinahayaan ko lang si Jordan, kasi pag mapansin nyang ilag ako, baka lalo magkaroon sya ng hint sakin.
Babe ang tawag ng baklitang ito sakin, ewan ko dito. Nung una nya daw akong makita, napapangitan sya sakin at nasusupladuhan.
Pero habang tumatagal, pumopogi daw ako sa paningin nya. Ayun dinukutan ko ng barya pambili ng yosi kapalit sa pamumuri nya haha.

Kahit sa bus, gusto nya akong katabi, lintik na bakla to, pasakan ko kaya ng durian sa puwet.
Sa work, out na out talaga sya, pag may nagustuhan or crush, di nya titigilan. Lalo na si Dong, na rcently lang naging crush ko na nasa blog kong "ANG LALAKENG NAKABOXER SHORT".
Mahilig manghipo. Kinakaibigan ko na lang sya. Pero si Rain, nakikita kong takot syang mabuko ni Jordan,
Mabunganga kasi to. At magaling sa gay language.

Pero chillax lang ako. Alam ko naman di magtatagal, maamoy rin ako ni Jordan.
Maraming tricks para mabuko o magkaroon ng hint pag ginusto mo diba.
Lalo na pagdating Question and Answer portion. Pede nyang itanong ang mga bagay-bagay tulad ng ano sports mo, naka-ilang gf kana,
mga ganung tanong.

Ibig sabihin kelangan ko pa paghusayan ang acting workshop ko.
Kahapon natatawa ako, masarap din kakwentuhan ang baklang to. Lalo na pag kinakantiyaw na sya ng mga boylets dito.
Sobrang kulit nya, puro kwento sya sa mga Indie FIlm lalo na ni Coco Martin.
Di daw sya makaget over lalo na nung makitang nyang kumalat ang scene ni COco na kita ang galit na galit na junjun ni Coco sa Indie Film Serbis.



Infairness di rin ako makagetover sa scene na yan, dahil tinotoo naman talaga.

Kala naman ng baklang to sya lang nakapanood, last year ko pa yata napanood yung sa 4shared.com.
Anong akala nya sakin, di updated hahaha. Kwento sya ng kwento sa mga Indie film na kunwari di ko pa napapanood. Kunwari di ko pa alam ang movieng yon. Natawa ako nung nakwento nya ang isang Indie Film ni Coco tapos nagkataong napanood din ni Rain.
Sa buong grupo sila lang nagkukuwentuhan at nakikinig lang ang mga boylets sa paligid.
Maya-maya nagtatalo na silang dalawa ni Rain. Tapos nagtaka itong Jordan kay Rain bakit daw nya alam ang movieng iyon.
Bakit daw sya nanonood ng Indie Film ni Coco na karamihan eh pang bading. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Di ko maiwasan tumawa kay Rain, dahil namutla na si Rain at di alam pano iexplain kay Jordan bakit nya napapanood ang ganon.
Awang-awa ako kay Rain sa palusot nya, kesyo napanood nya lang sa daw Youtube.
Eto naman kasing pamintang Rain, minsan di macontrol ang bunganga at dire-diretso.
Hayss pinagpawisan siguro singit nya ng butil butil hahaha.

Pero okay lang yun kay Rain kasi isalng buwan na lang naman e uuwi na sya ng Pinas.
Eh ako, isang taon ko pa makakasama ang balang Jordan na to, Isang taong pagtatago pa ang gagawin ko at pagpapanggap.
Basta manindigan lang tayo kung ano ang pinili nating landas.
Bahala na!!!

6 comments:

  1. nako mare. para ka nyang may german shepherd na naka sunod sa pwet mo... ingat lang.

    ReplyDelete
  2. feeling ko nga parang mejo iba na ang tingin nya sakin...hmmm

    ReplyDelete
  3. Hahahaha! Best in acting ang labanan ngayon. LOL.

    ReplyDelete
  4. Yung crush mong Kanong teacher, kasabay ko sa airport kanina. Alam ko na ngayon kung san ka dito sa Saudi kasi papunta dyan ang byahe nya. Haha. XD

    ReplyDelete