Monday, 17 September 2012

Mr. Accountant (Padala mo, Sagot ko!)

Mahirap ang buhay dito sa abroad.
Kelangan din magipon, kahit malaki ang kita malaki rin ang gastos.
Akala ng karamihan pag OFW ka mapera ka.....no no no no...
Yun din ang akala ko dati, pero nung ako na mismo ang nandito sa abroad.
Diyos mio, halos wala pa akong ipon.
Lahat sa pamilya, padala dito, padala doon.

Ibang iba na talaga pag nasa abroad,
Kung dati di masyadong pinapansin ng mga friend, classmate at mga relatives mo sa fesbuk,
Ngayon namamansin na sila, lalo na pag pasko, yung iba size 11 daw, yung iba kahit Nike shirt lang daw.
Yung friend at clasmate ko naman dating isnabero / isnabera, ngayon namamansin na rin,
Ipasok ko daw sila dito sa work ko abroad.

Ngayon ako naman ang may karapatang maging isnabero hahaha.
Pagbukas mo pa lang ng fesbuk, ganito agad mababasa mo "Kuya mzta na? Okay ka lang jan? Nxt week pala bayaran na ng tuition fee namin, ingat ka lage :)"
"Tol may sakit asawa wala kameng ibang malapitan, hayaan mo makakabayad din ako sayo"
"Hey bro, penge naman me pang-apply, naubos na kasi yung pinadala mo dati, hirap mag-apply ngayon eh"
Sagot ko naman "Ngayon nararanasan mo na ang hirap mag-apply, eh kung di ka ba naman huminto sa college eh di nakapagtapos ka na? isang subject lang binagsak mo tapos lahat na ng sem ni-dropped mo?!"
"Pare, wag mo kalimutan yung inaanak mo ha, merry X mas" (Kahit November pa lang bumabati na)

Yung utol ko naman, " Tol balak ko mag-aral uli, kuha ako Electrical Engineering, baka pede mo ako tulungan"
Hayss pang ilang course mo na yan kapatid ko.
Yung ibang message, nakakatakot, yung iba may cancer, yung iba may tubig sa baga, yung iba may ibat ibang sakit.

Yung iba pinadalhan mo na lahat, di na nagpaparamdam, ni ha, ni ho, ala man lang THANK YOU.
Tapos pag gipit uli, mega message sa fb o inaantay  pag nakaonline online ko sa skype.

Kung dati ang breakfast nila, singanag, itlog, canton at hotdog, ngayon upgragded na.
Ganun pa rin yung nga lang ang gamit na pinggan at kutsara galing Saudi at kumikinang haha.
Kung dati Air cooler lang sa kwarto nila, araw-araw papalitan ng tubig, ngayon de AirCon na sila.
Kung dati 24 inches CTR type TV, ngayon Flat screen na.

At eto wala pang ipon, minsan nakakasawa na ang pumunta ng bangko para maghulog.
Nakakasuya na rin ang amoy ng mga ibang lahi na kahilera mo sa pila.
Nakakabulol na rin ang magsalita ng Arabic.

Pero sa kabila ng lahat, nagagawa ko paring ngumiti tuwing naghuhulog sa bangko.
Kahit sira araw ko minsan, makita ko lng sya okay na ako.
Bumigkas lang sya ng Asamalaykum (Hello/Peace  be w/ you) solve na.
Tawagan ko lang sya para tanungin magkano ang palitan, busog na ako.
Sya si Mr. Accountant 






Nakuwento ko na sya dati dito. Isa lang sya sa mga pinoy crushie ko dito sa gitnang silangan.
Sayang naman at may asawa kana.

3 comments:

  1. Sarap naman niya...

    Gaano ka na katagal sa MiddleEast?

    ReplyDelete
  2. Ay ganun? Aq accountant din baka pding mag apply haha

    -jeremy

    ReplyDelete