Saturday, 25 August 2012

Aym Inlab!!!

Two months ng nasa Draft ko to, di ko na nagawang ipost baka kasi iba isipin nyo sakin.
Pero dahil recently lang din ako nasktan kaya minabuti ko ng ipos, para malaman niyo kung bakit bitter ang susunod kong blog about her.
At kahit papano nashare ko naman sa inyo ang buhay pagibig ko kay Ms. J.


 ================================================================================== Si Dessertboy ay inlove!!!!!!

Wag sana kayong masuka sa blog ko, pero inlove ako sa gerlalu!

Wala namang masyadong magagandang gerlalu na pinay dito sa gitnang silangan kaya naman sa fesbuk ang bagsak ko.

Since 2011 pa ako inadd ni Miss J sa fesbuk.

Noon lage syang nagla-like sa kahit anong status, mga shinesheyr ko at iba pa.

E2 naloko ako sa mga ni-like nyang status ko, "Huhu My Auntie passed away" aba talagang ni-like pa rin nya.

Mukang like nyang mamatayan ako ng tita.

"Sobrangggggggg kakabad3p ang araw na to" aba ni-like nya pa rin, gusto ata nyang mabd3p ako araw-araw.

Pero hindi ko sya pinapansin, kasi parang nadidis-appoint ako sa mga ganun gerl na fafansin.

Gusto voys ang unang gagawa ng step.

Maganda naman Miss J. pero parang may hinahanap pa akong type ng isang gerlalu na wala sa kanya..basta ewan.



Nahiya naman ako s effort nyang kakalike ng mga status ko pati fecture.

Wan taym: (FB Chatbox)

Dessert Boy: Hi tnx for liking my status.
Miss J: Hello, welcome :)
DB: Where you from?
Nagulat naman ako sa sagot nya, kababayan ko pla sya at parehas kame ng dialect.
DB: Ilang taon kana?
Miss J: Ako? ahhh
DB: Hindi yung Nanay mo ilang taon,,hehe loko lang.
Miss J: 28.
DB: Ahh mas matanda ka pala sakin, kaka-debut ko lang.
Miss J: 21 ka palang?
DB: Hindi,40 na ako..hehehe kaya debut eh...loko lang kita 24 na ako.
Miss J: Pogi mo naman.
DB: Maganda ako Hehe tnx,,,di ako pogi kyot lang ba?

Nasundan pa ang aming kumustahan sa fesbuk hanggang sa araw-araw na.
Kumain ka na? mzta araw mo? slip na ako ha, nyt muahhhh?at kung ano-ano pangmensahe sa aking chatbox.

May tawagan kame, "Iddu" means lab or honey.

Ewan ko mga parekoy, basta nalulungkot ako o kaya di buo ang araw ko pag di sya nagmemessage.

Kung ano-ano ang iniisip ko pag di sya agad namansin.

Yung tropa ko d2 sa ibang branch sya, nanliligaw din sa kanya.
Pero ayaw skanya ni gerl, ineentertain nya lang si tropapipz.

Nagseselos ako pag sinasabi nyang nag-chachat sila....whoooooooooo
Ano kaya ibig sabihin neto?..
Hindi pa kame offical na magjowakis pero feeling namin sa isat' isa kame na. parang MU ba (Miss Universe ba yun?) basta yun na yun.

Bi lang ako at kahit puro lalake ang nasa blog ko, gaya ng sabi ko kaya pa naman ng sikmura ko ang mainlab sa gerl.

Ayoko ko namang mamatay ng lalake ang asawa ko noh hahahaha kaloko naman yun.




Pangarap ko magkaroon ng family syempre, kahit naman sino diba.

Pero in my case as BI, syempre mahirap...basta alam mo na yun.

Nagtapat na ako ay Miss J na gusto ko syang ligawan kahit sa fesbuk man lang. Umoo na naman sya.

Nahihiya pa akong sabihin sa kanya na gustong kong maging opisyal ang relasyon namin.

At ayokong mapunta pa sya sa iba....24 na ako pero gusto ko nang mag-asawa.

Ewan ko kung ano tumatakbo sa isip ko. Basta magulo pero isa lang ang gustong kong siguraduhin, na "masaya ako sa ginagawa ko".

Naka tatlong syota pa lang naman akez, (girl ha?) Si  Pers Lab (Miss MB) na nakwento ko na at ilang taon ko narealize na sobrang mahal ko pala sya after we brokeup. Si Colleague girl na may asawa na at kabit ako parang ganun (di ko pa nakwento sa blog) at si Miss Kapitbahay, ang syota kong araw-araw nasa bahay, gusto nyang mag-sama na kame pero di pa akez ready at jobless ako dat taym. Ending hiwalay din kame (di ko pa nakwento sa blog ko).

At eto nga si Miss J, mukang paparating sa buhay ko. Madali lang akong mainlab, madali lang din akong masaktan.

Hanggat maaari iniingatan ko ang aking mapusok na damdamin (meganon? ano yun?) basta yun yon.

This is longdistance relationship, di ko pa sya nakita and ayokong sanang maging kame tru fesbuk lang...baka mamaya eh mataas or malaki ang expectations nya sakin....mahirap kasi sa cyber love (meganon) parang naiinlove ka sa isang tao na feeling perfect kahit di mo pa nakikita sapersonal. (tama ba ako?).

Marami akong kakilalang ganyan..

Abangan ang nakakalungkot na chapter susunod na chapter ng aming pagsusuyuan ni Miss J.

2 comments:

  1. http://alponse2009.blogspot.com/2012/08/shout-for-cute-dessert-boy.html

    ReplyDelete
  2. ako pa lang yang nasa shout-out mo..hehe...salmuch uli :)

    ReplyDelete