Saturday 6 July 2013

Ang Lalake Sa AL Rashid Mall

Isang araw Sabado gumala ako sa Al Rashid Mall dito sa Saudi.
May work ako pero nagpaalam ako sa ibang bisor kong pinoy na magpapadala ako ng pera
pero kunwari lang, kasi gusto ko lang gumala.
Opo okay lang dito sa work ko ang magpaalam ka lumabas kahit on-duty ka basta may papalit sa trabaho pansamantala
at mag punch out ka. Day-off ng isang amo kong Syrian kaya malamang abutin ako ng 3 hrs sa labas.

Mag-isa lang ako gumala, yung mga kamote boys ayaw sumama, ala daw pera
yung iba gusto sumama bastai libre ko daw sa pagkain. Hmmmpppp ako na lang magisa.
Malapit lang yung Rashid Mall samin mejo may kalayuan pero pede lakarin.
Malay mo may masalubong tayong foging fafa jan sa kalsada diba?

Nasa loob na ako ng Rashid Mall. Gala dito, gala doon.
Bumibili na rin ako ng pakonti konting pasalubong.
Hanggang sa napagod ako. Kumain sa ko sa Herfy (Fast food).
Habang nagaantay ako ng order ko, napansin ko ang isang cute na may pagkapogi na ring umbre
sa kabilang mesa, Unang tingin pa lang alam kong pinoy sya, kung hindi, Nepali to.
Pagkatapos ko makuha ang order, Puwesto ako uli yung puwestong magkaharap kame.

Napatingin rin sya sakin, sabay tango ba? yung parang pag nagkita kayo ng isang kabayan dito
tatango mo lang yung ulo mo ng konti tanda ng pagkakilala bilang kabayan.
Kinunan ko sya ng stolen shot pero di napansin blurred pala HAHA.
Kala ko hanggan doon lang yun.

Pagkatapos ko kumain ay nagtungo ako ng CR.
Paglabas ko ng CR andun sya sa salamin. Muli ay nagkangitian kame.
Dun na ako nagkalakas loob magpakilala, pero di yung pakilala na "Ako si Desertboy"
Sinimulan sa kumustahan at kung san nagtatrabaho.

Lumabas kame ng CR, wariy pakiramdaman na kung magsasabay ba kame maglakad gumala,
Hanggang sa kinakausap pa rin nya ako papalabas.
Umupo kame sa upuan doon sa loob ng Mall. Kwento dito, kwento doon at kung ano anong kwento.

Sya si Alexis, di totoong pangalan.
26, may katangkaran ng konti, moreno, at kyot na may pagkapogi.
May asawa na at isang anak na babae.
Isa syang salesman ng mamahaling pabango at botique dito sa Saudi.
Halos tatlong taon na sya dito nagtatrabaho.


(Photo owned by JR Sala Photography and Alexis Fabregas)
Wag atat di po yan si Alexis na  nasa kwento ko ha, Isa masarap na pagkain ang litratong yan para habang binabasa
nyo ang blog ko eh mabubusog kayo.

Habang nakikipagkwentuhan kame sa isat isa ay pinapakiramdaman ko mabuti kung Bi din sya.
Mula kilos at pananalita. Pero mukhang di ko sya nahahalata.
Lalakeng lalake ang boses at nrmal lang ang galaw bilang lalake.
Nung time na yun ay day-off daw nya. 

Noong maramdaman ko na naubusan na kame ng kwento ay nagiisip ako
pano sya contakin muli, Nahihiya naman akong hingan ang number nya
baka bigla syang magtaka sakin at magduda na di naman gawain ng isang lalake ang
hingan ang number ng kapwa lalake kung di sila close friend o my activity na importante (activity???).
Isang paraan ang pinaandar ko, Sa loob ng Rashid mall kasi maraming bukas na wifi,
So mega bunot ako ng smartphone ko at connect sa wifi agad, binuksan ko ang
fb ko na personal, syempre wag buksan yung pang-Bi na fb ko LOL eh di magulat sya
puro hotieness na umbre ang makikita nya sa wall ko.

Dun kasi sa personal na fb ko kahit buksan ko makikita ng mga close friend ko
eh puro chix ang nasa timeline ko, hodeva makabalat sibuyas lang LOL!
SInimula ko sinearch si Alexis sa fb, jackpot kita ko agad fb nya whit his family.
"Kaw ba to pre?" sabi ko.
"Ah oo,"
"Add kita ha?" palunok kong sambit sa knya (uy kanya kanyang paraan.)
"Buti naka FB ka sa cp mo?" aniya.
"Wifi lang, maraming bukas eh?"
Maya kinuha nya cp nya, homagassssss!!!!! talbog ang Xperia S ko sa Iphone 5 nya.
Nahiya naman ang cp ko kaya mega tago ng konti haha.
Nagbukas rin pala sya ng wifi at fb nya. Ayun accept nya agad ako.
Yessssss!!!!!! Start ko browse mga pics nya. Holyshittttt my mga pics syang topless
at kumakabog ang dibdib, may bukol ng konti.
"Nag-gigym kaba?" sabi ko sa knya.
"Dati sa Pinas, kaso di na masyado dito" aniya,


DI nagtagal ay nagpaalam na kame sa isat-isa. Matapos yun, para akong binatang nanliligaw
ayieeeeee.....arte lang. Nanaginip na naman ako nag gising habang nasa work ako.
Di mawala si Alexis sa isip ko hehehe ang lande!!!
Araw-araw akong nagbubukas ng fb, si Alexis mukhang bihira yatang nakaonline,
Makalipas siguro ng apat na araw ay nakita ko syang nakaonline.
Pinalagpas ko muna ng 15 minutes bago sya batiin. Kasi baka naman mamaya eh isipin nya
sya lang inaantay ko magonline LOL, eh totoo naman HAHAHA.

FB chatbox:
DB: Msta pre?
Walang reply agad.
After 10 mins sya nagreply.
Alexis: Ok lang, hehe cno pala to?
DB: Haha si Desertboy to yung sa Rashid Mall dati.
Alexis: Ah oo nga pala. mzta pre.
DB: Eto pogi pa rin (favorite line ko).
Alexis: Hehe lakas tama ha?
(Hayss kung alam mo lang may tama ako sayo Alexis hehe)
DB: Ahaha.
(After ng AHAHA kong reply ala na sya reply LOL)

Nahihiya na ako muling magmessage kay Alexis mula noon.
Kaya di ko na sya pinansin kahit pa nakikita kong online sya.
Makalipas ang tatlong linggo, hindi ko akalain na makikita kong nagmessage sya sa fb ko.
Tuwang tuwa si junior ko este ako. Agsayted akong buksan ang message ni fafa Alexis.
Iniimbitahan nya ako sa night swimming kasama ang ilang katrabaho nya.
Syempre pakipot kunwari akez....kunwari titignan ko ang time ko kung mababakante ako that time.
Pero sa totoo lang ANYTIME ako pede HAHAHA.

Homaygassssssss sa sa wakas masusuot ko na rin ang TWO PIECE lol.
Dumating ang araw ng swimming. Isang private na Swimming pool ang inarkila for 4 hours.
Nagdala na rin ako ng salbabida baka malunod ako sa lalake este sa pool.
Di kasi ako marunong lumangoy mga igoy. Muntik na kasi ako malunod dati sa Irrigation samin sa probinsya
kaya medyo takot ako sa malalim at di na natutong lumangoy.

Sa kasamaang palad lobat ang cp ko kaya wala akong pic, tanga tanga ko kasi laro ako ng laro ng Candy Crash
sa sasakyan kaya nalobat. Di ko tuloy makakuha ng stolen shot ng mga fafa sa pool.
Medyo OP ako sa swimming kasi di ko naman sila kakilala masyado si Alexis lang na isang araw ko pa lang
nameet noon. 7 kame lahat, yung ibang friends lang din nila Alexis, yung iba kawork nya sa boutique.
Buti na lang toda rescue si Alexis sakin makipag usap kasi nakikitang nya OP ako. Pero bandang huli
nakakabonding ko na rin yung iba, kasi jolly naman ako. Sa pool may isa pa akong nasisipat na pogi.
Sya daw si Amir, pogi sya pero medyo malaki ang tiyan hehe. Pero mas pogi pa rin si Alexis
may korte ng konti ang kataan. At take note naka white short sya at bakat ang undies na black.
Pwede na rin, Si Amir na pogi din naka boxer short lang at yung ibang naka trunks (hongkapal ng mukha LOL).
Ako ang naiiba, naka TWO PIECE ako, kaya pala nilalayuan nila ako HAHA.



Naisip ko magpalunod para imouth to mouth ni Alexis. Kaso baka hayaan lang nilang malunod ako
at isiping nagpapraktis ako lumangoy LOL.
Natapos ang night swimming, okay na rin ako bukod sa busog sa dami ng pagkain,
Busog na rin ang mata ko kakaboso sa mga bulging shorts nila lel.
At kahit papano ay nagkaroon kame ng konting paguusap muli ni Alexis (hong arte).
Bago kame naguwian, ay inanyayahan muli ako ni Alexis sa birthday nya.
Di nya sinabi kung kelan basta imemessage daw nya ako pag dumating na ang araw na yon,
baka daw iaadvance ko batiin sya sa fb, basta nung buwan din yun ng March 2013.

Bigla na naman sumigla ang sex life, meganon.
Agsayted ako uli dumating ang panahong iyon. Para akong nagbibilang ng araw haha.
Di inaasahang araw ay nagmessage sakin uli si Alexis. Akala ko ay yun na yong time ng bday nya.
Nagaanyaya pa la sya lumabas sa day off nya. HOMAYGASSSSSSSSSSSS dinedate nya akezzz???
Kaso may pasok ako nun, sabi ko sa kanya pede rin kaso 6pm pa ang labas ko.
Umokey naman sya kesa wala naman daw sya gagawin sa bahay kundi manood ng movie sa laptop nya.

Sa panahong iyon, umiikot parin sa isip ko ang sekswalidad ni Alexis, bagamat di ko sya naamoy.
Mukhang straight naman sya at naghahanap lamang ito ng mga katropa dito sa Saudi.
Pero iniimagine kong isa lamang syang BI at namumuo na ang aming bromance hahahaha
Hodeva, sobrang advance lang akez mag-isip.

Friday 6pm sinundo nya ako ng bike. Bike??? Hehe loko lang kotse syempre, meron silang company car
na pinahiram ng kompanya nila, kasi minsan di sila stationary, palipat lipat ng ibang branch minsan.
Namasyal kame kung saan saang mall at pasyal, at ang huling stop sa tabi ng dagat.
Namili kame ng pagkain at doon namin kinain sa tabi ng dagat, mahirap kasi kainin kung sa gitna ng dagat namin
kainin di ba?

Nagpasya ng kameng umuwi dahil 10 pm na at magluluto pa ako para baon ko kinabukasan.
Hinatid nya ako sa bahay, pinilit ko syang dumaan sa bahay.
Oopppssss wag green minded ha? Gusto ko lang ipakita ang bahay namin.
At para ipakilala ko na rin sa peyrents ko haha, peyrents tlaga. wala akong peyrents dito noh?
Pero di na sya bumaba, saka na daw nakakhiya daw sa mga kasama ko sa bahay.


......TO BE CONTINUED. TATAE LANG AKO LOL.

5 comments:

  1. ang sakit sa puso ng kwento...nakakabitin...hot ng mga pics... yum yum yum

    ReplyDelete
  2. hahahhaha, nakakakilig naman may ganong peg "DATE talaga, sana ako din merong ganyan, sinusundo, taray mo teh!..

    excited sa next kwento mo, ano palay FB mo?

    ang iyong tagahanga dito sa qatar

    thecure

    ReplyDelete
  3. na ebs ka pa rin, tol? wala pang karungtong eh lolz.

    edwin

    ReplyDelete
  4. mga parekoy pagpasensyahan nyo na ginawa ko pa lang yung karugtong masyadong kasing bc ngayong Ramadan ng mga arabo.

    ReplyDelete