Friday, 30 November 2012

Pasalubong

Yesterday I packed all my pasalubong to my pamili.
August 2012 pa lang nag-ipon na ako ng pasalubong.
Ayoko kasi ng isang bagsakang bili, feeling ko malilimas ang pera ko.
Okay na yung every month may bibilihin kang naka-sale o promotion.
Eh weekly kame may promotion ng chocolate, kaya halos puro chocolate ang binili ko.
Kada may sale sa mga ibang store o boutique gora ako.
Tip ko yan sa mga OFW tulad ko sa mga gustong magpabagahe.
If you really wish to send them "Balikbayan Box" habang maaga magipon ka na dapat ipadala.
Hindi yung ora-orada mismo.
Eto lama ng aking Balikbayan Box: Nakapromo pa yan box na yan ha?, 180 Riyal = 1,900 PHP, diba mura na kesa sa regular rate nila na 400 Riyal = 4400 PHP.

Tapos yung iba halos puro apparel, shoes, jewelry at accessories.
Sa mga lalake eto para sa kanila.


Hodeva yung sapatos ni erpat pang bente anyos lang haha, sabi ko naman kung ayaw nya pede nya ipalit sa shoes ni Kuya.
Yung kay bunso tuwang-tuwa nung pinakita ko yung pic. He really likesblue kasi.

Hikaw kay Ermat

 Relo kay Erpat



At di mawawala ang mga pabango at ibang cosmetic para sa mga magaganda kong kapatid (pati na ako LOL).
Mga pampabiyuti ng mga sisterette ko, pati pabango sa mga umbre kong shufatid.



I bought a lot of apparrel sa buong pamilya, inaanak, sister in law, tita't tito, finsan, pamangkins, I did not took picture for that kasi masyadong marami. I bought that during 1 month sale ng boutique na katabi namin, remember this crushie # 2, kaya madalas akong napapabili haha.

Advanced aguinaldo ko sa aking pamili. Kahit sa ganitong paraan man lang mapapangiti ko sila.

At eto dahil yung binata kong kapatid eh naguuwi na daw ng mga babae (salamat naman, kesa lalake ang iiuwi diba?).
Pinagtripan kong bigyan ng condom LOL.

Ready na ipadala!


Wish ko lang sana may magregalo din sakin.
I dont need money,
chocoleit (sawa na ako dito),
damit, sapatos.

Ganito lang ang tatanggapin kong regalo.

Mr. VHN

Hodeva vongga ang gift pag ganyan.

Guys yung hot hunky pic na yan ay kilala ko so soon iboblog ko pano kame nagkakilala ni Mr. VHN :)




Saturday, 24 November 2012

Francisco Parra of Colombia is Mr. World 2013 and Adrew Wolf of Philippines is 2nd Runner Up

Alas tres na ng umaga ako natulog para lang abangan kung sino ang tatanghaling Mr World 2013.Walang live stream, pero sa official facebook page lang ng Mr. World ako nakikiupdate and fortunately updated naman bawat segundo.
I hope may maguupload na ng video sa youtube bukas.

Piktiyur Op Da Dey: Mr. World 2013 Crowning Moment: Here are the Mr. World Top 3 Finalist:

Mr. Colombia Francisco Parra

Francisco Parra

Mr. World 2013 Colombia and @nd Runner up Philippines

Francisco Parra and Andrew Wolf

Mr. World 2013 2 Runner UP Philippines Mr. Andrew Wolf
Andrew Wolf




3rd Place Mr. Ireland (Leo Dalaney)
Leo Dalaney
Announcing of Mr. World 2013




Friday, 23 November 2012

Paalam Rain

Nakakaloko ba ang title? Buhay pa naman si Rain.
Umuwi lang sya ng Pinas. Yes tapos na kasi ang kontrata nya at di na sya nagpa-renew ng kontrata.
Well papel, sa mga di pa nakakakilala kay Rain (dito).
Sya kasi taga BJ ko dito dati hehe meganon?.
Sya rin taga masahe ko tuwing masakit ang katawan ko.
Sya rin minsan ang naninira ng araw ko (what???) Oo parekoy, may time na buwisit na buwisit ako sa kanya.
Pag pumapasok kasi sya sa opis ko tapos biglang hipo ng hipo.
Eh akala nya porket nagpapa BJ ako sa kanya eh pede na syang mambastos.
Sige sabihin nating malibog ako pero di sa lahat ng oras kalibugan ang nasa isip mo diba?
Lalo na pag umaga. Morning is very sensitive time for me.
Bugnutin ako sa umaga. Very quiet lng ako. Ayoko ng maingay, ayoko ng inaasar at kinukulit sa umaga.
Kaya madalas may kaaway ako sa umaga. They call me "Moody"
Okay moody na kung moody. Alangan namang magpakasaya ako pag umaga, nakangiti lage.

Madalas din ang tampuhan namin ni Rain, at hanggang sa umalis sya eh di kame nagkibuan.
Di nya kasi ako kilala, once you hated me, I hated you more.
Mataas ang pride ko pagdating sa mga ganyan.
Yung couzin ko nga eh kasama ko pa sa bahay, nagkatampuhan kame, 5 months di kame nagpansinan. Kung di pa sumapit ang pasko noon di ko sya papansinin. Hodeva taas ng level ng pride namin.

Ano ba ang huling tampuhan namin ni Rain? Dahil lang sa internet. okay naman kame that time, and nagkapikunan silang dalawa ni Denz (nasa pinas na rin sya), dahil sya ang may hawak at may account ng internet, ay bigla nyang pinaputol ito without informing us, paliwanag nya isang buwan na lang naman daw eh aalis pero ang usapan namin ililpat sa pangalan ko ang account para di kame mawalan ng internet connection, at pano na ako makakagsulat ng blog diba at manood ng mga etchuserong porn.


(Told ya, never mawawala ang fecture ng umbre sa blog na to hahaha)


Ayun di ko na sya inimik. Blocked ko na rin sya sa FB. Hongtaray diba?
Panong di ko sya iboblocked, he's kind of a bitch. Bitch tlaga ha?
Alam mo yung fb wall nya, punong puno ng "BITTER QUOTES"
Share ng share ng kowts na parang lageng may kaaway.
Actually marami pa syang kaaway dito, I did not mentioned before.
Dahil na rin sa ugali nya. One time I confronted him.
He is complaining na marami daw umaaway at naiingit sa kanya.
Sabi ko, if you have more than two enemies, baka di lang sila ang may problema.
Isipin mo baka may problema din sayo.

Napaisip naman ang gaga. At sumabat pa "Bakit masama ba ugali ko?"
"Di ako nagsabi nyan, ikaw!"
Mayabang din kasi si Rain, mataas din ang pride. He's trying hard to lift himself.
Sya yung taong pag nag English ka pagtatawanan ka bigla at akala eh mali ang grammar mo.
Haha yun pala sya ang mapapahiya, wata poor man.
One time nabanggit ko na may 2nd floor ang bahay namin sa probinsya and he laugh out loud.

Kala nya nagmamayabang ako, eh totoo namang may 2nd floor ang bahay namin.
Napikon naman ako, sabi ko, "Anong tingin mo samin? Sing-HIRAP niyo!!!!!!!!"
Kunwari dinaan nya sa tawa pero natamaan sya sa sinabi ko. I hate those pipol who easily judge you without knowing your background.
I am not saying na mayaman kame, mahirap lang din kame. Pero di porket taga probinsya ka eh mahirap kang tao.

"Eh ikaw taga saan kaba? Probinsyano ka diba? baka yung bahay nyo puro yari sa kawayan!" sambit ko sakanya.
Most of the time nagbibiruan kame eh napipikon ako pero di ko pinapahalata.
Pag nag-walked out ako, ayun pikon na ako non, pero minsan pag nagsasalita na ako frankly ayun. tumahan kana, sign na ng pagkapikon ko yun. He told me also "Kuripot" because Im Ilocano, Told him am not Ilocano at lalong lalo nang di ako sing-KURIPOT mo na sa tinapay lang ang kinakain sa gabi. Sabay walked-out si Dessert boy.
Takleso at insensitive ako pag nagsalita at napipikon lalo na kung Takleso at insensitive din ang kausap ko.

Kaya di na nya ako masyadong binibiro noon. Dun nya ako nakikilala. He's also afraid na baka isiwalat ko ang ginagawa nya sakin lalo nat very discreet din sya.

Grabe parang sobrang bitter naman ako kay Rain. Di naman, jaz wana share with you yung mga past tampuhan namin at para maging aware yung iba.

Monday, 19 November 2012

Thursday, 15 November 2012

Piktiyur Op Da Dey: Sexiest Man Alive 2012

  Piktiyur Op Da Dey: Sexiest Man Alive 2012: Channing Tatum has been named the Sexiest Man Alive by People magazine. The Magic Mike star has been awarded the annual title by the pu...

Haysss kakatulo laway. Recently naging crush ko sya sa Magic Mike. And until now pinapanood ko pa rin yung movie na yun ilang beses na.

He has Freaking Sex Appeal.

Am I right or  AMALAYER?





Monday, 12 November 2012

Dessert Boy is Badly Sick


Hindi ako pumasok ngayon dahil may lagnat.
Kahapon pa to pero di ko lang sya inintindi.
I felt very weak yesterday na parang nanginginig at nanghihina ang katawan ko.

Kaninang umaga, sa sobrang lamig ng aircon sabi ko sa mga roommate ko na hinaan ko ang AC, nilagay ko sa #3 Thermostat then naka Low Cool lang.
Pero di epektib, 3am ng sobrang maramdaman ko ang lamig, nag suot na ako ng jacket, socks at dinoble ko na ang kumot ko. Okay mejo kumalama naman ako. Pero parang may kulang talaga.
Kelangan ko ng Hug ng aking boyfriend na kakapanalo lang ng Manhunt International 2012, meganon? loko lang.


Gusto ko Hug nya ako all day long habang hawak-hawak namin ang tropeyo ng Manhunt LOL.
Gusto ko ganito kame magyakapan para matanggal agad ang sakit ko LOL


Hodeva bongga ang hugness...at talagang ginawang bakla si Fafa June LOL.
Tignan ko lang kung di pa matatanggal sakit ko nyan.
Okay back to planet Earth.

I informed my roommate to tell my manager that I'll be going to work @ 1 pm na lang.
But unfortunately dahil di sumasagot si June sa mga tawag ko para i-hug nya ako (at talagang pilit pinapasok si June sa blog huh? LOL). I cant even wake up to eat, and I told again my other roommate w/c is papasok pa lang ng 1 pm na di na tlga ako makakapasok.
Oo parekoy emfortant kasi ang duties and refonsivilities ni DessertBoy sa work nya kaya umuuwi na lang kame para maligo, kumain at dumumi.

Instead of sleeping all day, fesbuk na lang ako and watched movie and while browsing fb may nagshare nitong movie kaya pinanood ko to "A Soldier Girl" a 2003 movie.
Sa mga di pa nakapanood nito, It was very very nice true to life story. This is about story of a US Army Soldier who fell in love in transgender.
This is very tragic love story.



Starring Troy Garity

Troy Garity

who played the character of Barry Winchell

Barry Winchell

and Lee Pace

Lee Pace

who played as transgender,


Lee Pace make over
Hodeva from hansome Lee Pace to Beautifull Calpernia.
Who also played the character of Calpernia Addams

Calpernia Addams

I really love this movie though the ending is very tragic and sad.
If you have time guys, watch it (kung di mo pa napanood dati.)

Friday, 9 November 2012

Piktiyur Op Da Dey: June Macasaet Mr Manhunt International 2012

Congratulation sa boyfriend ko!!! loko lang.

I want to see video(s) of this event. Specially when Phillippnes announced  as Mr. Manhunt International 2012.

Please share nyo naman kung saan pwede manood ng video. Puro luma kasi nasa Youtube.

Piktiyur Op Da Dey: June Macasaet Mr Manhunt International 2012: jhk


Thursday, 8 November 2012

Storylane

Someone sent me this link.
Trusted ba to?
Ngayon ko lang kasi nakita eh.
Here's link.



Binatang Arabo

Inaya ko ko si Kalbo (kawork) na lumabas para tumingin ng digicam. Nagpapabili kasi ang aming bunsong kapatid.
Dahil bunso naman sige ibigay ang kahilingan ng maganda naming bunso. Kahit nasa trabaho pa kame ay pwede kame magpalaam lumabas basta valid reason. Si kalbo magpapadala ng pera, tapos ako bibili ng boylets este digicam.

Inuna muna namin magpadala ng pera.Pumara akez ng taxi. Ooopsss huminto ang kolorum na sasakyan, alam na namin yun.
Dito kasi mas mura ang kolorum kesa sa totoong taxi pero dobleng ingat lang kung sasakay ka ng kolorum kelangan may kasama ka. Kung gusto mo naman magpagahasa, mag-isa ka!

Inpernes cute yung Pakistaning driver. Pinili kong umupo sa likod at si kalbo sa harap.
Bakit? Wala lang, para masipat ko at side ng peg ng umbre.Nakarating kame sa bangko, Sovrang gulat ako sa dami ng pila at sa mga nakapilang maghuhulog ng fera. Ganito kasi ang fila sa bangko.


Hodeva panalo. Gitgitian, tutukan at hipuan. At nakipila na rin ako kahit di ako magpapadala charot lang yan.
Wish ko lang na may pilang ganyan LOL. Ganito lang ang pila kahapon.



Diyahe ang dame tao. Pang-20 yata sa pila si Kalbo, pero okay lang kasi nakapila naman sya sa Pinoy na teller. Alam ko ng aabutin ng 40 mins - 1 hr bago makarating si Kalbo sa window.

Habang nakaupo sa loob, parang iba ang pakiramdam ko, para akong kinakabahan.
May tumabi saking Pakistani at may dalang bag. Maya-maya may naririnig akong tunog. Parang tik..tik...tik....tik....tik...tik...
Naisip ko baka bomba iyon na nasa bag, Nagmadali akong lumabas ng banko. Tumungo ako sa gilid ng banko at halos bumaliktad ang sikmura ko, Tingin ko kasi ay sasabog ang loob ng banko.........sasabog ito dahil sa mga lakas ng PUTOK ng mga ibang lahi.
Di ko kaya teh ang langhapin ang panis na sibuyas. Sa labas na lamang ako naghintay baka sakaling may sight pang fafa.

Di naman ako naboring kasi naglalaro ako ng FrontLine Commando sa Xperia S ko (at talagang binanggit huh?).
Matapos magpadala nsi kalbo ay tumungo kame sa Al Rashid Mall. Doon bumili kame ng digicam ng kapatid ko, yung mura lang kasi gagamitin nya lang naman yun para magpapicture sa salamin, tapos pose ng emo, o kaya duck face LOL. Diba ganyan karamihan ng kabataan ngayon?

Sa wakas nakabili na rin kame ng digicam. Eto lang sya.


Motolite nga lang ang battery nya alternative yung Outlast. Hodeva gerlalong-gerlalo ang kulay.

Kumakalam na sikmura ko kaya dumiretso na kame sa kainan. Shit ang daming pagpipiliian, Tsaka ang daming upuan parang fiesta tapos may singnage na "FOODCOURT". lol Nagtungo na kame sa foodcourt para kumain.As usual paboritong broasted ang inorder.
Habang lumalafang napansin ko ang dalawang binatang arabo nakatingin sakin. (woahhh naakit sa biyuti ko). Sa kabilang mga mesa may mga ibang kabayan din, tapos puro arabo na. Pagkatapos kumain ay inabutan na kame ng Sala, prayer time ng mga muslim. Pansamantalang iniwan ako ni Kalbo para magdasal sa Allah nila, muslim kasi si kalbo.

Naiwan akong magisa. Buti na lang at may wifi sa foodcourt. Biglang lumapit at umupo sa mesa ko ang binatang arabo. Ang peg normal lang, parang cute lang sya ng konti kasi matangos ang ilong. Nagsasalita ng arabic, eh medyo marunong naman ako ng basic arabic phrase. Gusto daw nya kunin ang # ko (ang hava ng her ko). Pero no...no.....no....no....no. Anong tingin nya sakin? Prosti? Yung ibang lahi kasi ang tingin dito sa mga pinoy eh bading (di nga?) Pilit nyang kinukuha ang # ko pero di ko binigay. Nagdahilan akong di ko pa napaparegister kaya di pedeng matawagan. Sobrang kulit nya as in. Pinapaalis ko na kasi nahihiya na ako baka kasi isipin ng ibang tao eh fokfok ako. Dito kasi pay may kasamang pinoy ang Arabo eh tingin nila fokfok. Okay lang sana kung ganitong arabo baka pwede pa LOL.



Tsaka doble ingat ako kasi nagkalat ang kawatan at pede akong iset-up. Matitimbog pa ako at makukulong kung nagkataon.
Bawal kasi ang bading dito dahil sa relihiyon nila. Maraming aspect bakit bawal. Marami din kasing pinoy na nagbebenta ng laman dito.
Ayaw din nilang kakalat ang sakit tulad ng AIDS/HIV. stc.

Umalis ang binatang arabo sa mesa ko. Pero ilang minuto lang bumalik uli. Di ako sumagot at tumitingin sa kanya para umalis na ng tuluyan. Maya-maya lumapit din ang isa nyang kasama. Gusto lang daw nilang makipagkaibigan.
Gawin pa nila akong tanga eh totoo naman LOL. Alam ko naman habol ng mga to sakin eh ang pURI ko. OKay lang sana kung sila ang titirahin ko sa puwet o sila ang susubo sakin kaso baliktad, kahit sila ang bakla mas gusto nilang ikaw ang titirahin at ikaw ang susubo.
Mabuti na lang at natapos din ang prayer time ng kasama ko. At naglaho na rin na parang bula ang dalawang binatang arabo.
Tinanong ako ni Kalbo kung sino daw yung kausap ko. Nakita pala nya sa malayo pa lang.
Sinabi ko totoo, na gusto nilang kunin ang # ko. Pero di alam ni kalbo na Bi ako ha?
Kasi ang alam nilang lahat lalake ako.

END

(Nakulong si Jordan dahil sa Arabo) abangan nyo yan, iboblog ko pag nakalabas na sya.

Friday, 2 November 2012

Third Eye ni Ate? (Halloween Special ni DessertBoy)

Another true story of mine. Have you read my recent blog

"Duwende at Dambuhalang Posporo"



Nasa elementary pa ako noon sa aming probinsya. Hindi ko alam kung ilang taon ako noon, basta nasa Grade 5 or 6 ako.
Nakatambay kame noon sa aming "Tiyosko" (small nipa hut) o pergola sa aming bakuran kasama ang aking mga kapatid.
Nakatulog ang ate kong si Mary (di tunay na panagalan) sa Tiyosko.
Pumasok ako sa bahay ng biglang na sumigaw ang ate ko at kumaripas ng takbo at tumalon kay tatay sabay yakap ng mahigpit na tila takot na takot at iyak ng iyak.

May nakita daw siyang dambuhalang posporo.
Oo, yun ang banggit nya kay tatay malaking posporo daw.
Hindi lang yung ang nakita nya, nakakita rin daw syang mga duwende.
That time parang kinikilabutan din ako,
Noong panahong iyon ay sobrang taas pala ng lagnat ng ate ko.
At inisip baka dala lamang ito ng taas ng kanyang lagnat
Di ko alam kung maniniwala ako kanya noon.

===============================================================

"Kapreng Kabayo"





Uso samin ang makitulog sa mga pinsan namin noon.
Si ate madalas nakikitulog sa mga pinsan kong babae.
Isang gabi kumaripas ng takbo pabalik ng bahay si Ate Mary na pupunta sana sa bahay ng pinsan ko.
Tinanong sya ni Nanay bakit tumatakbo pauwi.
Sagot ni ate may nakita daw syang higanteng kabayo na nakatayo lamang ng dalawang paa sa may puno malapit sa bahay ng aming pinsan.
Isang kabayo na sinlaki daw ng puno ng "Daddal" Cotton Tree. (Di kaya tikbalang?)
As usual kinilabutan ako. Pero di na pinalabas ni Nanay si Ate.
Kinapa rin nya kung may lagnat na naman ito pero wala.

==================================================================


"Bangkay"





Napansin kong bihira dumaan sa pintuan sa kusina si ate Mary.
Minsan isang gabi inutusan sya ni Tatay na sa labas ng kusina para tignan ang maingay na manok.
Lumabas naman si ate at medyo tumagal bago bumalik.
Maya-maya may kumatok sa sala namin. Pagbukas ni Nanay si Ate Mary lang pala.
Nawerduhan kame, kaya tinanong ni Nanay bakit sya dumaan sa Sala eh lumabas naman sya sa kusina namin.
Nung una di sya umimik, tapos nung si tatay ko na ang nagtanong kung anong nangyari sa mga manok kinilabutan ako sa sagot nya.
May nakita daw syang nakatayong lalake sa pintuan namin sa kusina, Isang matandang lalake na nakasuot ng barong na puti, may bulak sa ilong at may panyo na natali sa kanyang  ulo at baba.
Nagmadali namang kumuha ng flaslight si Tatay at lumabas sa kusina.
Pero wala naman syang nakitang tao.
Kinabukasan nilagnat si Ate Mary.

Hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin ako kay ate.
Minsan nga noon ayoko kasama baka biglang makakita naman ng multo.
Totoo kaya ang mga nakita nyang yon.
O sa isip nya lang at akala nya ay totoong nakikita nya??
O sadyang may 3rd eye lang sya?
Pero naniniwala naman ako kay ate. (naniniwala naman pala eh bat pa ako nagtanong LOL)

Kung si ate may mga nakikitang mga kababalaghan bakit ako wala akong nakikitang multo.
Hindi kababalaghan kundi kabaklaan ang aking nakikita LOL.
Minsan tinatanong ko sa sarili bakit si Ate nakakakita ng multo, Bakit ako hindi, ibang multo ang nakikita,mga ganitong multo:




Haha talagang siningit ang fafa sa halloween LOL.

Thursday, 1 November 2012

Bulsa ng Pantalon (Ang Hudyat ni Kamatayan)

Taong 2003 noon at nasa 3rd year high school pa lang ako.
Naghuhugas ako noon ng pinagkainan pagkatapos mag-almusal.
Habang nagwawalis ng bakuran si Nanay.
Habang nagbabanlaw ng pinggan napansin kong biglang nagmadaling umalis si Nanay papunta sa bahay nila Tiya Nene.
May ugaling pagusisero ako kaya naman minadali ko rin hugasan ang mga pinagkainan.
Tumungo ako sa bahay nila Tiya Nene na kapitbahay lang namin. Doon naabutan kong tuwang-tuwa si Tiya Nene habang nagkukuwento kila Nanay at iba pang tsismosa naming kapitbahay.

Nakatayo lang ako sa gilid nila, wari'y nakikinig kung anong meron. Pumasok sila sa Salas nila Tiya Nene at may itinuro.
Habang nagwawalis daw si Tiya Nene, at ng iaangat ang isang antigong upuan na yari sa kahoy ay nagulat sya sa kanyang nakita.
Isang bulsa ng pantalon na dinikitan ng anim na pirasong thumbtacks sa may likuran ng antigong upuan na naglaalman ng pera.
Wari ni Tiya mukhang matagal na daw iyo dahil ni minsan ay di daw nila tinatanggal ang antigong upuan sa kanyang pwesto.
Bihira kasi silang tumambay doon sa salas, doon sila mas naglalagi ng oras sa isang salas nila, dalawa kasi ang salas nila.

(Trying hard mag-edit LOL)


Kung hindi ako nagkakamali ay umaabot ng 30,000 higit na perang papel ang nakuha ni Tiya Nene. Di hamak kasing mas nakaaangat sila sa buhay kesa samin.
Tinignan ko ang upuang iyon na wala na ang bulsa ng pantalon at tanging bakas na lamang ng bulsa ang nakita ko sa likuran ng antigong upaan na mawari mo'y matagal na nga ito.
Ang alam ni Tiya ay pinagipunan iyon ng kanyang asawa na si Tiyo Sanny, na nung panahong iyon ay nasa kritikal na kondisyon si Tiyo Sanny na nakaratay na lamang sa folding bed o kaya sa rocking chair na gawa sa kawayan.
May sakit sa bato si Tiyo Sanny, yun ang pagkakaalam ko noon.
Si Kuya Jeff at Tiya na lang ang nag-aalaga sa kanya, nagpapakain, nalilinis ng katawan nya, at lahat-lahat na.

Noong panahong iyon na nakita ni Tiya Nene ang pera sa bulsa ng pantalon na nakadikit lamang sa antigong upuan at iyon na rin ang hudyat ng pagkamatay ni Tiyo Sanny. Ayoko man mag-isip pero parang napagtanto ko na ganoon na nga ang nangyari.
Nadoon ako sa sa harapan ni Tiyo Sanny noong masaksihan ko ang huling hininga nya kasama sina Nanay at Tito Rod.
Matapos kasi makuwento ni Tiya Nene ang pagtuklas sa perang naipon ni Tiyo ay dumiretso kame nila Nanay kung saan nakaratay si Tiyo Sanny.

Kinukumuzta pa ni Tito Rod si Tiyo Sanny habang akoy nanlulumo sa kalagayan nito sa sobrang awa.
Bumigkas pa ng ilang salita noon si Tiyo at huminga ng ilang beses na sobrang lalim.
Hindi ko alam yun na pala ang huling hininga ni Tiyo Sanny. Nagsimula ng umiyak si Nanay at Tito Rod samantalang di ko mawari ang aking pakiramdam na naiiyak at natatakot.
Naiiyak ako dahil sa SOBRANG kabaitan ni Tiyo Sanny noong panahong buhay pa sya na kabaligtaran ng ugali ni Tiya Nene na may pagkamadamot. Natakot ako dahil ngayon lang ako nakasaksi ng taong mahal mo sa buhay na pumanaw.

Bigla ako tumakbo sa bintana at nakatingin sa malayo na para akong lumulutang sa panahong iyon at di namalayan na tumulo ang luha ko. Naramdaman ko na lang na hinihimas ni Tito Rod ang likuran ko na lalong nagpaiyak sakin.
Masyado akong naging emosyonal dahil napamahal na rin sakin si Tiyo Sanny sa sobrang bait nya samin.
Hindi ko man lang nakitang tumulo ang luha ni Tiya Nene bagamat naramadaman ko rin ang pagluluksa nya.

Marami ang kumalat na tsismis kaya namatay si Tiyo kasi na napabayaan ni Tiya Nene noong nagkasakit ito at tanging si Kuya Jeff ang nag-aalaga.
Madalas makikita mo noon si Tiya na may hawak na baraha o Majong. Lahat kasi ng mga naak nila ay nasa Maynila na nanirahan at may mga anak na rin. Tanging silang dalawa lang ang naiwan sa probinsya.
Takot na takot akong makakita noon ng patay, at pag nakakakita ako ng mukha ng patay ay hindi ko na magawang kumain dahil nai-imagine ko ang itsura nito sa aking pagkain.
Pero iba pala pag malapit sayo ang pumanaw, matagal kong tinitigan si Tiyo sa kabaong pero pagkatapos noon ay nakakain naman ako.

Matapos ang ilang buwan na mailibing si Tiyo ay lumuwas na rin ng Maynila si Tiya Nena kasama ang kanyang mga anak at apo.
Binilin nila yung bahay samin at at kame ni Kuya Jeff ang inutusan ni Tatay na matulog sa bahay nila Tiya Nene.
Doon na ako nakaramdam ng takot as in sobrang takot.
Noong una ayaw kong matulog doon baka magpakita sakin si Tiyo Sanny.
Kaya si Kuya Jeff mag-isa ang natutulog doon. Hindi ko alam na nagkukuwento na pala si Kuya Jeff kila Ate Joly (kapitbahay namin) na nagpaparamdam si Tiyo sa kanya. Naririnig pa rin daw ni Kuya ang malakas na paghinga ni Tiyo Sanny mula sa Salas, nasanay na sa Kuya jeff na marinig iyon noong panahong buhay pa si Tiyo dahil doon na rin natutulog minsan si Kuya. Noon di ako naniniwala kahit takot na ako.

Hanggang sa Sinamahan ko si Kuya matulog doon sa mismong kuwarto nila Tiyo Sanny.
Nalilibang ako sa panonood ng TV, bago matulog, pero si Kuya Jeff tulog na.
Bagamat takot ay nilakasan ko ang aking loob dahil katabi ko naman si Kuya Jeff at nagdadasal ako bago matulog.
30 minutes mula pagkahiga nang namalayan kong nakakatulog na ako at doon na ako kinilabutan.
Habang tahimik ang paligid ay naririnig ko na nga ang malakas na paghinga ni Tiyo.
Naliligo na ako sa pawis noon at di ako gumagalaw dahil pakiramdam ko ay palapit sya ng palapit sa aming kama.
Para akong bangungutin noon, pano kung biglang tatyo sya sa harapan ko ko habang natutulog.

.

Kinaumagahan ay nilagnat ako. Mainit ang pakiramdam ko at at wala akong panlasa. Di ko na naikwento ang aking naranasan ng gabing iyon dahil baka pagtawanan lang nila ako.
Doon ko napagtanto na totoo pala ang kuwento ni Kuya Jeff kay Ate Joly.
Mula noon ay di ko na nagawang matulog doon.
Hanggang sa isang araw dumating ang kinakatakutan ko.
Lumuwas si Kuya Jeff sa Maynila at doon naghanap ng trabaho kasama ang mga nakatatandang kapatid ko.

Ako ang inatasan ni Tatay na matulog sa bahay nila Tiya Nene at para akong hihimatayin sa aking narinig.
Di ko magawang sabihin kay Tatay na nagpaparamdam si Tiyo sakin, pilit kong pinapakita kay Tatay na di ako takot.
Pero sa kaloob-looban ko ay nanghihina ang tuhod ko sa takot. Pinilit ko si Nanay na isama ko ang aking nakababatang kapatid na lalake na kasamang matulog sa bahay nila Tiya Nene pero ayaw ng kapatid ko dahil takot din sya, nakarating din pala sa kanya ang kuwentong nagpaparamdam si Tiyo

Wala akong nagawa kundi matulog magisa doon. Dating gawi nanood muna ako ng TV bago matulog.
Noong gabing iyon ay narinig ko na naman ang malaks na hininga ni Tiyo habang nakahiga at nakatalukbong ng puting kumot.
Wala akong magawa, kailangan kong labanan ang takot ko. Noong gabing iyon ay nakasurvive ako.

 (maisingit lang noh? LOL, pwede bang mawala ang ganitong fecture sa blog ko.)

Hanggang sa makasanayan ko na rin na marinig at magparamdam si Tiyo Sanny.
Di ko na pinapatay ang ilaw pag natutulog at baka biglang lumevel-up ang pagpaparamdam ni Tiyo.
Minsan binabangungot pa rin ako at minsan naiisip ko na nakadungaw sya sa loob ng bintana habang pinagmamasdan nya akong natutulog.

Naikuwento ko kay Nanay ang presensya ni Tiyo sa bahay nila kahit pumanaw na ito. Pinayuhan naman ako ni Nanay at ipinaliwanag bakit sya nagpaparamdam, naniniwala kasi si Nanay sa mga kababalaghan dahil ilang beses na rin sya nakakita ng multo sa amin.
Tuwing matutulog ako noon sa bahay ni la Tiyo ang nagdadasal ako, pero sinasama ko na sa aking dasal si Tiyo kaya kalaunan ay di na sya nagparamdam sakin at nakakatulog na ako ng mabuti at patay ang ilaw.

{The End}

>-Based on true story ni DessertBoy->