Saturday, 23 February 2013

Pintor

Kahapon sisimulan ko na sana gawing ang karugtong nung blog kong Ang Mahiwagang CR kaso naistorbo ako.
Nakalimutan kong kahapon pala ang schedule ng pagpipintura ng opisina ko.

"Sir ano sisimulan na nating pinturan yung office nyo ha?" sabi ni Dan, pintor namin dito.
Pinoy si Dan, straight matangkad, pointed nose, di guwapo pero tama lang, 35 na sya..

"Di ba kayo lalabas Sir?" aniya
"Di na, dito lang ako (para mabantayan kita) madame trabaho eh, mabaho pa yang pintura mo?"
"Waterbased to kaya wala masyadong amoy"
"Ganun naman pala eh. Sige trabaho lang kayo" sabi ko.

Nung time na yun sisimulan ko nga sana yung blog ko sa Mahiwagang CR.
Pero di ko na rin tinuloy baka biglang masilip nya ang ginagawa ko o kaya bigla
akong lumabas tapos di ko nalock yung desktop ko eh mabasa pa nya ang blog ko.

Back to normal document work, sige encode ng encode.
Sinimulan na rin ni Dan ang pag pintura,
Ilang saglit lang nagpaalam sakin si Dan mag tanggal ng damit.
Kahit labag na labag sa kalooban ko ang makakita ng umbreng walang damit ay pumayag na rin ako.

Sanay naman akong nakikita ang ibang staff namin na walang damit, madalas kasi pag nagtatrabaho sila sa warehouse
nakahubad lang silang lahat, ikaw ba naman di pagpawisan dito sa Saudi eh.
Paghubad ni Dan ng t-shirt nya, parang wala lang naman sakin.
Gaya ng sabi ko sanay na ako ehehe.

Pero kalagitnaan nawawala na ang atensyon kong magtrabaho.
Nagkakamali na ako sa pagpasok ng dokumento sa computer.
Pano ba naman kasi, inaagaw din pala ng atensyon ko ang likod ni Dan na walang damit kahit di sya gym built.
Tapos kita pa ang brief. One that I easily attracted sa guy eh masipat ko ang suot nilang brief.
Yap, lalo na pag gwapings, parang gustong gusto ko makita kung anong suot nyang brief.
Hahaha ang pangit isipin pero bigla akong nakaramdam ng init sa katawan.



Pinagmamasdan ko lang si Dan habang napipintura na nakatalikod.
Pero nagtatrabaho pa rin ako para di halata.
Habang nakarest sa upuan ko at nakatingin kay Dan habang nagpipintura,
Nagsimula ng gumana ang imahinasyon ko. Lam nyo na kung anong imahinasyon ang sinasabi ko.
Kunwari ako ng pintura na pinapahid nya sa pader LOL.

Sana sing-gwapo neto ang pintor namin.
Kung ganyan lang pintor namin malamang di na ako magtatrabaho.
At magpinturahan kameng dalawa LOL

5 comments:

  1. kakabitin naman... lol...akala ko may mangyayari... sige dun natayo sa mahiwagang CR...heheh

    ReplyDelete
  2. hi Mr. dessert boy, nasa saudi kapa ba hanngang ngayon saan po kayo dito sa saudi???

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo pero pauwi na po ako antay na lang ng ticket.

      Delete