Sunday, 15 December 2013

Martilyo Gang

Maaga akong nagising mga 11am.............11am maaga?????????????
Eh ano ngayon maaga na sakin yun?
Abala ang lahat sa bahay, naghahanda na mukhang may lakad yata.
Tinanong ako ng sisteret ko kung sasama ako,
Sis: Sasama ka?
Me: Saan? Sa Heaven?
Sis: (tumawa) Punta kame ng mall.
Me: Mall lang pala eh, kayo na.
Galing kasi abroad si sisteret kaya ititreat nya mga pamangkin ko kasama na mga ibang sisteret ko pati si mudra. Ayoko kung sumama kasi kung magshoshopping sila wag na, marami na akong damit galing Saudi.

Nanonood lang ako ng ASAP, ilang saglit pa umalis na sila papuntang mall. Pagkalipas ng ilang oras parang nababagot ako sa bahay, parang gusto ko ring gumala, kaya nagdesisyon akong sumunod na lang sa mga ate ko sa mall. Naligo na ako at nagbihis, umabot lang naman ng isang oras, mpili kasi ako sa susuotin ko kahit pupunta lang ako ng palengke kelangan okay ang sa damit ko.

So mega hintay ako ng fx, agad naman akong nakasakay sa may likuran. Sa loob my isang mama akong naaninag na pasahero mula sa labas bago ako sumakay. Bale dalawa lang kame, nung una di ako tumitingain sa mama kasi naka hood sya. Afterwhile parang may magnet na lumingon sa kanya at boommmmmm supercute pala nya, nakaheadset syang puti tapos nakahood then nakajogging pants lang.



(Hindi sya yan ha? Getching ko lang yan sa fb)
Pasimple akong sumusulyap sa kanya, yung parang biglang tingin lang tapos iwas tingin na. Parang napapansin nya siguro kaya napatingin din sakin ng bahagya. Parang ang awkward kasi na mejo magkaharap kayo sa likuran ng fx. Pero bumaba na din sya sa Trinoma.
Tinawagan ko ang sisteret ko kung asan na sila banda,



Me: Hello asan kayo banda?
Sis: Bakit?
Me: Papunta ako jan.
Sis: Oh akala ko ba ayaw mong sumama?
Me: Sabihin mo na kung asan na kayo kasi wala na akong load?!!
Sis: Nasa SM North Jolibee nakapila.
Me: Okay punta ako jan, wait nyo ako.

Agad naman akong nakarating ng Jolibee at nagulat ako ng may bumati sakin "Welcome To Jollibee Sir",
Pagtingin ko dalawang masarap na chicken joy:


Charotttttttt,,,,nananaginip na naman ako.
Eksakto nagsisimula pa lang silang kumain, kaya nakikain na rin ako, walang kamatayang spageti at fried chicken. Wala ban bulalo tong fastfood na to? Di na ako nagreklamo kasi di naman ako taya.
After kumain nila sisterets ko pati si mudra at mga pamangkin ay agad na kameng tumayo, pano ba naman kasi laimang tao yata ang nakabantay sa mesa namin, sobrang dami ng tao kanina, Sunday ba naman kasi eh, kaya unahan sa mga pwesto sa jollibee.

Nakapagshopping na sila ng konti ang mga sisterets ko, kaya ako bumitbit, kaya ayaw kong sumama eh.
Di namin alam kung anong next gagawin, pero ang mga pamangkin ko gusto daw maglaro kaya dinala namin sila sa mga palaruan sa 3rd floor ng SM North. Pagod na akong kakabantay ng mga bata. Sa paglibot libot ko marami rin palang mga pogi binata sa loob ng palaruan (World of Fun) na yun.
Sa sobrang pagod ko, tsaka sa dami ng tao, umupo ako sa gilid ng hallway sa gilid mismo departmennt store na. Ilang saglit nagsunuran din umupo sila mudra at mga sisterets ko pati mga bata.
Busy taking pictures, pero ako nagbobrowase lang ako sa smart phone ko.

Ilang saglit lang nagulat na lang kame at may nagsisigawan sa baba at lalo kameng nagulat ng makita namin yung crowd ng tao biglang nagsisipagtakbuhan paakyan ng escalator at nadadapa na ang mga tao, para bang nagkakastampede na. Adrenaline rush na, di na namin alam ang gagawin, di namin alam kung anong nangyayari pero hinila na ng mga sisterets ko ang mga pamangkin ko papasok ng department store dahil doon naman nagsispasukan lahat ng mga tumatakbong tao. Si mudra naiwan pa imbes na tumakbo na rin sa loob ng dept store eh nakisabay din sakin umusosyo.



This video is not mine, credit to owner and Bandila official facebook page.
Also watch here in Yahoo news.

http://anc.yahoo.com/video/shooting-incident-reported-sm-north-120313573.html

I took also video but for some reason wag ko na lang ipost dito kasi naipost ko na sa fb ko.
Lahat ng tao sigawan at takbuhan, yung ibang shop binaba agad ang roll up.
I got chance to asked 1 shopper kung anong meron, ang sabi nya may nagbabarilan daw sa baba at nagaaway which is lalo akong kinabahan, di ko na rin makita mga kapatid ko pati mga bata as kumusyon ng mga tao, pumasok ako sa dept store pero sa laki di ko sila makita.
Sa paghahanap ko nagtanong uli ako sa isang tao na tumatakbo, ang sabi naman nya nasuusnog daw ang Jollibee, lalo naman akong nataranta kasi di mo tlaaga alam kung ano ba talaga ang nangyayari.
Finally my sister called me up at nasa dulo sila ng dept store, papaunta na sana ako ng biglang nagsisigawan na naman at nagtatakbuhan ang mga tao palabas ng dept store, sobrang kinbahan ako kasi andun yung mga sisterets ko pati mga bata at si mudra, yung mga shoppers lumabas na ng dept store dala dala yung bibilhin pa lang sana nilang mga damit kahit di na bayad nailabas na nila ng dept store (tiba-tiba diba haha).
Finally nakita ko na sila sisterets ko at mejo humupa na ang gulo.
Mejo ok na, yung crowd, pero nagmadali na rin kame lumabas kasi yung tao nagsisilabasan na rin. Paglabas namin ang daming tao sa labas ng mall, wala kaming mahagilap na taxi, yung mga tao sa EDSA na mismo nagaabang nga sasakyan. Pero before kame lumabas ng mall yung mga guard ng mall nagpapapasok pa rin ng mga tao kahit alam ng nagkagulo sa loob.

Nakapila na kame sa sakayang ng jip and luckily konti lang ang pumlia sa dami ba naman ng tao. Ilang agwat na lang sa jip para makasakay ng biglang nagsisigawa uli ang mga tao banda sa entrance ng Mcdo, takbuhan uli ang mga tao na parang magkakastampede. Sobrang kabado uli kame, sobrang nerbiyos ba, agad na kaming sumakay ng jip kahit di pa nakapila ang jip. Sabi ng sister ko sa driver "Mama paandarin mo na, umalis na tayo dito bayaran ko na lang yung kulang na pasahero. Kasi di pa luno eh mga 10 pang pasahero bago mapuno. Yung mamang driver nagulat din kasi di rin nya alam kung anong nangyayari.
Maya-maya napuno din ang jip at umandar, dun lang kami nakahinga ng maluwag nnung nasa bandang Trinoma na kami.

Paguwi namin, sabi ni erpat bakit ang aga daw namin, sagot naman ni sisteret "ayaw pa namin mamatay, may nagbabarilan dun sa SM".
Maya-maya ay nagbreaking news sa TV at yun nga ibinalita agad kung anong nagyari.
Umatake pala uli ang kampon ni Thor (Martilyo Gang)




(Photo by Jacque Manabat) From ABS-CBN News

Akala ko naman may nagbabarilan na dun......Bigla ko naalala yung nangyari sa SM Megamall kung saan yung mga pinsan ko naman ang nakaranas noon. Ngayon alam ko na ang pakiramdam.
Yung feeling na akala mo "End of th World" na sa takot at kaba.


Monday, 2 December 2013

Doon Sa Probinsya 2

Sa mga di nakabasa ng unang post eto po.

Huwebes noon nang magpunta sila insan Mon at Jhay sa bahay. Pinilit ko si Mon na dun muna sila kahit hanggang Sunday total wala naman silang pinagkakaabalhan, kay Mon okay lang kasi pero itatanong nya muna si Jhay kung papayag sya at sa sumaang-ayon naman si Jhay. Marunong naman daw magluto ang kapatid ni Jhay sa bahay nila kahit naiwan ito tsaka makikitulog naman daw yun sa mga pinsan nya pag alam nyang hindi uuwi si Jhay sa bahay nila.

Agad kong iniisip sa apat na araw na pamamalagi nila Jhay sa bahay kung ano mangyayari. Just usual routine parang normal na araw lang siguro. Nang gabing iyon ay naginuman kami ng mga pinsan ko kasama si Jhay pati ibang tropa na rin. Hindi kami nagpakalasing, tamang inom lang yung parang hilo epek lang. Agad ko namang inisip kung saan matutulog si insan Mon at Jhay, inisip ko dun na lang sila sa kama ko at sa sofa ako pero syempre gusto ko katabi si Jhay matulog pero di ko alam pano mangyayari yun. Inantay ko na lang kung ano sasabihin nila o saan sila matutulog, mahirap naman kung pangunahan ko at sabihin kong "Tabi tayo pre matulog" ang awkward naman diba.

Pero ako na nagsabi sa pinsan kong si Mon na sa kwarto sila matulog at tinanong naman nya ako kung saan ako matulog, sabi ko dito na lang sa salas. Inisip ko rin na matulog na lang kila insan Jayson pero ayoko dun masungit si Tita. Bago pa sila natulog ay napansin kong di pa sila nagpapalit ng damit, mukhang di pala sila nagdala ng damit. Sinabihan ko si insan Mon na magpalit muna sila ng pambahay at kumuha lang sila ng mga damit ko muna sa cabinet. Si Jhay mukhang naiilang at nahihiya. Maymaya ay lumabas sya at pumunta sa kanyang motor, may dala pa la syang isang parehas ng damit pambahay. Sinabihan daw pala sya ni insan Mon na baka abutin sila ng dalawang araw samin kaya magdala lang ng kahit brief nga lang daw. Walang problema kay insan Mon, may mga damit pala sya kila insan Jayson.

Agad syang nagtungo kila Jayson pero agad ding bumalik ng bahay, sarado na daw sila kaya damit ko muna ginamit nya. " Kung wlaa kayong brief hiram lang kayo sakin" pabiro ko pa kila Jhay. Naghubad ng pantalon si Jhay at kunwari patay malisya ako. Shiiiiiit na malagkit hong sarap naman ng hita ni Jhay, mabalbon na maputi. Naka boxer shot lang sya at tinanggal na ang damit pangitaas at agad sinampar sa hanger ang kanyang tshirt.


Imbes na sa salas ako matulog ay minabuti kong matulog na lang sa kwarto na rin pero sa sahig dahil meron naman akong comforter at parang banig.

Maaga akong nagising pagbangon ko wala na sa higaan si Jhay at si insan Mon lang ang nandoon. Agad kong tinungo ang kusina baka nagkakape na sya pero wala sya doon. Tinananong ko si Tatay kung asan si Jhay, sabi nya anjan lang daw sa labas naglalakad, maaga rin pala syang nagising. Pinaandr ko ang motor ko, bibili akong pandesal, may kalayuan kasi ang bakery samin. Habang binabaybay ko ang daan nakita ko si Jhay sa isang kanto at mukhang pauwi na.
DB: Pre san ka galing?
Jhay: Jan lang naglakad-lakad at jogging ng konti.
DB: ang aga mo naman yatang nagising?
Jhay: Ganun talaga ako, ako kasi nagluluto sa alamusal ng utol ko kaya maaga ako nagigising.
DB: Ahhh ganun ba?? Samahan mo na lang ako bumili ng tinapay?
Agad namang umangkas sakin si Jhay para bumili ng tinapay.

Pagdating sa bahay ay nagkwentuhan kame muli ni Jhay, wala lang kung ano-anong kwento haabng nagkakape. Si insan Mon tulog pa rin nung time na yun.
Single si Jhay pero may naanakan sya kaso di na nya nakikita ang anak nya dahil tinago daw ito sa Maynila. Nakailang gf na rin si Jhay, di mo nmn maikakaila kasi gwapo si Jhay. Inisip ko sana ako na lang syota nya haha.

Buong araw ay kasama ko si Jhay pati sila insan. Kung saan saan kame gumagala samin, kung kani-kanino kame nagpupunta. Namamasyal, naliligo sa spring water sa may bukid, naliligo sa ilog at nagpiknik.
Nagpiknik kame dun sa isang bundok na madalas namin pinupuntahan na piknikan. Nagdala kame ng tarapal, naginuman at doon natulog buong araw. Hapon na kame umuwi, parang ang saya saya ko naman., basta masaya lang ako nung time na yun kasi kabonding ko mga pinsan at tropa ko samin.

Kinagabihan, umuwi ako galing sa isnag tropa ko, nadatnan ko si Jhay sa salas nanonood ng tv kasama sina erpat at ermat. Tinanong ko kung kumain na sila at akon na lang pala ang di pa kumakain. Wala sa bahay si insan Mon, nasa kila insan Jayson daw. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagtungo na si Jhay sa kwarto at humiga na sa kama. Nagtungo naman ako kila insan Jayson para silipin si insan Mon, nadatnan ko silang nagkukuwentuhan sa sala. Tinanong ko si insan Mon kung saan matutulog at pabiro kong sinabihan na jan na lang matulog kila insan Jayson at agad naman akong sinangayunan ni insan Jayson. Wala naman kasama si insan Jayson sa kama nya kaya doon na lang matutulog si Mon. Umuwi na ako na parang kinikilig dahil sa wakas ay makakatabi ko si Jhay matulog sa kama. Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong tinanong ni Jhay kung saan si Mon, sabi ko doon muna matutulog kabila kila Jayson. Hindi ko naman inasahan na sabihan ako ni Jhay na tabi na lang daw kami sa kama dahil ayaw takot sya magisa sa kwarto.


Noong papahiga na ako ay niloko ko si Jhay,
DB: Mukhang di ka nagpalit ng brief no?
Jhay: Hindi ah nilabhan ko kaya kaninang umaga bago tayo nagpiknik tsaka natuyo kanina.
DB: Hehe niloloko lang kita. May mga boxer short ako jan kung gusto mong humiram kahit di mo na ibalik.
Jhay: Hindi na okay na ako dito.
DB: Kung di mo naitatanong mas marami akong brief at boxer short kesa sa damit ko haha.
Jhay: Ganun?
(Agad naman akong bumangon at pinakita ko ang lagayan ko ng brief at boxer short kay Jhay)
(Nagyabang? haha)
Jhay: Sige bukas hiram na lang ako ng boxer shorts mo, wag lang brief haha!!
DB: Sige kuha ka lang jan.
Confident akong ipahiram kasi mga branded naman mga tatak ng mg boxer short ko.

Nang gabing iyon parang agsayted akong makatabi si Jhay. Di ko alam kung malikot ba ako o magkukunwaring tulog at pasimpleng yayakap kay Jhay. Pero lahat ng yon ay di ko ginawa dahil di naman talaga ako ganun. Isang oras akong di pa nakakatulog, nagpabali-baligtad akong sa kama.
Jhay: Di ka makatulog?
(nagulat ako dahil kala ko tulog na si Jhay)
DB: Ahhh oo pre, kaw bat gigsng kapa?
Jhay: Eh ang likot mo eh?
DB: Ganun ba? Sige jan ka muna labas lang muna ako.?

Lumabas ako at nagpahangin sa labas sabay hithit na rin ng yosi. Eto na naman kasi ako pag may katabi akong lalaking iba sakin ay tumataas ang rate ng sex blood ko hahaha...Hanu daw?????????
Ganun ako pag may katabi akong barako di ako nakakatulog agad, at iniisip ko kung may mangyayari samin. Pagbalik ko sa kama ay tulog na sa Jhay. Natulog na rin ako. Buong gabi di ako dumantay kay Jhay ganun din si Jhay, pero  isang position ang nagpainit sakin ng kinaumagahan. Habang nakatagilid ako ay dumikit sakin si Jhay na nakatagilid din sa likuran ko. Nararamdaman ko ang hininga nya sa batok ko, bagamat di sya dumantay sakin ay mas nagulantang ang mundo ko nung pinatong nya ang siko nya sa braso ko.

Nagexpect ako nag magbabago position namin matulog pero wala nang nangyari. Akala ko yayakap sya sakin o icross-over nya ang kanyang paa sa hita ko pero day dream lang pala yun.

>---> Itutuloy