Thursday, 1 November 2012

Bulsa ng Pantalon (Ang Hudyat ni Kamatayan)

Taong 2003 noon at nasa 3rd year high school pa lang ako.
Naghuhugas ako noon ng pinagkainan pagkatapos mag-almusal.
Habang nagwawalis ng bakuran si Nanay.
Habang nagbabanlaw ng pinggan napansin kong biglang nagmadaling umalis si Nanay papunta sa bahay nila Tiya Nene.
May ugaling pagusisero ako kaya naman minadali ko rin hugasan ang mga pinagkainan.
Tumungo ako sa bahay nila Tiya Nene na kapitbahay lang namin. Doon naabutan kong tuwang-tuwa si Tiya Nene habang nagkukuwento kila Nanay at iba pang tsismosa naming kapitbahay.

Nakatayo lang ako sa gilid nila, wari'y nakikinig kung anong meron. Pumasok sila sa Salas nila Tiya Nene at may itinuro.
Habang nagwawalis daw si Tiya Nene, at ng iaangat ang isang antigong upuan na yari sa kahoy ay nagulat sya sa kanyang nakita.
Isang bulsa ng pantalon na dinikitan ng anim na pirasong thumbtacks sa may likuran ng antigong upuan na naglaalman ng pera.
Wari ni Tiya mukhang matagal na daw iyo dahil ni minsan ay di daw nila tinatanggal ang antigong upuan sa kanyang pwesto.
Bihira kasi silang tumambay doon sa salas, doon sila mas naglalagi ng oras sa isang salas nila, dalawa kasi ang salas nila.

(Trying hard mag-edit LOL)


Kung hindi ako nagkakamali ay umaabot ng 30,000 higit na perang papel ang nakuha ni Tiya Nene. Di hamak kasing mas nakaaangat sila sa buhay kesa samin.
Tinignan ko ang upuang iyon na wala na ang bulsa ng pantalon at tanging bakas na lamang ng bulsa ang nakita ko sa likuran ng antigong upaan na mawari mo'y matagal na nga ito.
Ang alam ni Tiya ay pinagipunan iyon ng kanyang asawa na si Tiyo Sanny, na nung panahong iyon ay nasa kritikal na kondisyon si Tiyo Sanny na nakaratay na lamang sa folding bed o kaya sa rocking chair na gawa sa kawayan.
May sakit sa bato si Tiyo Sanny, yun ang pagkakaalam ko noon.
Si Kuya Jeff at Tiya na lang ang nag-aalaga sa kanya, nagpapakain, nalilinis ng katawan nya, at lahat-lahat na.

Noong panahong iyon na nakita ni Tiya Nene ang pera sa bulsa ng pantalon na nakadikit lamang sa antigong upuan at iyon na rin ang hudyat ng pagkamatay ni Tiyo Sanny. Ayoko man mag-isip pero parang napagtanto ko na ganoon na nga ang nangyari.
Nadoon ako sa sa harapan ni Tiyo Sanny noong masaksihan ko ang huling hininga nya kasama sina Nanay at Tito Rod.
Matapos kasi makuwento ni Tiya Nene ang pagtuklas sa perang naipon ni Tiyo ay dumiretso kame nila Nanay kung saan nakaratay si Tiyo Sanny.

Kinukumuzta pa ni Tito Rod si Tiyo Sanny habang akoy nanlulumo sa kalagayan nito sa sobrang awa.
Bumigkas pa ng ilang salita noon si Tiyo at huminga ng ilang beses na sobrang lalim.
Hindi ko alam yun na pala ang huling hininga ni Tiyo Sanny. Nagsimula ng umiyak si Nanay at Tito Rod samantalang di ko mawari ang aking pakiramdam na naiiyak at natatakot.
Naiiyak ako dahil sa SOBRANG kabaitan ni Tiyo Sanny noong panahong buhay pa sya na kabaligtaran ng ugali ni Tiya Nene na may pagkamadamot. Natakot ako dahil ngayon lang ako nakasaksi ng taong mahal mo sa buhay na pumanaw.

Bigla ako tumakbo sa bintana at nakatingin sa malayo na para akong lumulutang sa panahong iyon at di namalayan na tumulo ang luha ko. Naramdaman ko na lang na hinihimas ni Tito Rod ang likuran ko na lalong nagpaiyak sakin.
Masyado akong naging emosyonal dahil napamahal na rin sakin si Tiyo Sanny sa sobrang bait nya samin.
Hindi ko man lang nakitang tumulo ang luha ni Tiya Nene bagamat naramadaman ko rin ang pagluluksa nya.

Marami ang kumalat na tsismis kaya namatay si Tiyo kasi na napabayaan ni Tiya Nene noong nagkasakit ito at tanging si Kuya Jeff ang nag-aalaga.
Madalas makikita mo noon si Tiya na may hawak na baraha o Majong. Lahat kasi ng mga naak nila ay nasa Maynila na nanirahan at may mga anak na rin. Tanging silang dalawa lang ang naiwan sa probinsya.
Takot na takot akong makakita noon ng patay, at pag nakakakita ako ng mukha ng patay ay hindi ko na magawang kumain dahil nai-imagine ko ang itsura nito sa aking pagkain.
Pero iba pala pag malapit sayo ang pumanaw, matagal kong tinitigan si Tiyo sa kabaong pero pagkatapos noon ay nakakain naman ako.

Matapos ang ilang buwan na mailibing si Tiyo ay lumuwas na rin ng Maynila si Tiya Nena kasama ang kanyang mga anak at apo.
Binilin nila yung bahay samin at at kame ni Kuya Jeff ang inutusan ni Tatay na matulog sa bahay nila Tiya Nene.
Doon na ako nakaramdam ng takot as in sobrang takot.
Noong una ayaw kong matulog doon baka magpakita sakin si Tiyo Sanny.
Kaya si Kuya Jeff mag-isa ang natutulog doon. Hindi ko alam na nagkukuwento na pala si Kuya Jeff kila Ate Joly (kapitbahay namin) na nagpaparamdam si Tiyo sa kanya. Naririnig pa rin daw ni Kuya ang malakas na paghinga ni Tiyo Sanny mula sa Salas, nasanay na sa Kuya jeff na marinig iyon noong panahong buhay pa si Tiyo dahil doon na rin natutulog minsan si Kuya. Noon di ako naniniwala kahit takot na ako.

Hanggang sa Sinamahan ko si Kuya matulog doon sa mismong kuwarto nila Tiyo Sanny.
Nalilibang ako sa panonood ng TV, bago matulog, pero si Kuya Jeff tulog na.
Bagamat takot ay nilakasan ko ang aking loob dahil katabi ko naman si Kuya Jeff at nagdadasal ako bago matulog.
30 minutes mula pagkahiga nang namalayan kong nakakatulog na ako at doon na ako kinilabutan.
Habang tahimik ang paligid ay naririnig ko na nga ang malakas na paghinga ni Tiyo.
Naliligo na ako sa pawis noon at di ako gumagalaw dahil pakiramdam ko ay palapit sya ng palapit sa aming kama.
Para akong bangungutin noon, pano kung biglang tatyo sya sa harapan ko ko habang natutulog.

.

Kinaumagahan ay nilagnat ako. Mainit ang pakiramdam ko at at wala akong panlasa. Di ko na naikwento ang aking naranasan ng gabing iyon dahil baka pagtawanan lang nila ako.
Doon ko napagtanto na totoo pala ang kuwento ni Kuya Jeff kay Ate Joly.
Mula noon ay di ko na nagawang matulog doon.
Hanggang sa isang araw dumating ang kinakatakutan ko.
Lumuwas si Kuya Jeff sa Maynila at doon naghanap ng trabaho kasama ang mga nakatatandang kapatid ko.

Ako ang inatasan ni Tatay na matulog sa bahay nila Tiya Nene at para akong hihimatayin sa aking narinig.
Di ko magawang sabihin kay Tatay na nagpaparamdam si Tiyo sakin, pilit kong pinapakita kay Tatay na di ako takot.
Pero sa kaloob-looban ko ay nanghihina ang tuhod ko sa takot. Pinilit ko si Nanay na isama ko ang aking nakababatang kapatid na lalake na kasamang matulog sa bahay nila Tiya Nene pero ayaw ng kapatid ko dahil takot din sya, nakarating din pala sa kanya ang kuwentong nagpaparamdam si Tiyo

Wala akong nagawa kundi matulog magisa doon. Dating gawi nanood muna ako ng TV bago matulog.
Noong gabing iyon ay narinig ko na naman ang malaks na hininga ni Tiyo habang nakahiga at nakatalukbong ng puting kumot.
Wala akong magawa, kailangan kong labanan ang takot ko. Noong gabing iyon ay nakasurvive ako.

 (maisingit lang noh? LOL, pwede bang mawala ang ganitong fecture sa blog ko.)

Hanggang sa makasanayan ko na rin na marinig at magparamdam si Tiyo Sanny.
Di ko na pinapatay ang ilaw pag natutulog at baka biglang lumevel-up ang pagpaparamdam ni Tiyo.
Minsan binabangungot pa rin ako at minsan naiisip ko na nakadungaw sya sa loob ng bintana habang pinagmamasdan nya akong natutulog.

Naikuwento ko kay Nanay ang presensya ni Tiyo sa bahay nila kahit pumanaw na ito. Pinayuhan naman ako ni Nanay at ipinaliwanag bakit sya nagpaparamdam, naniniwala kasi si Nanay sa mga kababalaghan dahil ilang beses na rin sya nakakita ng multo sa amin.
Tuwing matutulog ako noon sa bahay ni la Tiyo ang nagdadasal ako, pero sinasama ko na sa aking dasal si Tiyo kaya kalaunan ay di na sya nagparamdam sakin at nakakatulog na ako ng mabuti at patay ang ilaw.

{The End}

>-Based on true story ni DessertBoy->

13 comments:

  1. 10 0ut of 10! GWAPO NA ANG GALING PA NG AUTHOR!
    post natin sa BOL kung pede lang naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gwapo? sabi ni Nanay LOL. Di ako magaling magsulat :)
      Hmmm post BOL? peded rin kasi walang namang nakakalibog jan hehe,

      Delete
    2. salamat ha! muaahhh! :-)

      Delete
  2. hahaha! email me gwapong parekoy! hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. dito pala dapat ako nag kiss...

      muahhh!!! paakap pa!!! hmmmm... <3

      Delete
  3. ^ ang landi lang .... O_o


    buti na lang di ako nakakita ng multo ....
    hahaha pero magaling vision ko pag gabi ...
    ganun talga kaming mga pusa ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. ibang multo rin ba ang nakikita mo meowfie? hehe

      Delete
  4. Galing galing clap clap..ayos ah.. (nam nam yung nakahiga oh, naisingit lang sa entry yung pic hehehe.)

    First time ko mapadpad sa blog n to..astig sobra , di puro kahalayan hehehe konti lng


    nabasa ko na lahat ng entries mo sa other blog mo..
    post ka pa ng marami...araw araw na ko bisita dito.teheeee

    ReplyDelete
  5. tsi-kun-gun-ya...teheeee.....

    hays...tsk sagabal tong CAPCHA na to..ok lang sa ikabubuti nmn to ng blog mo...

    ReplyDelete
  6. haha, kilala ko yang nasa picture. :D

    ReplyDelete