Tuesday 8 January 2013

Poser

Marahil nabiktima ka na siguro ng poser.
Kung hindi pa, sa future malamang haha.
Meron akong friend dati sa FB pero ngayon di ko na makita ang account nya.
Siguro deactivate na nya.
Pero naalala ko pa rin sya noon nakita ko uli ang pic na ginamit nya noon.
Eto yung pic na ginamit nya.


Habang nagbobrowse ako ng mga pic sa aking Piktiyur Op Da Dey blog. Eh nagflash back ang litratong ito sakin.

Hodeva Hot na rin. Pantawid gutom LOL.
Name nya dati sa FB "Beng" ewan ko san nya nakuha yang Beng na yan. Baka kay Beng Loyzagao kaya kay Ramon Beng Revilla hahaha.
OFW sya tulad ko ngayon pero nasa pinas pa ako noon, sya nasa Dubai. May asawa't anak at taga Cebu edad mid 20s to 30s. Comfleto kulang na lang pati Lolo't lola nya kilala ko LOL.
Chat lang chat hannggang sa kakaibang chat, hehe lam nyo na yun.
Hindi lang yang pic I think mga 5 fectures siguro yun nasa profile nya pero same face naman ng nasa taas. Pangit naman kung ibat ibang mukha diba? Halatang poser na?
I asked him kung sya ba yung nasa picture sabi nya sya daw yun. Pero may doubt pa rin ako sa kanya.
Pag magkachat kame lageng ayaw pakita ang peg kaya naghinala na ako. Pero pilit nya sinasabi na sya nga yun nasa fecture. Okay sabi nya eh. Pero panalo naman ang wantaka, may pandesal naman at makinis.

One time bigla syang umuwi ng pinas dahil pumanaw ang erpat nitey.
"Magkita tayo sa Airport huh?" Aniya.
"No problem" sabi ko. So mega sugod akez sa NAIA suot ang gown na ginamit ni Janine Tugonon LOL.
Madaling araw, iyon siguro mga 3am. Teka bakit nga ba nya ako napapayag na pumunta sa Airport ng ganung oras.
Una, may insomia ako.
Pangalawa, may pasalubong daw sya sakin.
At pangatlo, curious ako kung sino talaga sya.
Malakas naman pakiramdam ko na di sya yung nasa FB pic.

"Wer na u?"
"Dito na me sa bandang Jollibee" (Jollibee ba yun o Mcdo? basta fastfood)
"Okay catch u der"

Habang nakaupo, naramdaman kong humampas na naman ang malakas na simoy ng hangin na may kasamang eucalyptus. Hano daw? lol.
May napansin ako papalapit sa gilid ko na nakaputing longsleeve at naka Khaki pants pa na matipunong lalake.
Hinanda ko na ang killer smile ko, pinalalim ang dimples kahit walang dimples, kunwari wala akong napapansin.


"Sir dun po ang waiting area?"
Putya gwardiya lang pala. Pero infernez pwede na si manong guard LOL pinaginteresan?

Nagtxt c Beng.
"Ikaw ba yung naka-gown na nasa-sight ko" txt ni Beng
"Bakit inggit ka? LOL"
Loko lang, mabilis lang nya ako mapansin kasi ako lang ang naka green jacket sa Airport.
Nang biglang may tumapik sa likuran ko.
Lumingon ako sabay hawi sa 1 length kong bangs.
Disappointed ako :((

Kasi di talaga pala sya yung nasa pic (expected) pero cute pala sya sa personal.
Ayiiiiiiiiii. Pwede na. Yung Peg parang mejo may pagka-Romnick Sarmienta lang.
Haysss naalala ko na naman si Astone ang super crushie ko nung college na kapatid ni Romnick Sarmienta sa tatay.
Mejo nahiya ako ng konti (kasi naka-gown nga ako lol). Habang nagtagal nawala na rin ang hiya ko (dahil keri ang gown LOL).

Wala kameng mapagpuwestuhan ng maganda dahil kahit ganung oras madami pa rin pipol sa waiting area yung iba dun na natulog at dala-dala pa ang mga comforter at uratex na foam.



Gusto kasi namin magkwentuhan, syempre kaka-shy naman kung marinig ng iba ang pinagkukuwentuhan namin dba haha.
So standing obation kameng dalawa sa terace malapit sa restroom bitbit ang nakatroling bagahe. Dun kuwentuhan todamax. May pictorial pang session. Maghihntay pa sya ng 2 hrs para sa biyahe nya uli papuntang Cebu, connecting flight kc sya.
By the way dehins mo mahalata si Beng na Bi, very manly kumilos at lalakeng lalake ang boses. Tapos pahikaw-hikaw pa sya which I love to see guys wearing hikaw. Astig ang dating, di ko na tanda ang age ni Beng basta na 20's above.

"Sabi ko na nga ba di ikaw ang nasa fb pic mo eh?"
"Sorry tol huh? Kelangan kong maging tago kasi may pamili ako eh"
"Okay lang cute ka naman eh (ayiiiii)"
"Wehh di naman!"
"O cge ako na lang ang cute haha"
"Cute ka rin naman huh?"
"Masyadong kang parangka haha biro lang"


Before he left, may inabot sya sakin, kinuha nya sa dambuhalang maleta. Uy nakapaper bag na duty free.
Nahiya naman ako, tapos tinanong nya kung may pamasahe pa ako pauwi. Hanuva, mukha ba akong purita LOL, pagtingin ko sa salamin oo nga mukha nga LOL. Pero di ko na tinanggap ang inaabot nyang pera (marami kasing tao LOL loko lang).

Pero ang PINAKA di ko makakalimutan nung gabing yun. Ang halik ni Beng. blehhh
Pano? San? Nung nag-cr ako tapos sumunod sya sakin. Dahil kame lang dalawa sa loob.
Bigla nyang nilapit ang mukha nya sakin at dun BOOMMMMM...nagdikit ang labi ni Beng at Desertboy.
Pinisil pisil ko ang pwet nya ganun din sya  sakin.
Afterwhile kumalas ako baka may bigla pumasok at ayokong maheadline ng dyaryong Tiktik.


Nagpaalam na kame sa isat-isa at nangakong magkikita muli bago sya bumalik sa Dubai.
Umuwi ako bitbit ang binigay nyang mamahaling pabango at dalawang tube ng Toblerone.
Pero yung halik nya ang pinakamasarap na pasalubong nya sakin.

(Ang aming muling pagkikita) Abangan nyo.

2 comments:

  1. Kaya pala madalang na ang posting eh :)

    ReplyDelete
  2. busy lang sa work...work overload ako parekoy. sinsingit ko lang ang blog para mabuhay.

    ReplyDelete